Chapter 8
ELLA'S P.O.V.
“Hello, Eden!” bungad kong bati sa nag-iisang close friend ko sa loob ng classroom namin, mula kasi kahapon hindi ko siya nakita dahil sinama ako ni Shawn sa Anniversary party na pinuntahan niya.
Tumingin siya sa’kin pagkatapos huminga ng malalim bago umiwas ng tingin sa’kin.
“May problema ka ba?” tanong ko sa kanya. Sa lalim kasi ng pagbuntong-hininga niya naramdaman kong may malaking problema.
“Nevermind, wag mo na lang akong pansinin.” Sabi pa niya sa’kin.
Hinawakan ko ang balikat niya. “Pwede kang magshare ng problema sa’kin kung gusto mo, malay mo naman kaya kitang tulungan.”Muli niya akong tiningnan. “Napakahirap ng problema ko Ella. Hindi mo ako matutulungan.”
“Share mo naman para malaman ko kung kaya kitang tulungan.” Tipid pa akong ngumiti sa kanya.
Tumulo ang luha niya nang magsalita siya. “May malaki akong problema Ella.” sabi niya kasabay ng paghikbi niya.
“Anong problema ba iyon?”
Hinawakan niya ang kamay ko at lumuluhang muling tumingin sa’kin.
“Ella, tulungan mo ako. Please! Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.”“Ano ba ang problema mo?”
Pinahid niya ang luha niya sa pisngi. “May naging ka-chatmate ako. Naging magkasintahan kami kahit hindi pa kami nagkikita. Matanda siya sa’kin ng dalawang taon. Mayaman siya at gwapo. Binibigyan niya ako ng pera pinapadala niya sa’kin every week. Kailangam ko kasi siya para mabayaran ko ang lahat ng gastusin sa school. Then, sinabi niya gusto na niyang magkita kami.”
“Oh? Anong problema doon? Hindi ba’t maganda iyon. Para magkakilala kayo ng lubusan?”
“Ella, ang larawan na pinadala ko sa kanya ay ang larawan mo. Ang alam niya ikaw ang girlfriend niya.”
“What!” napasigaw ako sa pagkabigla kaya napukol sa’kin ang atensyon ng iba naming kaklase na nasa loob ng klase. Wala pa kasi ang sunod na professor namin.
“I’m sorry,”
“T-Teka?paanong ako ang nasa picture? Kaka-transfer ko lang.” naguguluhan kong tanong.
“Noong nakita ko ang larawan mo sa facebook. Nag-umpisa na akong mag-ipon ng iba’t-ibang larawan mo. Tamang-tama naman na palagi kong nakikita ang pictures mo dahil sa mga pinapa-share nila noong sumasali ka sa pageant ng school niyo. Ang picture mo ang nagustuhan ng ka-chat ko. Hanggang sa nag-offer na siya na tutulungan niya ako sa pag-aaral ko. Anak mayaman siya pinatos ko na. Okay na sana ang lahat ngunit kahapon sinabi niya gusto niya raw na magkita kami. Ang sabi ko sa ibang araw na lang. Pero hindi siya pumayag hindi na raw niya ako bibigyan ng pera kung hindi siya sa’kin makikipagkita.”
“Bakit ang larawan ko pa!” nilamukos ko ang mukha ko sa pagkainis kay Eden.
“I’m sorry, hindi ko naman alam na magtatapo ang landas natin dito. Tulungan mo ako. Makipagkita ka sa kanya bukas.” Pakiusap niya sa’kin.
Pinagmasdan ko siya. “Hindi pwede magagalit sa’kin si Shawn, kailangan ko munang sabihin sa kanya ang napag-usapan natin.”“W-Wag please! Wag mong sasabihin sa kanya. Siguradong patatalsikin niya ako sa school na ito. Kung hindi mo ako matutulungan salamat na lang. Siguro hindi na ako magtatapos ng pag-aaral.” Binitawan niya ang kamay ko at tumalikod sa’kin. Pagkatapos umiyak siya nang umiyak.
Huminga ako nang malalim. Nakokonsensiya naman ako. Hindi ko siya kayang tingnan ng ganyan ang itsura. “Wag kang umiyak. Pagbibigyan kita pero hindi ako magtatagal makikipagkita lang ako pagkatapos aalis na rin ako.”
![](https://img.wattpad.com/cover/139612967-288-k355554.jpg)
BINABASA MO ANG
MY REAL CHEF BOYFRIEND (MPBG BOOK2)
Teen FictionAng kwentong sinulat ni Ella Marie ay magiging totoo ba? kasing ganda rin ba ng sinulat niya ang love story niya? abangan!