AUTHOR'S POV
"Please, be happy... without me..." Labag man sa loob ni Jinyoung ay binitawan na niya yung kamay ni Carmela at nagumpisang maglakad palayo.
Masakit para sa kanya na bitawan yung babaeng mahal na mahal niya pero mas masasaktan siya kung patuloy siyang kakapit sa relasyon nilang siya lang yung nagmamahal.
I love you, Carm. I always do pero... Masakit na eh...
Sinarado niya yung pinto at napadausdos nalang siya dun habang dinadama yung sakit.
Is that really hard to love me? Naitanong na lamang niya sa sarili.
Ano pa ba yung kulang? Pagmamahal? Ibinigay naman niya lahat. LAHAT-LAHAT. Wala na ngang natirang pagmamahal sa sarili niya eh dahil binigay niya yun lahat kay Carmela.
Time? Lagi naman siyang may oras kay Carmela eh. Alam mo yun? Yung tumatakas pa siya sa mga practice nila para lang mabigyan niya ng sapat na oras yung babaeng mahal na mahal niya at makasama siya.
Priority? Tsk. Si Carmela yung kauna-unahan sa listahan ni Jinyoung pagdating sa priority. Isang tawag lang ni Carmela, pupuntahan agad niya ito. Kahit gaano siya kalayo, kabusy at kahit wala pa siyang pahinga, pupuntahan niya parin ito.
Effort? Oh well, kulang na kulang yung salitang 'Putangina' sa sobrang effort niya. Yung masasabi mo na yung lahat ng klase ng mura pero kulang parin dahil sa sobrang pagka-amazed mo sa lahat ng kaya niyang gawin para lang mapasaya niya si Carmela.
Am I not enough, Carm? Tell me...
Nakarinig siya ng mga kalabog galing sa pinto na sinasandal niya at mas lalo lang siyang nasaktan at naiyak nang dahil don.
Hon...
Gustong-gusto niyang yakapin si Carmela sa tuwing umiiyak ito pero sa tuwing maiisip niya na hindi naman siya minahal nito, bumabalik yung sakit at galit na nararamdaman niya para sa dalaga.
Perfect na sana yung lahat eh, kung mahal nga lang sana siya ng babaeng sobrang mahal na mahal niya.
All his life, wala siyang ibang hiniling kundi ang sabihin sa kanya ni Carmela yung salitang 'I love you'. Yun lang naman yung gusto niya eh. Nung una nagtataka pa siya kung bakit ngiti lang yung isinasagot sa kanya ni Carmela pag nag-a-I love you siya, pero ngayon, alam na niya yung dahilan. Para siyang paulit-ulit na sinasampal ng katotohanang HINDI SIYA MAHAL NITO. Sobrang sakit lang sa part niya yun. Yung ibinigay niya yung lahat ng pagmamahal niya pero wala siyang natanggap ni katiting na pagmamahal mula sa taong sobrang niyang minahal. Tingnan mo palang siya, mararamdaman mo na agad kung gaano siya kawasak ngayon.
He's in a deep shit right now. Kulang na kulang yung salitang 'sobra' sa sakit na nararamdaman niya. Kahit yung mga luha niya, hindi mai-express kung gaano siya nasasaktan ngayon.
Naging masaya ba siya sakin?
Isipin palang niya na hindi sumaya sa kanya si Carmela ay parang pinapatay na siya sa sakit. All this time, akala niya SIYA na pero tangina lang, si JUNGKOOK pa din pala. Hindi niya kayang makita si Carmela na MAS masaya sa iba kesa sa kanya. Pero wala eh, kung dun sasaya si Carmela, sino siya para hadlangan yung magkakapagpasaya sa babaeng mahal na mahal niya. Ganon niya kamahal yung babaeng yun. Kung ikakasaya nito yung ikakasakit niya handa siyang masaktan, mapasaya lamang ang dalaga.
Hindi rin naman niya kasi masisi si Carmela kung bakit hindi siya nagawang mahalin nito. Basta ang alam niya may kulang siya, ooppss! Correction---hindi pala siya nagkulang dahil sobra pa sa sobra yung ibinigay niya---kundi dahil hindi naman talaga siya yung mahal nito. And that's killing him!
YOU ARE READING
Forever Fan of Yours
FanfictionIn my eyes, you are my EVERYTHING. but In your eyes, I'M JUST A FAN and it f@cking hurts, you know! FOREVER FAN OF YOURS Original Story By: sassyprettyme