Chapter 8: Viral Video

28 3 5
                                    


Rose's POV

Lunes na naman at pasukan na namin ngayon. Nakaka bwisit nga at parang ang bilis bilis ng oras kapag duma dating na yung araw ng pasukan.
Tss.





Fireeeeeee! Oh! Fireeeeeee!!! oh! weh! oh! Fireeeeeee!!! Oh! Fireeeeeee! Oh! Weh! Oh! ..... Ssak da bultaewora! Bow wow wow!

Wag kayong ano alarm clock yan!

Pinalitan ko na kasi yung nakaka rindeng tunog ng dati kong alarm clock. Ginawa kong fire ng BTS para naman pag gising ko sa umaga ay hindi ako naka busangot dahil sa tunog ng alarm clock ko at para na rin tuwing pag ka gising ko lang ay maririnig ko kaagad yung boses ng mga asawa ko. Fan kasi ako ng BTS at ang bias ko sa kanila ay si Kim Taehyung. Skl.

Pinatay ko na yung alarm clock ko at nag unat sa kama at kinusot yung mata ko na parang bata.

Bumangon na ako at tinali yung buhok ko na parang pang nanay. Pumunta na ako sa CR at nag hilamos ng mukha pag katapos nun ay umalis muna ako dun at nag pa hangin doon sa may bintana. Maaga kasi akong nagising at dahil din yun sa alarm clock ko at ewan kung bakit ang aga mag alarm ng alarm clock ko. 10 minutes later napag desisyunan kong maligo na.

Kinuha ko na yung uniform ko sa cabinet at dumiretso na ako sa CR. Naligo ako . Pag katapos ko maligo ay ipinulupot ko na yung twalya sa buhok ko atsaka nag bihis na ako ng uniform ko. Lumabas na ako sa CR at humarap sa salamin. Tinanggal ko na yung twalya na naka pulupot sa buhok ko at kumuha ng suklay at sinuklay ko yung buhok ko.

Pagka tapos ko mag suklay ay nag pulbos na ako at nag lip balm. Bumaba na ako sa kwarto at pumunta na sa kusina. Nakita ko don si Mommy , kuya, ate at Daddy na naka upo na. Umupo na din ako sa tabi ni Mommy.

"Oh baby buti naman at bumaba ka na" sabi sa akin ni Mommy. Malamang baba ako! Ano doon ako mag aaral sa kwarto!

"Mommy nakita ko yan si Rose may kasamang lalaki habang nag lalakad pababa ng hagdan doon sa school!" Biglang sabi ni kuya na ikinagulat ko. Langya tong si Kuya! Pag ikaw talaga nilaglag ko walang sisihan ha!

"Totoo ba yan Rose? Akala ko si Miya lang ang lagi mong kasama at si Jepoy lang din ang nakaka lapit sayo na lalaki pag nasa school ka?" Tanong naman ni Mommy sa akin. Walang hiya ka talaga kuya! Anong sasabihin ko ngayon?!

"Ahhhh...Ehhhh.... Ano---" biglang pinutol ni kuya yung sasabihin ko at nag salita sya.

"Tiningnan mo Mommy! Nauutal yang baby damulag nyo kasi totoo!" Bigla nyang sabi. Sinamaan ko naman sya ng tingin at nag evil smirk lang sya sa akin. Ang bait talaga ng kuya ko! Mahal na mahal nya ako! Bwisit!

Sasagot pa sana ako pero biglang nag salita si Mommy " it's ok baby basta hanggang kaibigan lang ha. Atsaka ano nga pa lang pangalan nun?" Tanong nya sa akin. Nako Mommy kilalang kilala mo yun! Naka pasok na nga sa pamamahay natin yung mokong na yun! At ang masama pa sa kwarto ko na kapasok na rin!

Hindi ko naman kasi pwede na sabihin na hindi ko close yung mokong na yun! Kasi sabi nya kila Mommy kahapon nung bumisita sila ni kuya Mattias na close kami at with matching akbay pa sa akin! Tanggalin ko yang kamay nya eh!

"Ahhhh..... Mommy... Si Mio po yung tinutukoy nyo at ni kuya!" Sabi ko sabay tingin ko kay kuya ng masama at halata sa kanya na nag pipigil lang sya ng tawa. Bida bida to si Kuya eh!

"Oh! That's good kung si Mio naman pala yung kaibigan mo... Close mo na rin naman sya so ok na yun atsaka pinsan naman sya ni Mattias parang kapareho nya nga yung ugali ni Mattias eh..." Tuloy tuloy na sabi sa akin ni Mommy. Nako Mommy! Grabe! Kung alam mo lang ang ugali ng mokong na yon! Sigurado ako na ha highbloodin ka!

One Last Wish (On-Going)Where stories live. Discover now