Chapter 1: Saint Aveneil Madridejos

18 0 0
                                    



Wala pa ang teacher namin kaya kaniya-kaniya na namang mundo ang mga kaklase ko.


Sa kasamaang palad nga lang ang mga chismosa kong mga kaklase sa likod ko pa talaga napagpasyahan na magtipontipon. Hindi tuloy ako makapagbasa ng maayos. Nasa pinakamagandang part pa naman na ako ng story. 


"Mga sissssss!!! May bago akong nasagap na balita." excited na bungad ng baklang kaklase ko na si Franzine sa mga kaibigan niyang babae. 


"Anooo?!" halos sabay-sabay pa nilang tanong.


Dahil hindi na ako makapag-concentrate sa binabasa kong libro sinarado ko na lamang ito at dumukdok. 


I really miss Saint. 


Bakit ba kasi ang daming sagabal? Ang tanging gusto ko lang naman ay makapagbasa.


"Nakikita niyo ba yang sobrang upuan na 'yan?" bulong niya sa mga ito na rinig na rinig ko naman. 


"Omg!! May bago tayong kaklase?!" mahinang sigaw ng kaklase ko na babae. Iyong mahinang sigaw na tanging mga batikan na chismosa lang ang nakakagawa. 


"Tumpak ka d'yan girl at lalaki siya! Magkakaroon na ata ako ng bagong crush! Sana gwapo!!" at pagkatapos ay pareparehas silang humagikgik nang dahil sa kilig. 


"Umayos na kayo parating na si ma'am," seryosong utos ng class president namin. 


Agad namang nagsisunuran ang mga kaklase ko. Maging ang mga chismosa kong kaklase na nasa likod ko ay biglang tumahimik at nagsibalikan na sa kanilang mga upuan.


Bakit naman sila hindi susunod? Eh ang laki ng takot nila sa class president namin na si Herondale.


Tingin palang non nakakamatay na. Mas takot pa nga kami sa kaniya kaysa sa principal ng school na 'to.


Dahil nawala na ang mga ma-iingay kong kaklase sa aking likuran, sinamantala ko na ang pagkakataon at muli akong nagbasa.


Kung totoong may transferee for sure magpapakilala pa 'yon so hindi pa agad makapagsisimula ng lesson si ma'am, and knowing my classmates ihohotseat pa nila ang bago naming kaklase kaya habang nang-iintriga sila ay magbabasa na lang ako.


Maya-maya narinig ko na ang pagbukas ng pinto, hudyat na nandyan na si Ma'am. 


"Uy sino yung kasama ni Ma'am?"


"Sh*t ang gwapo."


"Bago nating kaklase?"


"Hala oo nga may transferee at ang gwapo. Crush ko na siya agad."


"Akala ko ba ako lang ang crush mo?"

To Say His NameWhere stories live. Discover now