Rose's POV
Dalwang linggo na rin mula nung pumasok ako sa East Eagle University. Ganon pa rin naman ang mga nangyayari, may nang aaway sakin pero hindi ko na lang pina patulan at may na ngungulit sakin pero hindi ko na lang pinapansin.
Linggo ngayon ng umaga at kakagising ko lang. May naririnig kasi akong ingay sa baba pero ayoko namang tignan dahil sa tinatamad pa ako bumangon sa kama ko. Kinuha ko muna yung cellphone ko na katabi ng kama ko kung nasaan din yung lampara ko. Tiningnan ko yung oras at 8:30 na pala, pero hindi pa rin nila ako tinatawag. Ayoko pa bumaba kaya nag social media muna ako. Binuksan ko yung facebook ko at nakita ko doon na sa notification ko ay may friend request kaya pinindot ko yun.
Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nag friend request sa akin......
Yung mokong na yon!
Bat naman nag fre-friend request sakin yung mokong na yun?!
At dahil madali ako kausap hindi ko sya inaccept at inalis ko din sya doon sa mga nag fre friend request sa akin. Napag isip isip ko na may past sila ni Brainadine kaya inistalk ko tong mokong na to.
Pumunta ako sa photos nya at may mga nakita nga akong picture nila ni Brainadine. Ang cute ni lang tignan. Parang walang problema, parang hindi mataray dito si Brainadine at hindi din playboy dito si Mio.
Siguro mabait talaga si Brainadine at ewan ko kung bakit mataray sya sa akin tss.
May nakita naman akong mga picture ni Mio ng mag isa lang. Mahilig pala
sya mag travel at napuntahan nya na rin yung gustong gusto kong marating yung Palawan. Nakapunta na naman ako doon pero gustong gusto kong inuulit ulit ang pag punta doon dahil sa ganda ng view.Nagulat ako ng bigla may kumatok sa pinto ko kaya agad kong tinago yung cellphone ko sa unan ko at pumunta kaagad sa may pintuan. Sinilip ko sa butas ng pinto ko kung sino ba yong kumakatok sa pinto. Nakita ko si Miya na kumakatok sa pinto. Kaya pinag buksan ko sya .
"Oh Miya ! Bat ang aga mo pumunta dito ?" Tanong ko sa kanya dahil kakagising ko pa lang naman. Bigla naman nya akong tinaasan ng kilay at tumingin sa relong nakalagay sa kamay niya.
"Anong maaga ka jan! Mag te-ten na kaya!" Sabi nya sakin kaya napatingin. naman ako sa relo ko. Omg! 9:55 na!
" So ngayon kailangan mo na daw bumaba dahil mag aalmusal ka ng mag isa at bilisan mo daw dahil may bisita kayo mamayang 12:00" sabi nya sakin at tumango naman ako. Sino naman ang bisita namin ngayon?
Isinara ko na yung pintuan at pumunta na sa CR at naligo. Nag palit na ako ng pang bahay na damit. Nag dress lang ako ng simple at inilugay ko yung maikli kong buhok na hanggang balikat. Nag pulbos lang ako at nag lip balm.
Pagkatapos non ay bumaba na ako at pumunta ng kusina.
Grabe! Iniwan nga talaga nila ako!
Ngayon ako na lang ang mag aalmusal mag isa. Tss.
Umupo na ako at kumain. Kanya kanyang gawa ngayon ang mga kasambahay namin. May nag luluto may nag lilinis ng kanya kanyang parte ng bahay at iba pa. Sigurado ako na sampung putahe na naman ang iluluto para sa bisita namin ngayon at sana naman ay babae ang bisita namin ngayon.
Binilisan ko lang ang pag kain ko at ininom yung gatas na itinimpla sa akin nung isa naming kasambahay.
Umalis na ako doon at pumunta na sa sala nakita ko doon si Mommy na nag babasa ng dyaryo. Nakaupo sya ngayon sa mahabang sofa na paharap ng TV. Tumabi ako sa kanya at nag beso.
"Oh baby pag 11:30 na mag palit ka ng damit yung maganda at mag paganda ha!" Sabi nya sakin na ikina kunot ng noo ko. Bakit hindi ba pwede tong suot ko? Maayos naman ha! Bakit kailangang mag paganda?!
YOU ARE READING
One Last Wish (On-Going)
Dla nastolatkówRose Lindzei Enriquez and James Paul 'Jepoy' Aragon were childhood friends. Simula pagkapanganak pa lamang ay magkasama na sila at naging 'best friends' na pinagtibay pa lalo ng madalas at matagal na pagsasama nila. However, unlike in most love stor...