Chapter 3: Back To Normal

12 0 0
                                    



"Nahanap ko na ang Facebook profile niya!" excited na sigaw ni Illiana.


Nasa cafeteria kami ngayon dahil lunch na pero imbis na kumain kung ano-ano inaatupag namin. 


Nakatulala lang naman ako sa kawalan at nag-iisip. Ang pinsan ko namang si Dawn may kaharap na laptop dahil hindi mabitawan ang ine-edit at si Illiana abala sa pang-iistalk sa kaniya. 


Ang bilis kasi na kumalat ng balita, dahil for the first time in forever may nakakuha ng almost perfect na score sa quiz ni Sir Mau. Kaya naman marami na tuloy nakakakilala sa kaniya at kasama na ron sila Illiana. 


Pero kahit ang dami na ng nakakakilala sa kaniya hindi pa rin nawawala sa isip ko na baka isa lamang siyang ilusyon. 


"Ano ba yan ang dull naman ng profile niya sa Facebook. Wala man lang ibang pictures kung hindi yung current at mga dating profile pictures niya." dismayadong sabi ni Illiana.

"But I must say ang dami niyang friends." 


"Psh pa-mystery effect lang 'yan. Why are you stalking him anyway? Crush mo na rin?" kung si Illiana interisado sa kaniya kabaliktaran naman non si Dawn. 


"Ano ba Ate hindi noh. I'm doing it for Chione. Ayaw niya pa rin kasi maniwala na totoo si Saint."  


Gustuhin ko man na makisali sa usapan nila ay hindi ko magawa dahil masyadong occupied ang isip ko. Hanggang ngayon kasi nahihirapan pa rin akong tanggapin ang mga pangyayari kanina. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on. 


"Pero hindi ko naman masisisi si Chione. Sino ba mag-aakala na may Saint Madridejos pala sa totoong buhay? Paano kaya 'yon nangyari? Tsaka ganon ba talaga siya kagaling sa Math?" 


See maging ang pinsan kong si Illiana hirap din tanggapin na totoo talaga siya. 


"Matagal nang nagcocompete si Saint sa mga Math contests. He even won in an international Math contest." walang ganang sagot ni Dawn sa tanong ng kapatid. 


International Math contest? Well that explains it. Kung nakaya niyang manalo against other countries hindi na nakakapagtaka na magaling nga talaga siya sa Math. Iyon nga lang hindi pa rin nabago at nagawang alisin ng fact na 'yon ang mga pagdududa ko. 


"Paano mo naman nalaman yan Ate?" puno ng pagtatakang tanong ni Illiana.


Nagkibit-balikat si Dawn. "Narinig ko lang somewhere." 


"Kunwari ka pa Ate, ikaw din naman pala nangangalap ng impormasyon tungkol kay Saint." pang-aasar ni Illiana sa kapatid.


"Bakit ba kanina ka pa nakatulala dyan Chione?" tanong ni Dawn na ngayon ay sa'kin na nakatingin at hindi sa laptop. 


"Oo nga...Hindi ka ba masaya na totoo si Saint?" tanong naman ni Illiana. 


To Say His NameWhere stories live. Discover now