Rose's POV
Hinawakan nya na yung pisngi ko at parang unti unti ko na lang nararamdaman na pumipikit na ko at nararamdaman ko na din yung mabango nyang hininga na palapit na sakin.....
Pero yung pagkakahawak nya sa pisngi ko ay napunta sa kaliwang tenga ko at yung mukha nya lumihis din papunta din sa tenga ko. Teka! Ano bang meron sa tenga ko?!!!
Napamulat naman ako ng mata ko at narinig kong may sinabi sya sakin...
"Sumunod ka sakin..." Sabi nya sakin sabay dampot nya nung damit nya at isinuot nya yon.
Sinundan ko lang sya hanggang sa makarating kami doon sa isang kubo sa di kalayuan.Ano namang gagawin namin dito?
Pumasok sya doon kaya pumasok na din ako. May dalawang malaking bintana ang kubo nato at may maliit na pintuan na gawa sa kawayan, kung pwede nga lang akong humakbang na lang dahil maliit lang yung pintuan kaso mataas naman yung pinaka paa nung kubo. Aakyat ka muna kasi sa hagdan na gawa sa kahoy na lima ang baitang tsaka ka papasok sa maliit na pintuan na gawa sa kawayan. Pawid lang din ang bubong nito. At may upuan din na gawa sa kawayan na katabi ng dalawang bintana. Tanaw na tanaw ko ngayon ang ganda ng kapaligiran dito na napapaligiran ng bulaklak at mga nag liliparang paro paro.
Umupo ako dun sa upuan na gawa sa kawayan na katabi ng bintana dahil sariwa ang hangin dito. Nagulat ako ng biglang may dumapo saking kulay blue na paro paro. Hindi naman sya umaalis kahit ginagalaw ko na yung kamay ko ng pa unti unti. Ang ganda nya, dark blue yung kulay nya at may mga dot na kulay black.
"Jepoy! Tignan mo oh ang ganda nung paro parong dumapo sakin!"
Tawag ko kay Jepoy nakatingin lang din kasi sya sa bintana at nilalanghap ang sariwang hangin. Inilabas ko naman yung cellphone ko at pinicturan yung paro paro."Oo nga ang ganda nya, parang ikaw." Sabi nya sakin sabay kindat. Mas maganda naman ako dun sa paro paro noh!
"Alam mo kung bakit ka nilalapitan ng paro paro?" Tanong nya sakin.
"Bakit?" Balik ko naman sa kanya ng tanong.
" Kasi isa kang Rosas. Maganda ka at mabango kapa kaya ka nilalapitan ng mga paro parong kagaya ko---este! Kagaya ng kulay blue na paro paro na yan" sabi nya naman sakin sabay turo dun sa paro parong nasa kamay ko. Syempre ako paba! Wala ng tatalo sa ganda ko! Pak!
"Ano nga ulit yung sasabihin mo sakin?" Tanong ko sa kanya. Para kasing lutang sya ngayon, kanina lang inaasar ako tapos ngayon bigla na lang tatahimik, bipolar din pala tong si Jepoy.
"Alam mo ba yung kuwento ng Ang bulaklak na Rosas at ang isang paro paro?" Tanong nya sakin at dahil ngayon ko lang din narinig yung title nung kuwento na yon ay na curious ako.
"Hindi pa eh. Bakit?" Tanong ko naman sa kanya.
"Gusto mo bang malaman?" Balik nya naman ng tanong nya sakin.
"Oh sige ba ! Ikwento mo sakin " request ko sa kanya . Para kasing may tumutulak sakin na pakinggan yung kwento na yun.
"Sige..." Sagot nya sa akin at nag kwento na.
" Sa isang bayan sa Quezon ay may lugar doon na puro bulaklak. Sari sari ang mga bulaklak doon , sampaguita,gummamela at iba pa pero ang pinaka nakakaakit at ang natatangi nitong kagandahan ay ang bulaklak na Rosas. Napaka daming nahuhumaling kagandahan nito. Pati narin mga tao ay nag pupunta doon para makita ito.
YOU ARE READING
One Last Wish (On-Going)
Teen FictionRose Lindzei Enriquez and James Paul 'Jepoy' Aragon were childhood friends. Simula pagkapanganak pa lamang ay magkasama na sila at naging 'best friends' na pinagtibay pa lalo ng madalas at matagal na pagsasama nila. However, unlike in most love stor...