Chapter 5: Too Good To Be True

8 0 0
                                    


Sa sobrang lakas ng pagkakatama napahiga na lamang ako at napapikit. Maya-maya narinig ko na lamang ang boses ni Franzine malapit sa'kin.


"Chione, gising hindi kita kayang buhatin sayang naman ang beauty ko."


Gusto ko sanang sabihin na gising naman ako dahil naririnig ko siya, pero ang sakit talaga ng ulo ko. Tapos hindi ko alam parang nahihilo ako. Naghalo-halo na ata. Puyat. Pagod. Sakit sa ulo dahil sa malakas na pagtama ng bola.


"Omg! Sorry Chione hindi ko talaga sinasadya," rinig ko ring sabi ni Ivy.


Ramdam kong nakapalibot na sila sa'kin ngayon. Jeez. Sobrang sakit talaga ng ulo ko. Dapat pala nagtime-out na ako kanina pa at nagpasub sa iba edi sana hindi na ako tinamaan ng bola. 


"Anong nangyari?"


"Ahhh kasi tinamaan ng bola sa ulo si Chione, Saint."


Wait... Did she just say Saint?!


"Saint, baka pwedeng pakidala si Chione sa clinic? Mukhang hindi talaga siya okay at mukhang hindi niya yata kayang tumayo," rinig kong sabi ni Nikka.


What?! No!


Teka lang tatayo na ako! Kaya ko naman tumayo! Pero bago ko pa man magawang tumayo binuhat na niya ako. Naramdaman ko kasi ang sarili kong umangat mula sa sahig. Halos hindi naman ako mapakali sa pagtakip sa mukha ko dahil sa matinding kahihiyan.


"Saan ba ang clinic?" tanong niya habang buhat ako.


Gusto ko sanang sabihin na hindi niya na kailangan gawin 'to. Gusto kong umapila pero ayaw magsalita ng bibig ko. 


"Samahan ko na kayo," sabi naman ni Nikka at siya na ang nagturo. 


"S-sa totoo lang...A-ayos lang ako hindi niyo na ako kailangan dalhin sa clinic," wika ko nang nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magsalita. 


Sa halip na tumigil sa paglalakad dahil sa sinabi ko, hindi pa rin siya huminto. Saglit siyang sumulyap sa'kin at pagkatapos ay ibinalik niya ang kaniyang tingin sa dinadaanan namin. 


"You don't look okay to me. Sobrang pula ng mukha mo." 


Ano ba dahil yun sayo!


Narinig ko naman si Nikka na parang tila nagpipigil ng tawa sa gilid namin. Nakuha niya pa talagang tumawa? Eh pakana niya ang lahat ng ito. Hindi naman talaga ako kailangan dalhin sa clinic pero dahil sa sinabi ni Nikka heto tuloy ako ngayon. 


Ayoko na talaga! Humanda ka talaga sa'kin Nikka! Makakaganti rin ako sa'yo! 


To Say His NameWhere stories live. Discover now