"Okay ka na ba Chione? Hindi na masakit ang ulo mo?" puno ng concern na tanong ng seatmate ko na si Nikka.
"Oo okay na ako." I answered with a smile.
Kunwari okay ako kahit halos mabaliw na ako kakaisip. Hindi ko pa rin kasi matanggap na nandito siya. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano iyon naging posible.
"Alam ko kung bakit sumakit ang ulo niyan." sabat naman ni Franzine na katipon na naman ang iba kong kaklase na babae.
"Hindi kinaya ang kapogian ng bago nating kaklase kaya unang kita pa lang niya napa-'ma'am may I go to the clinic' na ang lola niyo." kantyaw ni Franzine at pagkatapos ay nagtawanan sila.
Hindi na lamang ako kumibo. Alam ko naman na nagbibiro lang siya kaya no need na patulan. And matagal naman na silang ganyan sanay na ako.
"Pero ang gwapo nga naman kasi talaga ni Saint. Sana matalino rin siya!"
"Hoy 'te diba may jowa ka na?"
"Oo nga meron. Nagsasabi lang naman ako ng totoo hindi ko naman siya ipagpapalit."
"Ah basta ako wala akong jowa kaya mas malaki ang chance ko."
Ako na ang nahihiya para sa kanila dahil hindi naman ganon kalayo ang upuan niya para hindi marinig ang usapan nila Franzine.
Iyon nga lang kung naririnig man niya ay halatang wala naman siyang pakialam dahil hindi niya kami pinapansin.
Pero di ko maiwasan na maalala ang sinabi ng kaklase ko na sana matalino siya.
Hindi ako nagdududa na ang sagot ay oo dahil ang Saint na kilala ko matalino lalo na sa Math.
Speaking of Math binalik ko na lamang ang atensyon ko sa pagsosolve ng mga problems sa lecture ko.
Sa totoo lang dapat nag-ququiz na kami ngayon kaso malelate daw si Sir Mau so todo review muna ako habang wala pa siya.
Sa lahat kasi ng subjects, sa Math ako laging hindi confident. Hindi kasi ako natural na magaling sa Math.
Kahinaan ko talaga 'yon at kaya lang ako nakakakuha ng mga mataas na scores tuwing test ay dahil isang linggo akong nagrereview.
Habang nagsasagot may mga pagkakataon na sumusulyap pa rin ako sa kaniya. Ewan ko pero feeling ko kasi bigla na lang siya maglalaho. Na sa sunod na pag-angat ng mga mata ko hindi ko na siya makikita. Tama nga ata si Dawn dahil sa kakabasa ko ng mga libro kung ano-ano ng mga imposible ang naiisip ko.
Nahahaluan ko na ng pantasya ang realidad.
YOU ARE READING
To Say His Name
RomanceBut how could she ever say his name without remembering her favorite fictional character? Para kay Chione, tila isang dream come true nang umeksena sa buhay niya si Saint, dahil maliban sa kapangalan nito ang kinaaadikan niyang fictional character...