ELLA'S P.O.V.
"Ella, alam mo na ba ang latest new ngayon?" Tanong sa'kin ni Loren habang kumakain kami ng Lunch. Kaming dalawa lang ngayon ang magkasamang kumain dahil si Hairu at Annaliza nag solo namang kumain. Mula nang maging magkarelasyon ang dalawa palagi na lang silang magkasama. Kung hindi nga lang may sakit si John Patrick ngayon siguradong ako naman mag-isa ang kumakain dito sa canteen. Hindi na rin kasi masyadong sumama sa'kin si Andrei dahil umiiwas siyang pag-usapan kami ng mga estudyante rito. Mula kasi nang umalis si Shawn. Hindi na siya pinag-uusapan dito sa school. Maging si Eden ay wala na rin kaming balita. Lahat ng tao sa school na ito ay nakalimot na maliban lang sa akin na hanggang ngayon umaasang magkikita kami ni Shawn at makakausap ko uli siya.
Tumingin ako kay Loren. "News? May mga pasabong na balita naman ba?"
"May come back." Tipid na sagot ni Loren.
Umiling ako. "Nilamon na kayo ng Kpop. Pati come back nila big issue na. Minsan ayoko ng magbukas ng social media dahil puro come back na lang nila ang topic." Pinagpatuloy ko ang pagkain ko.
"Sabi na nga ba kokontra ka. Pero may isa pa akong good news sa'yo." Ngumiti siya sa'kin.
"Ano naman iyon?'
"Magkakaroon ng Masquerade ball sa sabado."
Bumuntong-hininga ako. "Oo, sinabi na sa'min 'yan ng professor namin noong isang araw pa."
"Hindi ka ba natutuwa? Palitan ng dance partner iyon tapos exciting pa kasi hindi mo sila kilala." Kinikilig na sabi ni Loren.
"Medyo masaya naman, pero tinatamad kasi ako sumama."
"Ano ka ba? Ang daming mga lalaki ang gustong-gusto kang makasayaw. Tapos hindi ka sasama. Wag kang kill joy! Ako nga kahit boyfriend ko na si John Patrick gusto ko pa rin makasayaw ang mga crush ko sa school. Nakakakilig kaya iyon yung kikilalanin mo lang siya sa boses niya."
"Aray!" Inis kong reak kay Loren. Kapag kasi kinikilig siya nanghahampas siya.
"Sorry, carried away lang!" Sabay tawa niya ng malakas.
"Back to Masquerade Ball, hindi pwedeng hindi ka sasama dahil hindi ka namin papansinin si Annaliza kapag hindi ka sumama."
"Ano ba yan! Tinatamad nga ako e,"
"Malay mo biglang dumating si Shawn tapos makasayaw mo siya."nagtitili pa ito.
"Pwede ba move on na ako." Sumimangot ako.
"Move on na nga ba? Kilala kita Ella. Kung move on ka na masaya ka na dapat. Basta sumama ka para tuluyan ka ngang maka move on kung totoo man yang sinasabi mong pagmo-move on."
"Oo na!"sagot ko.
"Good, my gosh! I'm so excited!" Sambit pa niya.
Umiling-iling na lang ako pagkatapos muli kong pinagpatuloy ang pagkain.
Mapipilitan tuloy akong um-attend ng masquerade kahit ayoko.Usap-usap sa buong klase ang masquerade ball na gaganapin sa sabado ang iba ay nakabili ng susuotin nilang damit, ang iba naman ay nagpatahi pa ng susuotin. Lahat sila ay excited sa masquerade ball. Ako lang yata ang nag-iisang hindi excited sa masquerade ball.
"Miss Ella Weibford!"
Nai-angat ko ang mukha ko nang tawagin ako ng professor namin.
"Bakit po sir?" Sagot ko.
"Pinapatawag ka ni John Ace Santiago."
"Po? Sigurado kayo?" Takang tanong ko.
Hindi naman nakalampas sa pandinig ko ang bulong-bulungan ng mga tsimosa at tsimoso kong mga kaklase.
BINABASA MO ANG
MY REAL CHEF BOYFRIEND (MPBG BOOK2)
Teen FictionAng kwentong sinulat ni Ella Marie ay magiging totoo ba? kasing ganda rin ba ng sinulat niya ang love story niya? abangan!