Author's Note:
Hi! I'm Rosilocks ^_^ pero hindi ako ang bida ng story na 'to haha author lang ako. I just want to say hi sa lahat ng readers and salamat na rin.
Gusto ko lang na malaman niyo na super nakakarelate ako! That's why I dedicate this story to Elijah Riley V. Montefalco, my favorite fictional character.
Alam kong di ako nag-iisa. Alam kong marami tayo na minsang nangarap na maging totoo sila. Actually ang iba nga hindi pa rin sumusuko hanggang ngayon, kaya naman para sa inyo rin talaga 'to <3.
Feel free to comment your favorite fictional character below ^_^ sa watty man or kahit anong libro.
Yun lang! HAHA enjoy!
This is Rosilocks now signing off.
❤️❤️❤️
CHIONE'S POV
"Balita ko binasted mo raw si Clark kahapon," seryosong panimula ng pinsan kong si Dawn na kararating lang.
Hindi naman ako umimik at nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa habang nakaupo sa sala. Ni hindi ko sinulyapan ang pinsan ko na paniguradong pinauulanan ako ngayon ng masasamang tingin. Ang isa ko pang pinsan na kapatid niya ay nanatili lang na nanonood sa aming dalawa.
"And your only reason was that your heart already belongs to someone else. Ano bang drama 'yon Chione?" pagpapatuloy niya.
Sa totoo lang hindi ba sapat naman na talaga 'yong rason para bastedin ko si Clark?
Ngunit sa halip na sabihin ko iyon ay binaon ko na lamang sa isip ko. Alam ko naman ang pinupunto ng pinsan ko. Alam ko ang gusto niya talagang iparating.
"Tanggap ko sana kung totoo, but we both know na hindi."
Sa pagkakataong ito sinarado ko na ang librong hawak ko at tuluyan na siyang hinarap. Hindi na rin naman na ako makapagbasa ng maayos dahil sa kaniya so mabuti pang kausapin ko na siya. Pagkaharap ko sa kaniya tinaasan na niya agad ako ng kilay.
"It wasn't a lie..." sabi ko na lalo lang niyang ikinainis.
"You're joking right? How can you love someone that doesn't exist?!" Hindi niya makapaniwalang tanong.
"Anyone can love whoever they choose to love," walang gana kong sagot.
This is pointless. Really pointless.
YOU ARE READING
To Say His Name
RomanceBut how could she ever say his name without remembering her favorite fictional character? Para kay Chione, tila isang dream come true nang umeksena sa buhay niya si Saint, dahil maliban sa kapangalan nito ang kinaaadikan niyang fictional character...