Movie Nights

21 2 0
                                    

"Rein? Pwede ba akong pumasok?" Si Troy. Umoo ako ng sinabi niyang manunuod kaming movie. Pero di ko magawang lumabas dahil namamaga ang mata ko kakaiyak kanina dahil kay Seb.

"Ahh sige bukas yan pumasok ka" I heard him opening and closing the door nasa harap ako ng TV at DVD player nagaayos ng mga pwedeng panuorin umupo siya sa tabi ko may dalang pizza at ice cream.

"Rein bakit namamaga yang mata mo? You look like you've been crying." Yumuko ako. Pero inangat niya ang tingin ko papunta sa mata niya sa hindi malamang dahilan lalo akong naiyak at napayakap sakanya.

"Troy bakit ganon, bakit masakit?" Hinahagod niya ang likod ko saka ako hinarap sakanya at pilit na pinupunasan ang luha ko.

"Princess what's wrong?" Nagsimula ako magkwento sakanya. Sa buong pagkukwento ko wala siyang ginawa kundi titigan ako at punasan ang luha ko. It was comforting ewan ko ba siguro ay magaan talaga ang loob ko sakanya.

"Stop crying over silly things wala naman tayong magagawa kung may gusto siyang iba. Just don't fall for him too hard. Ayokong nasasaktan ka" Tumango ako at nagpunas ng luha. He hugged me once more at naramadaman kong hinalikan niya ako sa ulo.

"Stop hurting yourself, mas nasasaktan ako" tumango ako kahit na medyo napaisip ako sa sinabi niya ay hindi ko nalang pinansin.

Nagsimula kaming manuod ng movie Horror movies to be exact. Kada magugulat ay mapapakapit siya sakin. Tawang tawa ako dahil siya itong lalaki siya pa ang duwag sa aming dalawa.

"Princess, what type of guy do you usually like?" Out of the blue tinanong niya sakin yan. Humarap ako sakanya saka nagisip. T is really handsome that's a fact. Ideal man ko? Ano nga ba?

"Probably Someone Mature,Smart and wealthy" He slowly nodded.

"Wealthy? Money is a must?" I nod. Teka baka isipin niya mukhang pera ako di naman sa ganun umiling ako bigla at hinarap siya ulit sakin.

"By wealthy I mean someone financially stable just like my family." He smiled and starts questioning my ideal

"Well I don't think Tito Brianwill allow his daughter to marry a poor man." I nod that's true I've been in Silver spoon since I was a kid. Walang papayag sa pamilya ko na mapunta ako sa mas mababa samin. It's all about business.

"How about you? Any girl you like?" He smiled brightly pa nga eh. Lalo akong humarap sakanya para mas makita ko siya.

"Well there is this girl." Nanlaki ang mata ko naks! Meron nga buti naman akala ko eh introvert na talagang tunay itong si Troy eh.

"Sino?" Umiling siya napasimangot ako. Wala ba siyang tiwala sakin at hindi niya masabi agad.

"Sino nga? Kilala ko ba?" He stopped me from talking pagsalitain ko daw siya kaya tumango nalang ako.

"You kinda know her, I'll just describe her." I smiled saka tumango gusto ko kasi talagang malaman kung sino ang nagpapasaya sakanya.

"Okay listen, She is dumb wala siyang makitang maganda sa sarili niya pero siya mismo ang nakakakita ng kabutihan sa iba. She is naive but at the same time brave, kasi nagagawa niyang magrisk para lang sa adventure. She is beautiful even if she cries. She makes me happy without knowing why" He said it with the feeling of warmth in his eyes habang nakatitig siya sakin. Maybe he really loves that girl.

"Ang swerte niya naman, ang swerte niya sayo" Mas lalo ko siyang nginitian. Totoong maswerte ang babaeng iyon sa konting panahong pag kakakilala ko kay taehyung ay mabuti siyang tao. Maalalahanin at maalaga masunurin pang anak.

"No, I'm luckier cause I can get to be with her anytime my heart desires." I nod at that statement oo nga ako kasi yung gusto ko may gustong iba.

"Alam ba niyang gusto mo siya?" He stared again deeply this time.

"No, because she won't look at me. Nasa iba ang atensyon niya" Napailing ako. Maling binabaliwala ang atensyon ni Troy sino ba kasi yung babaeng iyon kawawa naman ang bestfriend ko.

"Gusto mo tulungan kita na maging close kayo?" Umiling siya

"Close naman kami eh, di lang niya mapansin" tumango nalang ako. Sabagay kung ganoon ay dapat mas maiparamdam niya sa babae nayon na special siya at sana mapansin na siya nito.

"Just make her feel special ganun naman eh. Mapapansin kadin niya" I was smiling at him pero nakatitig padin siya.

"Rein, what if you were her pansinin mo kaya ako?" That was sudden. Nagiwas ako ng tingin at nagisip.

"If I were her, I'll give you not just my attention but my feelings also" Nanlaki ang mata niya.

"Why?" He whispered

"Kasi Ikaw yung tipong hindi dapat saktan at dapat masuklian ng pagmamahal dahil mabuti kang tao" He smiled saka niya hinaplos yung buhok ko.

"If I were Sebastian wala na akong ibang mamahalin ikaw lang." Also sudden. He was always sudden. Nakatitig padin siya ng kumatok si Quin sa kwarto ko kaya napatayo kami.

"Ate, andito na sila mommy magdidinner na daw" inayos ko muna ang sarili bago buksan ang pinto

"Ahh sige pakisabi kay mommy maglilinis lang kami baba nadin kami" she stared at us

"Kala ko kung ano na ginawa niyo eh HaHaHaHa!" binatukan ko nga. Kung ano ano sinasabi nito ang bata oa ang dami ng alam. Mga natututunan talaga sa amerika.

"Bumaba ka na nga mga pinagsasabi mo mahiya ka sa kuya taehyung mo" nginitian niya si troy

"Aba ngiting ngiti nga siya oh nakatitig sayo" lumingon ako at nahuli ko ngang nakatitig siya sakin pero nagiwas din agad at pinulot ang mga kalat at pinagkainan namin.

"Sige na Quin bumaba ka na baka uminit pa lalo ang ulo ng ate mo ako na bahala dito" hinablot na ako ni Troy dahil kukutusan ko pa sana si Quin dahil apura ang pangaasar niya sa amin.

"Ako na magtatapon niyan" inabot ko ang mga basura at tinapon sa basurahan.

Pagbaba namin ay naabutan kong nagaayos ng dinner table si mommy.

"Mommy bakit po may bagahe sa sala natin?" Mommy smiled saka kami inutusang tumulong sakanya.

"Sebastian will stay here. Umalis kasi ang Ninang mo kahapon dahil sa business meeting he will stay here for weeks" I dropped the plate I was holding. That wasn't shocking at all as my reaction but I was wondering why. Why did troy crushed the glass in his hand. Nagdudugo na tuloy ang kamay niya.

Before He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon