Chapter 4: Who is the real Campus Queen?

27 4 0
                                    

Rose's POV

Kinabukasan, nagulat na lang ako ng biglang may sumigaw sa kwarto ko. Kainis! Istorbo!

"Rose! Gising na! Huy!" Narinig kong sabi ni Miya sakin pero nagtaklob lang ako ng kumot at ng unan sa tenga ko para hindi ko sya marinig. Pero nagulat ako ng biglang may nag hagis sakin ng unan. Bwisit!

" Rosas! Gising na kasi!" Sigaw nya pa habang niyuyugyog ako. Dahil sa inis na pa upo ako sa kama at napahilamos sa mukha.

"Bakit ba kasi?!" Inis kong sabi sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla nya ako taasan ng kilay.

"Hindi mo alam?" Sabi nya sakin habang naka taas parin yung kilay
nya. Sigurado ako na si Mommy ang nag papunta kay Miya dito dahil kaibigan ko sya. Atsaka ano bang meron ngayon?! Wala naman akong matandaan.

"Ok hindi mo nga matandaan..." Sabi nya pa sakin atsaka na kakapagtaka at naka uniform sya... Alam ko Linggo pa lang ngayon bat sya papasok." Lunes ngayon Rosas at pasukan na natin ngayon." Sabi nya pa na ikinagulat ko! What the F.... Pasukan namin ngayon! Damn.

"Bilisan mo na at iiwan kita pag antagal mo...dito muna ko sa kwarto mo at mag babasa pa ko ng mga libro mo dito" sabi nya pa...Gosh! Anong oras naba? 6:20 am na at 7:00 am ang pasukan namin. Paano na?!

Pumunta kaagad ako sa CR at ewan ko kung anong ligo ang ginawa ko. Pagkatapos nun ay nag bihis nako ng mabilisan at nag suklay na din, at ngayon ewan ko kung asaan yung bag ko?!!!!

"Ano tapos kana ba?" Tanong nya sakin. Obvious ba?! edi hindi!

"Hindi pa!" Sagot ko sa kanya kasi nag pupulbos pako habang nakaharap sa salamin, nag lagay narin ako ng lip balm at hindi katulad ng mga babae sa school namin ay parang mga sinampal ng ilang beses dahil sa pula ng mga labi.

Matapos kong gawin yon ay kailangan ko ng mahanap ang bag ko at mga gamit ko na hindi ko alam kung nasaan?!

"Tara na baba na tayo." Sabi nya at ibinalik nya yung mga book na binasa nya. Nauna syang bumaba sakin at sumunod naman ako sa kanya. Nagulat naman ako ng nakita ko kay Mommy yung bag ko.

"Oh baby, ito na yung bag mo. Inayos ko na rin yung mga gamit mo jan..." Sabi ni Mommy sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil na kay Mommy lang pala yung
bag ko at buti na lang at inayos nya pa yung gamit ko.

"Thank you Mommy..." Sabi ko sabay yakap kay Mommy ng mahigpit at inalis din yon dahil male-late na ko.

"Ayan kasi HHWW pa kay Jepoy... Masyadong inenjoy kaya hindi inayos yung bag..." Narinig kong sabi kay kuya na kababa palang ngayon ng hagdan.

Tiningnan ko naman sya ng masama at itinaas ang kilay" hoy kuya! Wag kang ano jan ha! May hindi kapa sinasabi samin at alam ko yun!" At ayan butinga sayo! Gulat na gulat ngayon! Bwahahah!

"Edi wow!" Sabi nya sabay lakad palabas ng pinto at narinig ko na lang na umalis na sya gamit yung kotse nya.San kaya pupunta yun at ang aga nagising.Nauna na ata si ate dahil nadaanan ko yung kwarto nya at naka bukas yung pinto at wala ng tao dun.

"Mommy una napo ako ha!" Paalam ko kay Mommy at humalik ako sa pisngi nya at nag ba-bye.

"Baby! Meron ka dyang tinapay sa bag mo. Kainin mo na lang pag recess nyo para di ka magutom kasi hindi ka pa naman nag almusal" sabi nya pa sakin at bumeso din sakin.

"Opo Mommy... Thank you po" at dumiretso na ko sa pintuan kasama si Miya at pumunta na kami sa garahe at sumakay na sa sasakyan ko. Ako ang nasa driver sit at si Miya naman ang nasa driver side.7:00 am to 3:00 pm ang pasok namin.

One Last Wish (On-Going)Where stories live. Discover now