Pagkapasok ko kinabukasan dinumog agad ako nila Ivy. Noong una kinamusta nila ako at tinanong kung masakit pa ba yung ulo ko. Nakailang sorry din si Ivy sa'kin at halos hindi ko rin mabilang ang beses na sinabi ko sa kaniya na ayos lang talaga. Iyon nga lang yung mga sumunod nilang tanong hindi ko na kinaya.
"So kwento ka naman...Anong feeling?" tanong ni Ivy.
"Anong feeling ng alin? Anong feeling ng matamaan ng bola sa ulo?" tanong ko.
"Not that haha. Anong feeling ng buhatin ni Saint?"
Bago pa man ako makasagot sinimulan na akong yugyugin ni Gen. "Grabe sobrang swerte mo girl inggit na inggit ako sa'yo!"
"Oo nga, Chione, napakaswerte mo huhu! Sana ako na lang ang tinamaan ng bola!" sabi naman ni Catherine at tinulaktulak pa ako.
Konti na lang iisipin ko na may galit sila sa'kin at gumaganti sila sa pamamagitan ng pagyugyog at pagtulak.
"Omg! Next time talaga Ivy ako naman tamaan mo ah!"
"Hindi ako muna!"
"Hay nako! Magkaroon naman kayo ng originality! Basta ako magkukunwari akong nahimatay para buhatin din ako ni Papa Saint hays," singit naman ni Franzine.
"Huwag ka na umasa Franzine kahit kailan hindi ka niya bubuhatin."
"Ang chaka mo Ivy masama bang magpantasya?"
Nakakawindang ang mga reaksyon nila. Hindi ko inakala na ganito sila kahumaling sa kaniya. Para bang lahat napasailalim niya sa isang spell dahil ngayon ko lang talaga natunghayan na ganito ang mga kaklase kong babae. Si Franzine naman kasi matagal nang ganito.
Nang umalis sila Ivy. Bumungad sa'kin ang makahulugang ngiti ni Nikka. Tinignan ko naman siya ng masama. Kung makangiti ang isang 'to akala mo hindi siya ang puno't dulo ng lahat.
"Nako Nikka 'wag mo akong ngitian ng ganyan may kasalanan ka pa sa'kin."
"Ano naman kasalanan ko?" Hindi pa rin napapawi ang ngiti niyang punong-puno ng meaning.
"Ikaw lang naman ang dahilan ng lahat. Ikaw ang nagsabi sa kaniya na dalhin ako sa clinic."
"Concern lang naman ako sa'yo. You're welcome, by the way! Haha."
Nag-pout ako. You're welcome ka d'yan. Nako talaga hindi pa rin nagbabago isip ko kahit si Herondale pa yan sisiguraduhin ko na makakaganti ako sa'yo Nikka.
"Ano naman ginawa niyo ni Herondale? Nag-date kayo noh," pang-uusisa ko.
YOU ARE READING
To Say His Name
RomanceBut how could she ever say his name without remembering her favorite fictional character? Para kay Chione, tila isang dream come true nang umeksena sa buhay niya si Saint, dahil maliban sa kapangalan nito ang kinaaadikan niyang fictional character...