ELLA'S P.O.V.
"Anong nangyayari?" Tanong ko sa mga estudyanteng nakapalibot sa'kin ang iba sa kanila ay nakataas ang kilay at nakahalukipkip habang nakaharap sa'kin.
Lumapit sa'kin ang isang estudyante at bigla akong tinulak. "Tapos na ang pagbida-bidahan mo rito. Get out and go back to your stupid cheap university!"
"Ayy!" Muntik na akong matumba kung hindi ko agad naibalanse ang katawan ko.
"Anong problema niyo!" Sigaw ko.
"Anong problema namin?" Tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa.
"Ayaw naming may sampid sa school namin bumalik ka na sa school niyong cheap! Isama mo rin ang mga chuwawa mong kaibigan."
Naghalakhakan silang lahat kaya naman tuluyan na akong nainis.
"Don't say anything stupid to my friends!"
"Ganyan talaga sila kasi insecure sila sa kagandahan namin piggy besh."
Napalingon ako at nakita ko si Loren at Annaliza na hindi na rin masukat ang taas ng kilay nila.
"Wala kasi silang maipagmamalaki kundi ang kayabangan nila." Sabad pa ni Annaliza.
"Whatever!" Umikot pa ang kilay nila habang nagsasalita sa'min.
"Umalis na kayo rito kung ayaw niyong kaladkarin namin kayo palabas." Sagot pa ng isa.
"Anong kasalanan namin sa inyo? Bakit gusto niyo kaming paalisin?!" sabi ko.
"Simple lang, wala na kayong dahilan para manatili rito dahil hindi na ikaw ang girlfriend ni Shawn!"
"Mga baliw pala kayo hindi niyo ba nakikita kung sino ang kaharap niyo siya si Ella Marie ang girlfriend ni Shawn!" Sagot ni Loren.
Nagtinginan silang lahat at pagkatapos muling tumawa. "Tsk! Huli na kayo sa balita si Eden na ang girlfriend ni Shawn. Sobrang sweet nga nilang dalawa." Isa-isa nilang hinagis ang mga papel sa harapan namin. Isa-isang pinulot namin ang mga papel na hinagis nila.
"E-Ella! Si Shawn?” napatingin sa’kin si Loren. Matapos niyang tingnan ang larawan.
“That’s not true.”
“John Patrick?!”
Narinig naming sabi ng mga babae. Lumingon kami upang tingnan ang tinutukoy nila. Nakita namin si John Patrick, Duke Hairu na nakatayo sa harapan namin bitbit ang bag nilang dalawa habang nakatingin sa’min.
“Fake news.”
Sabad pa ni Duke Hairu. Kinuha nila ang mga larawan na hinagis ng mga babae. Habang ang mga babae ay nakatingin sa dalawa.
“Saang photoshop niyo ito pinagawa?” kalmado ngunit seryosong tanong ni Hairu. Hindi mo mababakas sa mukha niya ang ngiting palagi naming nakikita.
“L-Legit ‘yan.” Sagot ng isang estuyante.
“Tsk! Tsk! Pathetic.” Sabay hagis ni Hairu.
“Let’s go! Pumasok na tayo baka ma-late na tayo.” Sabi pa ni John Patrick. Hinawakan niya sa kamay si Loren at sabay silang naglakad patungo sa classroom.
“Anna, come here!” saka pa lang ngumiti si Hairu nang kausapin niya si Anna.
Nakita ko ang galit sa mukha ng mga babae. Wala akong partner ngayon. Pero ayos lang dahil alam kong mamaya lang makikita ko na si Shawn. Hindi ko maiwasang yumuko habang naglalakad kami papasok dahil sa’kin kasi sila nakatingin at nakakarinig pa ako ng bulung-bulungan tungkol kay Shawn ay Eden.
BINABASA MO ANG
MY REAL CHEF BOYFRIEND (MPBG BOOK2)
Teen FictionAng kwentong sinulat ni Ella Marie ay magiging totoo ba? kasing ganda rin ba ng sinulat niya ang love story niya? abangan!