Chapter 14NAPABALIKWAS ako ng bangon ng marinig ko ang sunod-sunod na katok mula sa pintuan ko. Napansin kong tunog nang tunog ang alarm clock ko sa bed side table. Napasabunot ako sa ulo ko hindi ko kasi alam kung ano uunahin kaya sa inis ko. Dinampot ko ang alarm clock ko at hinagis ko sa dingding ng kwarto ko. Pagkatapos bumangon ako upang pagbuksan ang pesteng nanggising sa'kin. Ang sarap kaya ng panaginip ko tapos naputol lang.
"Bakit ba kayo nanggigising!" Halos bulyawan ko na ang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Ella!"
"Mommy?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang si Mommy pala ang nasa harap ko ngayon. Kitang-kita ko ang galit na galit na mukha ni Mommy. Lumalaki na ang butas ng ilong niya at siguradong magbubuga naman siya ng apoy.
"Anong oras na?" tanong ni Mommy.
"Ha? Ehh-
"Isang oras ka ng late sa klase mo!" sigaw ni Mommy.
"Sorry, napasarap ang tulog ko. Mag-aasikaso na po ako." Tatalikod na sana ako nang muling magsalita si Mommy.
"Hindi ka na papasok!"
"Po?"
"Late ka na sa ibang subject mo!" Sigaw ni Mommy.
Kulang na lang itapat ni Mommy ang bibig niya sa tenga at sumigaw ng malakas, para kasing nasa malayo ang kausap niya.
"Relax lang, Mommy papanget ka niyan. Dalawang subjects lang naman ang hindi ko mapapasukan ngayon. Mag-aasikaso na po ako." Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Mommy dahil baka humaba ang sermon niya sa'kin. Ayaw na ayaw kasi niyang tinatanghali ako ng gising.
Habang nasa loob ako ng banyo. Bigla kong naalala ang panaginip ko. Parang totoong-totoo ang nangyari. Napahawak tuloy ako sa labi ko. Pakiramdam ko totoong may nangyari sa'min ni Shawn.
"Sana panaginip na rin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Eden." Sabi ko sa sarili.
Nakaramdam tuloy ako ng lungkot nang muli kong maalala ang pinag-usapan namin ni Eden.
"Mommy, papasok na po ako." Sigaw ko sa kanya. Kumuha lang ako ng sandwich upang baunin ko at pagkatapos dumiretso na ako sa labas.
"Good morning Ma'am." Bati sa'kin ng driver namin habang naglilinis ng kotse.
"Good morning din po, tara na po alis na po tayo."
"Eh, Ma'am, may maghahatid po yata sa inyo."
Kumunot-noo ako. "Sino?"
"Ayun po oh? Boyfriend niyo po yata. Kanina pa siyang alas siyete nandito kanina pa nga siya pinapasok ng Mommy niyo ayaw lang niya."
Bumilis ang tibok ng puso ko nang matanaw ko si Shawn sa labas ng malaking gate namin. Nakaupo siya sa ibabaw ng kotse niya habang abala sa hawak niyang cellphone.
"Sige po aalis na po ako." Sabi ko.
Habang palapit ako kay Shawn. Pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Sobrang gwapo kasi siya lalo na at nakasuot siya ng uniform ng pang chef.
"S-Shawn." Bati ko sa kanya.
Parang slow motion sa paningin ko ang pag-angat ng mukha niya.
"Sexy girlfriend." Lumapit siya sa'kin at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Bakit ka nandito?"
Tumingin siya sa'kin at sinuklay niya ang buhok ko. "Sinusundo kita para sabay tayong pumasok."
BINABASA MO ANG
MY REAL CHEF BOYFRIEND (MPBG BOOK2)
Teen FictionAng kwentong sinulat ni Ella Marie ay magiging totoo ba? kasing ganda rin ba ng sinulat niya ang love story niya? abangan!