Boy next door

24 2 0
                                    

Typical morning. Napakasarap ng tulog ko dahil start na ng vacation namin. Maayos na sana ng gisingin ako ng magaling kong kuya para utusan lang.

"Eureina dalhin mo to sa bago nating kapitbahay sabi ni mommy." Nagkukusot pa ng mata ay inabot sakin ni kuya ang tray ng pagkaing niluto ni mommy.

"Teka nga kuya ikaw ang inutusan bakit ako ang magbibigay?" Di manlang ako pinagayos ng sarili pinababa ako agad.

"Tanungin mo pa si mommy kung gusto mo" dumiretso akong office ni mommy at daddy sa study room. I saw her at her laptop may inaayos siguro.

"Mom ako ba talaga ang magbibigay nito sa kapitbahay?" Mom sipped her coffee and smiled at me

"Yes iha, you'll like our new neighbor." Umupo ako sa table sa harap nila.

"Bakit mommy sino po ba sila?"she stopped and faced me

"Ang mga Ohara, ang Ninang Helena mo ang lumipat sa tabi ng bahay natin." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy kung dila ninang Helena nga ang lumipat edi. Edi kapitbahay na namin sila Seb?! Napatulala ako at nagtatalon sa harap ni mommy.

Only my mom knows about my little crush on Sebastian. Daddy might not like it kasi bata pa ako and kuya is protective kahit inuutos utusan niya ako palagi.

"Sige na anak magayos ka na at iabit mo nayan sa Ninang Helena mo" agad akong lumabas ng office at nagayos sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis simpleng sundress lang at slippers nag lipgloss nadin ako at hinayaan kong bagdak ang buhok ko for the natural look.

"Oh teka bakit ayos na ayos ka Eureina eh magaabot ka lang naman ng cupcakes sa kapitbahay?" Hinarangan ako ni kuya sa pinto

"Kuya, kasi ang mga Ohara ang lumipat sa kabila" napaisip siya saglit pero lumusot na ako sa space sa pintuan

"You mean sila Ninang Helena? So nandyan din si Seb?" Tinaasan ako ng kilay ni kuya nagwave ako agad sakanya at naglakad sa kabilang bahay.

"Teka Eureina!! Hintayin mo ko" hindi ko siya pinakinggan at nagdoorbell na sa pintuan nila Seb.

Medyo matagal kaya inulit ko ulit. Namamawis ang kamay ko at nanginginig din ito. Kinakabahan ako baka kasi Si seb ang bumungad dakin hindi ako handa. I mean baka mapahiya ako kahit na ayos na ayos ako ngayon.

After a few more seconds bumukas na yung pinto. Nagangat ako ng tingin at ngumiti.

"Oh Rein, iha ikaw pala pumasok ka" hays buti nalang at si Ninang ang bumungad sakin kabang kaba ako dun huh.

Pumasok kami sa bahay nila. Simple at ang friendly ng atmosphere ng bahay maliwanag at maaliwalas din. Inabot ko kay Ninang ang tray ng cupcakes na binake ni mommy.

"Ahh Ninang pinapaabot po ni mommy. Welcome po sa Village namin." She smiled and huged me.

"Naku sabihin mo kay Rehya salamat dito huh." I smiled at her ang bait ng talaga ng mommy ni Seb. Nagkuwentuhan muna kami paalis na sana ako ng bumaba ang prinsipe niyo galing sa taas. Malamang ay nasa kwarto niya lang siya.

"Seb anak nagdala ng cupcakes dito si Rein, binake ng Ninang Rehya mo." Tinignan ako ni Sehun dandali saka siya dumiretso sa gilid ko andun kasi yung cupcakes

"Kumain ka Seb masarap yan" nakatingin ako sakanya kumuha siya ng isa at tinikman iyon saka siya tumingin sakin.

"Masarap nga, pasabi kay Ninang thank you" tumango naman ako at ngumiti sakanya.

"Sige" he smiled and patted my head. Napasimangot ako nagmumukha akong bata nito eh.

"Oh bakit nakasimangot ka?" Nagpout ako saka ko siya sinagot

"Eh kasi ginulo mo yung buhok ko" he grinned saka siya tumitig sa mukha ko naconcious tuloy ako at naguwas ng tingin namumula ako pustahan.

"Nagaayos na ngayon ang Rein namin. Your blushing Rein" yumuko nalang ako damang dama kong namumula ako. Nakakainis hindi ako bata para kausapin niya ng ganito.

"Don't grow up fast Rein. Enjoy being a kid." Tumalikod na siya sakin pero hinila ko ang kamay niya

"Pero Sebastian hindi na ako bata 16 na nga ako eh." He smiled saka ulit ginulo ang buhok ko.

"Bata parin yun. Just focus on your studies okay?" Tumango nalang ako. Sabi niya magfocus sa pagaaral kaya mas magaaral pa akong mabuti.

Lumabas na ako ng bahay nila at bumalik sa bahay namin. Naabutan kong nanunuod ng TV si Kuya at nagluluto ng lunch si Mommy. Umupo ako sa tabi ni kuya para makinuod sa movie na pinapanuod niya.

"Eureina, layuan mo iyong si Seb." Kumunot ang noo ko seryoso kasi ang boses ni kuya kaya humarap ako sakanya.

"Bakit naman kuya?" He paused the movie saka humarap sakin.

"He will only cause you trouble. Playboy ang lalaking iyon katulad nila Tristan." Umiling ako

"Hindi kuya mabait si Seb Hindi naman niya ako papansinin" umiling lang din siya.

"Playboy siya, inagaw niya sakin si Ailah at ngayon ay ikaw naman ang pinupuntirya niya." Oo nga pala nililigawan ni Kuya noon si Ailah pero si Seb ang gusto nito. Nasira tuloy ang pagkakaibigan ni Kuya at Seb dahil doon. At hanggang ngayon ay galit siya dito.

"Kuya patawarin mo na siya. At si Ailah din naman ay niloko si Seb" umiling lang si kuya sakin.

"Mang aagaw parin siya kaya lumayo ka sakanya" I sighed

"Opo kuya." Pinagpatuloy niya nalang ang panunuod ng movie kaya pumunta nalang akong kitchen para makausap si mommy.

"Hi mommy, thank you daw po sabi ni Ninang Helena" She is still cooking at ngumiti ito.

"Kamusta naman sila anak, si Sebastian?" Umupo ako sa stall malapit sa pinaglulutuan ni momny at ngumiti

"Mommy kinausap niya ako, pero bata parin ang tingin niya sakin." Humarap si mommy sakin habang tumatawa

"Anak boys like Seb are mature enough, sila yung mga tipong focused at tahimik lamang." Tumango tango ako kay mommy

"Pero mommy mature din kaya ang type niya?" Mommy only shrugged

"One thing for sure that boy has dreams na hindi magugulo. He is focused kaya gusto ko ang batang iyon kahit na may alitan sila ng kuya mo." I smiled at mommy

"Oo nga po sana magkaayos na sila ni Kuya sayang ang friendship nila." Mommy also nodded at tinapos niya na ang niluuto niya saka niya tinawag si Kuya para kumain

"Tumawag nga pala ang Daddy niyo umuwi daw galing Tokyo ang Ninong Yohan ninyo kaya may Family Dinner tayo mamaya sa Hotel nila." Kuya only nodded

"Mommy sino po sila?" I asked di ko kasi sila kilala maybe i should get a clue about who are they.

"Anak ang Ninong Yohan mo ay Bestfriend ng Daddy niyo at Business partner narin natin." I slowly nodded.

"And they would like you to meet their son, he is a good boy" I wanna meet them soon maybe we can be friends.

Before He Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon