Chapter 6:The Transferee

17 3 5
                                    

Rose's POV

Cringggggggg! Cringggggggg!

Haysss ang ingay naman ng alarm clock! Pano ko makaka tulog ng maayos nito.Kainis!

Kinuha ko na lang yung cellphone ko at tiningnan yung oras.

6:30 pa lang naman ahh! Bat ang aga mag alarm---

Wait 6:30!

Omg! 6:30 na nga! 7:00 ang pasok namin. Kainis.

Sabi ko na nga ba kapag gumising ako ng maaga kahapon, ngayon ay tatanghaliin ako!

Bumangon kaagad ako sa kama ko at pumunta sa CR. Naligo ako at para na naman akong si Flash dahil sa bilis ko at kung minamalas ka nga naman ay nakalimutan kong kunin yung uniform ko!

Nag pulupot muna ako ng twalya sa katawan ko at tsaka lumabas sa CR pumunta ako sa may cabinet ng uniform ko at kinuha ko na yung uniform ko at diretsong pumunta sa CR. Ipinag patuloy ko na ang pag liligo ko. Pagkatapos nun ay nag bihis nako ng uniform ko at nag suklay ng mabilisan.

Bumaba na ako sa kwarto ko at dumiretso sa kusina para kumain.

Nakita ko doon si Mommy at sila kuya at ate, nauna na naman siguro si Daddy umalis.

Kumain na ako ng mabilisan at kahit inaasar ako ni kuya ay hindi ko sya pinapansin. Uminom na ko ng tubig atsaka pumunta sa CR sa baba para mag toothbrush.

Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa garahe at wala pa doon si Miya. Pumasok na ako sa kotse ko, pero bakit parang may nakalimutan ako?

Nakita kong papunta na si Miya sa garahe at kumatok na sya sa pinto ng kotse ko kaya pinag buksan ko na sya ng pinto.

Umupo na sya sa tabi ko kaya hinawakan ko na yung manibela ng sasakyan ko pero hindi ko parin pina paandar yung sasakyan.

"Hoy Rosas! Bat di mo pa pinapaandar yung kotse? Male-late tayo nyan eh" sabi nya sakin. Bakit ba kasi parang may nakalimutan ako?

"Miya may nakalimutan ba ako?" Tanong ko sa kanya na ikina kunot ng noo nya.

"Bakit mo sakin tinatanong eh gamit mo yun" sagot nya naman sakin.

Wait! Gamit daw!

Naiwan ko yung bag ko sa kwarto!

"Miya! Naiwan ko yung bag ko!" Sabi ko sa kanya at agad akong lumabas at iniwan ko sya doon sa kotse.

Agad akong tumakbo papunta sa pintuan ng mansion namin at pumasok na doon sa mansion. Umakyat ako sa taas at pumunta nasa kwarto ko. Binuksan ko yung pintuan at nakita ko yung bag ko sa kama. Agad akong tumakbo doon sa kama at kinuha ko yung bag ko atsaka lumabas na sa kwarto ko.

Bumaba na ako sa hagdan ng madalian at muntikan na nga akong matapilok dahil may onting heels ang black shoes ko.

Tumakbo na ako palabas ng bahay at pumunta na sa garahe kung nasaan si Miya.6:55 na! Mag dra-drive pa ako! Pumasok na ako sa kotse atsaka pinaharurot yun.

"Walang hiya ka Rose!!!!" Sabi ni Miya dahil sa bilis kong mag patakbo dahil baka ma late na kami!

Binilisan ko na yung pag papatakbo hanggang sa matanaw ko na yung gate ng paaralan.

Binagalan ko na yung pag papatakbo dahil baka makita ako ng mga trafic enforcer ng school at baka matiketan pako! Hahaha!

Ipaparada ko na dapat sa pwesto ng kotse ko sa parking lot pero biglang may nag paharurot ng kotse at biglang inagawan ng pwesto sa parking lot ang kotse ko.

One Last Wish (On-Going)Where stories live. Discover now