"Eureina! Tara na para maaga tayo sa airport" nilock ko na ang pintuan ko at lumabas ng bahay. Nandito naman sila manang eh nagluluto nadin sila ngayong araw kasi dadating si Quin. For a vegan that's pretty picky wala tuloy meat gaano mamaya ang sad.
"Ito na kuya oh tara na" nakaupo na ako sa front seat ng Lexus niya. He started driving. Fast paced dahil baka mahuli kami naku at maarte pamandin si Quin.
"Ikaw talaga rein were 15 minutes late. Mamaya nagiinarte na naman si bunso doon." I just shrugged.
"Hayaan mong matutong maghintay si Quin kuya." Kumunot ang noo niya saka umiling.
"Kahit na Eureina magsusumbong pa si Quin kila mommy" I laughed hindi naman ganoon kamean si Quin. Mabuti nalang at walang traffic ngayon at malapit lang ang airport sa bahay nakarating kami agad.
"Call her, she must be here somewhere" I told kuya. Habang tinatawagan niya si Quin ay may naspot akong very familiar na tao. So familiar and so awkward pero tinawag ko padin siya.
"Sebastian!" He turned around sa direction namin ni kuya. Kausap parin ni Kuya si Quin pero hinawakan agad nito ang kamay ko ng lumapit saamin si Seb
"What are you doing here?" He asked. But then I spotted Quin walking towards us. Tinuro ko sakanya si Quin saka siya tumango.
"Ikaw anong ginagawa mo dito?" He faced the entrance ng Boarding.
"Hinatid ko lang ang grandparents ko." I nodded maguusap pa sana kami ng sumingit si Quin.
"Won't you welcome me?" I hugged her tight. Saka kami nagtawanan.
"Ikaw talaga, welcome back sabi ko naman kasi sayo dito ka na magaral" She shrugged.
"Maybe I will stay for good." Nanlaki tuloy ang mata ko at nagtatalon sa tuwa even kuya is smiling. Finally kasi dito na siya titira sa amin nila mommy.
"Ahh Quin you know naman si.." I faced Seb tumango lang ito kay Quin.
"Oh Sebastian right?" tunango sila sa Isa't isa.
"How did you know me?" Tumawa si Quin at tumingin sa akin which caused Seb to look at me too.
"Madalas kang ikwento ng ate ko sa akin." I covered her mouth. Kung ano anong inaamin niya kay Sebastian. Nakakahiya mamaya kung ano pa ang masabi niya.
"Ano naman ang mga kinukwento niya?" He gestured at me. Pinanlakihan ko ng mata si Quin pero ang babaeng yon inirapan lang ako.
"Na Gwapo ka raw at talented mostly like that" yumuko nalang ako jusko ka Quin nilaglag ako ng harap harapan kay Seb kinurot ko tuloy siya ng manahimik na.
"Enough tara na ng makapagpahinga na si Quin" hinihila na ni kuya si Quin at ako sa sasakyan but unfortunately sobrang daming dala ni Quin di na kami kasya.
"Kuya paano yan?" Quin winked at me saka siya umupo sa shitgun seat katabi ni kuya.
"Kuya let's go sigurado naman akong ihahatid ni Sabastian si ate" napanganga ako lalo kay Quin habang si kuya ay kumunot na ang noo at namumula.
"Hindi natin pwedeng iwan si Rein dito ayoko" lalabas na sana siya ng kotse ng hilahin ito ni Quin at binulungan. Napahinto tuloy si Kuya saka nalang basta basta nagdrive naiwan ako kasama si Seb na tulala.
"Ehh paano ako uuwi?" Ang hopeless ko na sana ng hilahin ako ni Seb sa tapat ng bus station. Huminto na kami ng lakad pero hawak niya padin ang kamay ko habang ako nakatitig lang sa likod niya.
Hanggang sa makaupo kami at bumyahe hindi niya binitawan ang kamay ko. Nagsimula akong mamula dahil sa hawak niya ang kamay ko ng wala manlang siyang pakielam kung anong nararamdaman ko.
"Why are you staring?" He asked lumingon tuloy ako sa iba.
"Ahh wala, yung kamay ko kasi kanina mo pa hawak" he then looked at our holding hands. He shrugged.
"It feels warm, ikaw tumulong ka naman sa gawaing bahay ang lambot ng kamay mo" I was staring at him hanggang sa magtawanan nalang kami.
"Tumutulong ako sadyang konti lang talaga ang gagawin" he nod saka niya ako hinila pababa. Teka wala pa kami sa bahay huh.
"Oy Kuya Seb wala pa tayo sa bahay" dirediretso kami hanggang mapunta kami sa isang mall. Pumasok kami doon ako itong nagpapahila lang sakanya
"Ano bang gagawin natin dito?" He looked around saka siya humarap sakin.
"Help me buy a gift for a girl" ahh regalo lang pala. Teka para kanino? Para sa isang b-babae?
"Para kanino?" He smiled saka tumingin ulit sakin.
"For the Girl i like" saka niya ako hinila sa isang jewelry shop. Bagsak ang balikat ko sa nalaman ko. May gusto siyang babae? At gusto niyang ako ang mamili ng regalo para rito. Ang hirap ng request niya masakit.
"Do you think this necklace would work?" I looked at it. It's beautiful diamond cut pero maliit lang.
"Ang ganda, oo magugustuhan niya yan" I tried to smile. I have to look unaffected kahit sa harap niya lang.
"Do you like it?" Tumango ako. Gusto ko nga hindi naman sa akin ibibigay.
"What is she like Sebastian?" He was busy searching for other necklaces pero nagawa niyang sagutin ang tanong ko.
"She is beautiful but at the same time fierce. That girl never failed to amuse me" Definitely not me, simple lang ako. That girl is lucky.
"She's lucky" He smiled and nod at me. Binili niya na yung kwintas saka kami lumabas.
"Can we go home now?" Tumango siya saka kami sumakay ulit ng bus. Habang nasa byahe ay tahimik lang ako at sa labas nakatingin. Tahimik lang din si Sebastian kaya walang conversation na naganap sa amin.
Ng nasa tapat na ako ng gate namin ay hinabol niya ako.
"Rein thank you nga pala sa tulong mo sana magustuhan niya to" I nod then smiled at him.
"She will" Tumango siya di pa ako nakakapagpaalam pero pumasok na ako agad. I can't stand it.
Tumakbo aong kwarto ko at nagkulong good thing walang tao sa sala malamang ay nasa kwarto sila kuya.
I don't know why but I am crying nonstop actually. So he likes someone. I mean Rein how can this be a big deal for you eh crush mo lang naman siya. Diba crush mo lang?
Oo ng 2 taon. Ehh kasi masakit parin. Crush nga lang ba talaga? Wala ng iba?
Nagpupunas ako ng luha ng magvibrate ang phone ko.
"Hey Princess wanna watch a movie? -T"
BINABASA MO ANG
Before He Was Mine
FanficEureina Elmore , Typical Junior Student whose dream is to be an artist. All she wanted in life was given to her a great family and friends. But there is one person who made her simple life into a rollercoaster ride. That is when she met Sebastian Oh...