Sorry (PART 2)

21 2 26
                                    

AUTHOR'S POV

Bagsak yung mga balikat ni Chrissa nung pumasok siya sa dorm nila. Hindi niya talaga maintindihan yung sarili niya. Hinang-hina siya sa mga nangyayari. Para bang kahapon lang, gumagawa pa siya ng paraan para lang mahalin siya ni Jaebum tapos ngayon... Siya pa yung nagcheat. Damn.

Pabagsak siyang umupo sa couch at naramdaman na naman niya yung pagtulo ng likido galing sa mata niya.

Naalala nanaman niya kasi yung 'surprise' sa kanya DAPAT ni Jaebum. Walang makakapantay sa effort nito para sa kanya. 2nd Anniversary nga pala SANA nila ngayon at hindi niya manlang yun naalala dahil naging busy siya kay Jinyoung (B1A4).

Pero...

Bakit nga ba siya yung nasasaktan? Bakit si Jaebum, parang okay lang sa kanya yung lahat, para bang normal lang na pangyayari yung break-up nila. Hindi naman sa gusto niya na makitang masaktan ito pero bakit ganon?! Pakiramdam niya, hindi naman talaga siya minahal ni Jaebum. Pakiramdam niya wala naman talaga itong pakialam sa kanya. At pakiramdam niya, go with the flow lang si Jaebum sa buong relasyon nila.

Iyan kasi yung hirap kapag NATUTUNAN ka lang mahalin eh, pakiramdam mo, minahal ka lang dahil naawa sayo. Pakiramdam mo, lagi kang iiwan kaya gumagawa ka ng maraming rason para hindi ka niya iwanan. At pakiramdam mo, dapat kailangan mong maging perfect sa harap niya, yung tipong wala dapat mabago sayo kahit katiting lang dahil natatakot ka na baka iwan ka. Kasi nga NATUTUNAN ka lang mahalin at pwede ka ring MATUTUNANG iwan!

Bakit nga ba siya nagcheat? Hindi naman niya kasi ginustong magkagusto kay Jinyoung (B1A4). Wala eh. Nangyari na. Pero mukhang mas hindi niya yata gugustuhin yung pakiramdam na para bang walang pakialam sa kanya yung taong minsan na niyang ginawang mundo.

Yung pagtalikod ni Jaebum sa kanya kanina, feeling niya nadurog na yung buong pagkatao niya.

"By walking away, wala ka nang babalikan..."

Naalala nanaman niya yung mga sinabi nito at nadurog nanaman yung puso niya.

Wala na nga ba siyang babalikan?

"Hey..." Rinig niyang may nagsalita sa likuran niya kaya pinahid niya yung mga luha niya tsaka niya ito nilingon.

"Uy..." Mahinang bati niya kila Daniella, Marianne at Carmela.

"HAPPY ANNIVERSARY!" Masayang bati sa kanya nung mga kaibigan niya. At parang may kumirot sa puso niya nang marinig niya yun.

"Break na kami." Pilit na ngiting sabi niya sa mga kaibigan niya. At mabilis naman itong umupo sa katapat niyang upuan.

"WHAT?! WHY?! AT BAKIT NGAYON PA?!" Sabay na tanong ni Daniella at Carmela. Si Marianne naman, tahimik lang na nakamasid kay Chrissa na para bang nahuhulaan na niya yung nangyari.

"B-because---" Hindi na niya naituloy yung sasabihin niya dahil si Marianne na ang nagsabi nito.

"Because, she's cheating on him." Kalmadong sabi lang ni Marianne na ikinagulat nila Carmela at Daniella pero mas mukhang nagulat si Chrissa dahil alam nito yung nangyari.

"H-how d-did---"

"NAGCHEAT KA?! BAKIT?! GANDA KA, HA?! GANDA KA?!" Inis na sabi ni Daniella kaya napabuntong hininga nalang si Chrissa.

"HOY! SOBRANG GANDA MO NAMAN YATA PARA MANAKIT AT MAGCHEAT KA SA SOBRANG GWAPO!" Inis din na sabi ni Carmela tsaka niya inirapan si Chrissa.

"Guys, please. Hindi ko naman 'to ginusto. Believe me..." Mahinang sabi ni Chrissa pero inirapan lang siya nila Carmela at Daniella.

Forever Fan of YoursWhere stories live. Discover now