"Quin, Bumaba ka na ang tagal mo!" Apura katok ni Kuya sa pintuan ni Quin dahil kami bihis na bihis na siya naman naliligo palang.
"Quin anak malelate na tayo" after 5 minutes lumabas na si Quin saka kami umalis sa sasakyan nadin siya nag make up. Ayan kasi ang bagal bagal gumayak.
"Okay kids, Kami ng Daddy niyo ang magkatabi while kayo na ang bahala kung sino ang magtatabi sa inyo sa plane" tumango tango ako. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa sinipon ako kagabi kakaiyak.
"You okay?" Kuya Asked, tumango nalang ako. Nauubo narin ako kakaiyak ano ba kasi tong pinagiiyak ko wala namang kwenta.
"Kuya Tabi tayo sa plane huh may paguusapan tayo" Quin told Shin. Tumingin ako kay Kuya, Umiling nalang ito sakin So paano na wala akong choice si Seb talaga katabi ko.
Naghahanap ako ng upuan namin pero nadiretso ako sa likod kung saan naabutan ko siya sa tabi ng bintana at may kinakalikot sa phone niya. Tumabi ako sakanya mukhang di naman niya napansin.
"Oh ikaw pala akala ko si Shin ang itatabi nila tito saakin." Umayos ako ng upo saka ko kinuha ang phone ko.
"Akala ko din si Quin ang katabi ko, saka ang layo naman ng upuan natin sakanila." He nod saka siya tumitig sakin di ko iyon pinansin at sinaksak ang earphones ko sa tenga ko.
"I just thought na protective si Shin di ka noon patatabihin sakin." Tumango nalang ako
"Si Quin ang nagrequest, maybe I'm not his favorite at all" i told him as a joke pero mas lalo niya lang akong tinitigan di ko mabasa ang expresyon sa mukha niya malungkot ito at nakakunot din ang noo niya.
"Namamaga ang mata mo.." Agad akong nagtakip ng mukha. Saka tumungo nalang naka earphones ako. Kunyari wala akong narinig.
"Rein, Why did you cry?" Hinawakan niya ang balikat ko saka ako hinarap sa kanya. It doesn't even sound like a question.
"Bakit nga ba ako umiyak? Bakit ba kasi ako nasasaktan?"
" Rein, look at me bakit ka umiyak?" Nag angat ako ng tingin. Saka ko siya tinitigan, wala akong makita kundi awa. Bakit siya naaawa sakin.
"Huh? Ah yung Libro na binasa ko ang drama ng plot ang sakit nga eh naiyak ako." Saka ko siya nginitian.
"I'll burn those books" nanlaki ang mata ko. Hala! Wag mga libro ko napansin niya ata na nagulat ako kaya tinitigan niya muna ako.
"Not my books Kuya, ang babaw lang naman non" mababaw ba talaga? Teka nga wag niyang idamay mga libro ko.
"Kuya? And No, those books are sad iiyak at iiyak kalang" sabay iling niya. Pero umiling din ako. Aba di niya makukuha mga libro ko.
"Not my books di naman nila ako sinaktan!" Ikaw itong nanakit sa akin. Ikaw ang sumunog sa sarili mo kainis ka.
Napansin niya na galit ako. Panay padin ang pagtitig niya sakin. Di ko mabasa kung anong iniisip niya pero kung tignan niya ako ay parang bang isa akong bata. Tinalikuran ko siya sa sobrang inis ko.
Rein wag kang iiyak sa harap niya. Naiinis kalang kalma.
"Rein, look at me." Pilit niya akong hinarap sakanya pero nagmatigas ako sobrang nakakainis siya. Ano bang paki niya kung nagiiyak man ako.
"Please.. baby look at me" napahinto ako sa paglilikot. May kung ano sa tiyan ko pag tinatawag niya akong ganun. Ginagawa niya yun sa iba, diba?
Sa sobrang tulala ay nagawa niya akong iharap sakanya. Inangat niya ang mukha ko paharap sakanya. Saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Don't be mad please, I won't burn them alright? Just don't be mad" Tumango nalang ako habang nakatitig sakanya. Bakit ba ang lakas ng epekto niya sakin. Nakakainis na ang hina ko.
BINABASA MO ANG
Before He Was Mine
FanfictionEureina Elmore , Typical Junior Student whose dream is to be an artist. All she wanted in life was given to her a great family and friends. But there is one person who made her simple life into a rollercoaster ride. That is when she met Sebastian Oh...
