Kinabukasan pagising ko hindi ko halos maibukas ang mga mata ko. Kung hindi lang ako takot na malate baka hindi pa ako agad bumangon at gumayak para pumasok.
"Good morning, Chione! Ito nga pala yung notebook mo salamat ulit!" masayang bati sa'kin ni Nikka pagkapasok ko pero biglang napawi ang ngiti niya nang humarap ako sa kaniya.
Confirmed. Mukha nga siguro talaga akong panda sa mga oras na 'to.
"Bakit ganyan ang mga mata mo? Masyado mo sigurong kinareer ang pagrereview kagabi para sa recitation. Natulog ka pa ba?" natatawa niyang tanong habang inaabot sa'kin ang notebook na hiniram niya kahapon.
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga.
"Hindi ako nakatulog agad." sabi ko at pagkatapos kinuha ko ang notebook ko na sinauli niya at inilagay 'yon sa aking bag.
Sa totoo lang hindi talaga ako halos nakatulog. Maaga akong natapos mag-aral kagabi pero madaling araw na gising pa ako dahil tila ayaw mag-shut down ng utak ko.
"Teka saan ka pupunta, Chione?" tanong sa'kin ni Nikka nang magsimula akong maglakad papunta sa pinto.
"Ahmm may bibilhin lang ako sa canteen."
Pagkarating ko sa canteen walang pila konti pa lang kasi ang tao. May iilan lang na nag-aalmusal. Siguro ay hindi nakapagbreakfast sa mga bahay nila. Mabilis tuloy akong nakabili ng mineral water.
Para saan ang mineral water?
Sa namamaga kong mga mata syempre. Nabasa ko kasi dati sa net na mabuti raw ang cold compress para sa eye bags. Sakto naman may nagyeyelong tubig kaya 'yon ang pinili ko.
Pagkatapos ko makabili ng tubig naglakad ako pabalik sa room habang nakalapat ang malamig na bote sa mga mata ko.
Ngayon ko lang 'to ginawa. Sana lang effective.
Sa awa ng diyos nakarating naman ako ng tapat ng room nang hindi nadadapa o nabubunggo kung kanino kahit nakalagay ang bote sa mga mata ko.
Papasok na sana ako ng classroom nang may biglang sumulpot na lalaki sa pinto. Sa gulat ko bigla kong nabitawan ang bottled water na hawak ko. Pupulutin ko na sana kaso yumuko rin siya para pulutin yung nahulog ko.
Ang ending tuloy nauntog ako sa kaniya.
"Ouch," reklamo ko habang hawak ang noo ko.
Hindi naman masyadong masakit pero masakit pa rin. Mukhang hindi naman siya nasaktan dahil hindi siya nagreklamo. Buti pa siya mataas ang pain tolerance.
"Sorry," sabi niya agad.
YOU ARE READING
To Say His Name
RomanceBut how could she ever say his name without remembering her favorite fictional character? Para kay Chione, tila isang dream come true nang umeksena sa buhay niya si Saint, dahil maliban sa kapangalan nito ang kinaaadikan niyang fictional character...