Rose's POV
"T-tulungan m-mo k-ko"
Yan yung narinig kong sinabi ni Mio at tuluyan na syang nawalan ng malay.
Na pa sigaw na lang ako at humingi ng tulong.
"Tulong! Tulungan nyo kami!" Sigaw kong pa ulit ulit. Wala ng malay ngayon si Mio at kailangan nya na talagang madala sa hospital.
Mga ilang minuto din ang lumipas nakita kong may patakbo sa kina roroonan namin ni Mio at si Jepoy yun.
"Rose! Anong nangyari dito?!"
Tanong nya sa akin at halata mo sa mukha nya ang pag aalala at sa tingin ko hindi para kay Mio ang pag aalala nyang yun kundi sa akin.Inalalayan nya si Mio na maka tayo at buti na lang ay namulat ni Mio ang mga mata nya na akala ko kanina na walang malay.
"H-hindi ko alam" sagot ko naman kay Jepoy. Na nginginig ako ngayon at naiistatwa dahil sa kalagayan ni Mio at halatang halata siguro sa mga mata ko ang pag aalala ko.
Napa tingin ako kay Jepoy na naka tingin din pala sa akin. Iniwas nya yung mga mata nya at parang may nakita akong onting kirot sa mga mata nya.
Tumalikod na sya habang si Mio ay na ka akbay sa kanya at paika ikang lumakad. Tumigil si Jepoy at nag salita ulit at sinabing....
"Mukha namang ok ka dahil wala kang galos at kahit ano pang sugat..... At dahil na rin siguro sa mga mata mong halatang sya lang ang inaalala mo"
Wika nya at naglakad na habang ina alalayan si Mio sa pag lalakad. Naiwan naman akong tulala dahil parang tinamaan ako ng onti sa mga sinabi ni Jepoy at hindi ko alam kung bakit...
Mga ilang minuto din ang lumipas ay naka tayo parin ako dun ng biglang may gumulat sa akin dahil sa pag hawak sa balikat ko.
"Ay palaka!" Gulat kong sambit. Tiningnan ko kung sino yung humawak sa balikat ko at si Miya lang naman pala.
"Hoy hindi ako palaka! Pina pa sunod ka ngayon ni Kuya sa kanila ni Mio. Ayaw ata ni Mio na dalhin sya sa hospital!" Nag aalala nyang sabi sa akin. Bakit naman ayaw sa hospital ng mokong na yun?!
Tumakbo na lang kami ni Miya papunta sa kina roroonan nila Jepoy.
May nakita na akong mahabang kotse sa labas at alam ko kay Mio yun. Binuksan na ni Jepoy yung pintuan ng sasakyan ni Mio at ina lalayan si Mio na maka upo dun. Napa higa na lang si Mio sa upuan dahil sa sakit na na nararamdaman. Umupo naman si Jepoy sa driver seat at ako naman umupo sa driver side.Nakita ko naman na nag bukas ng payong si Miya dahil umuulan pa pala!
Nag salita si Jepoy at may sinabi sa kapatid nyang si Miya.
"Miya! Wag ka ng sumama at umuwi ka na lang. Sabihin mo na lang ang dahilan kung bakit hindi pa kami maka ka uwi ni Rose!" Sabi nya , napa simangot naman si Miya pero tumango na lang si Miya bilang pag sang ayon sa kuya nya.
Pina andar na ni Jepoy yung sasakyan ni Mio. Hindi ko alam ngayon ang gagawin ko at pa lingon lingon ko Tinitingnan si Mio sa likod ko.
Nagulat na lang kami ng bigla syang mag salita at idinilat nya ng onti yung mata nya"S-sa b-bahay n-nyo a-ako d-dalhin...... P-please....." sabi nya at hindi na muling nag salita pa. Nagulat na lang ako ng biglang binilisan ni Jepoy yung pag papa andar sa kotse ni Mio.
Napa hawak tuloy ako sa upuan ng kotse dahil sa ginawa ni Jepoy na muntikan pa akong atakihin sa puso. Lol.
Nakita kong tumingin sya sa akin at agad ding inabalik ang tingin sa harap dahil sa na ka tingin din ako sa kanya, pero ang mas iki na gulat ko ay ang bigla nyang pag ngisi at mukhang nasi siyahan pa sya dahil sa pag ka gulat ko sa ginawa nya. Bwisit!
![](https://img.wattpad.com/cover/148865394-288-k32929.jpg)
YOU ARE READING
One Last Wish (On-Going)
Genç KurguRose Lindzei Enriquez and James Paul 'Jepoy' Aragon were childhood friends. Simula pagkapanganak pa lamang ay magkasama na sila at naging 'best friends' na pinagtibay pa lalo ng madalas at matagal na pagsasama nila. However, unlike in most love stor...