Chapter 9
ELLA'S P.O.V.
HINDI ko alam kung paano ko kakausapin si Eden dahil sa nangyari. Matapos kasi ang pakikipagmeet up ko sa Online boyfriend niya hindi na siya pumapasok sa school. Nakaramdam akong ng pagka-guilty.
“Piggybesh, hindi muubos ang pineapple juice mo kung titigan mo lang ‘yan!” ani Loren sa’kin.
Kasabay ko silang dalawa sa lunch ngayon dahil wala ang tatlong magkakaibigan kaya naman kami lang ang magkakasabay ngayon.
“Tatlong araw ng hindi pumapasok si Eden. Gusto ko sana siyang kausapin para magpaliwanag kaya lang hindi ko alam kung saan magsisimula.” Huminga pa ako ng malalim.
Nagkatinginan silang dalawa sabay baling sa’kin ng tingin.
“Something wrong?” tanong ko.“Piggybesh, Kung ako sa’yo wag kang magtitiwala diyan sa classmate mo na si Eden.” Ani Loren.
“Huh? Bakit naman?”
“Kahapon nakita namin siyang kausap si Andrei, alam mo namang dalawang araw pa lang dito si Andrei sa SPIA di ba?”
“Anong masama doon? Ako nga isang araw pa lang dito kinausap na niya ako. Baka friendly lang talaga siya. Wag kayong judgemental sa tao mabait naman siya.”
“Iba iyon, malakas ang kutob namin na nagpapanggap lang siyang mabait sa’yo.” Dugtong pa ni Annaliza.
“Hangga’t wala siyang ginagawang masama sa’kin magiging mabait ako sa kanya.”
“Hayss! Bahala ka nga Ella.” Pailing-iling pa si Loren sa’kin.
Hindi ko na lang sila pinansin dalawa. Wala naman kasi akong dapat ikagalit kay Eden dahil wala naman siyang ginagawang masama sa’kin.
Pagkatapos naming kumain ng Lunch bumalik na kami sa classroom namin.
“Ella!”
Bigla akong napalingon sa tumawag sa’kin. “Bakit?” tanong ko sa kaklase kong nakatayo sa harapan ko ngayon. Wala na ang huling professor namin.
“Pinabibigay sa’yo ng gwapong lalaki kanina.” Inabot sa’kin ang Box na may kulay pink na ribbon.
“Sigurado ka bang para sa’kin ito?” tanong ko kaklase kong babae.
“Ibibigay ko ba sa’yo ‘yan kung hindi para sa’yo? Ikaw lang naman dito ang Weibford di ba?” pataray niyang sabi sa’kin.
“Okay, thank you.” Malumay kong sagot.
“Tss!” inirapan pa niya ako bago pumihit patalikod at umalis.
Pailing-iling na lang ako. Uso yata sa mga estudyanteng babae rito ang magtaray. At kung hindi ko hahabaan ang pasensiya ko malamang araw-araw akong may kaaway dito.Binuksan ko ang Box na iyon upang malaman kung anong laman no’n. Wala kasing card ba nakalagay sa labas, kaya hindi ko malaman kung kanino galing. Agad na sumilay sa labi ko ang ngiti ko nang buksan ko ang box. Pamilyar kasi sa’kin ang silver na bracelet, balat ng Candy at hair pin.
“Kay Andrei galing ito.” Sabi ko sa sarili habang isa-isa kong kinukuha ang laman.
Habang pinagmamadan ko iyon. Tumunog naman ang cellphone ko. Hindi na nawala ang mga ngiti ko nang mabasa ko ang pangalan ni Andrei. Agad ko iyon sinagot.
“Natanggap mo ba ang gift ko sa’yo?” bungad niyang sabi sa’kin.
“Itinago mo pa pala ‘yang mga ibinigay ko sa’yo.” Sagot ko.“Ofcourse, galing yata ‘yan sa bestfriend ko. Happy Bestfriendsary Ella.” Sabi niya.
BINABASA MO ANG
MY REAL CHEF BOYFRIEND (MPBG BOOK2)
Teen FictionAng kwentong sinulat ni Ella Marie ay magiging totoo ba? kasing ganda rin ba ng sinulat niya ang love story niya? abangan!