DANIELLA'S POV
Mga ilang weeks narin ang nakalipas pero ilag parin sila Marianne at Carmela sa isa't-isa. Hindi na namin alam yung gagawin namin para magkaayos na ng tuluyan yung dalawang bruhang yun.
Anyways. Nasa isang talk show kami ngayon. Dahil ipo-promote namin yung upcoming album namin na ire-release na this year at para narin magpa-interview.
"Hoy, kayo ah! Umayos kayong dalawa dahil malapit na yung interview natin." Rinig kong sabi ni Ella kaya tumingin ako sa kanilang tatlo.
"Kung naiintindihan ba naman kasi ng ISA diyan na kailangan lang ng tao ng kausap edi sana hindi magkakaganito." Sabi ni Carmela habang nakacross-arm at tumingin saglit sa gawi ni Marianne.
"Kung yung ISA ba naman kasi diyan eh, alam na nga na mahal na mahal ko yung tao, pinagkakausap pa. Nakakabastos lang." Mapait na sabi ni Marianne nang hindi manlang tumingin kay Carmela. Kitang-kita ko naman yung pagkainis sa mukha ni Carmela.
"Sabi ng tumigil na kayo eh! Ano ba guys?!" Inis na sabi Ella.
"Ella, pakisabi nga diyan sa KAIBIGAN mo na wala kamo kaming ginagawang masama ni Taeyong." Inis na sabi ni Carmela pero alam kong narinig naman ni Marianne dahil ngumiti ito ng peke.
"Narinig mo naman, diba?" Tanong ni Ella at ngumisi lang si Marianne.
"Oh, well. Ella, pakisabi nga rin diyan sa KAIBIGAN mo na once na magustuhan niya yung lalaking mahal ko para narin niyang KINALIMUTAN yung PINAGSAMAHAN namin." Inis na sabi ni Marianne. At napabuntong hininga nalang kaming lahat.
"Jusko naman kayo! Lalaki lang pinag-aawayan niyo pa?!" Inis na sabi ni Ella.
"Hindi basta-bastang lalaki si Taeyong. Mahal ko yun. "Mahal". Kaya kung may natitira pang respeto yang si Carmela sa pagkakaibigan namin. Titigilan na niya yung taong yun." Cold na sabi ni Marianne.
Buti nalang talaga, wala akong kaagaw kay Baekhyun. Hm. Speaking of Baekhyun? Hindi man lang siya nagtetext sakin ngayon. Ano naman kaya yung pinagkakaabalahan ng lalaking yun? Nitong mga nakaraang weeks naging busy ko dahil nga sa shooting ng MV namin. Ni hindi na nga ako nakapag-online dahil sa sobrang busy eh. Siguro, akala niya busy parin ako. Tama. Yun nga yun.
Huminga ko ng malalim dahil bigla nalang akong kinabahan.
Pansin ko lang, sobrang tahimik nila. I mean, hindi naman kase talaga sila ganto eh. Kahit nasan kami, ang ingay-ingay nila. Nakakapanibago lang. Tapos ang pinagtataka ko, pag tumitingin ako sa kanila, umiiwas sila ng tingin sakin. Pero hindi ko nalang pinansin dahil baka kinakabahan lang sila.
Maya-maya lang ay nagsimula na yung interview. Tawanan dito, tawanan doon. Naging masaya naman yung flow ng interview hanggang sa...
"So, Dani. We all know that you are in a relationship with Baekhyun..." Baling nung nag-i-interview sakin at nginitian ko naman siya. "... Sorry for asking this, but what is your reaction or opinion in this news?" Tanong ng nag-i-interview sakin at itinuro pa niya yung screen na nasa harap namin kaya lumingon ako dun.
Unti-unting nawala yung mga ngiti sa labi ko nang makita ko yung nasa screen at napalitan yun ng luhang nagbabadya na tumulo galing sa mga mata ko.
Si B-Baekhyun? At si Taeyeon-Unnie? Dating?! Ano, gaguhan?!
"Sabihin niyo saking hindi totoo yan! Sabihin niyo!" Sigaw ko habang nakatingin sa mga kamembers ko at nakaturo sa screen pero umiwas lang sila ng tingin sakin kaya napamaang ako at huminga ng malalim.
"Ngayon alam ko na! Kaya pala kanina niyo pa ko iniiwasan. Hah! Dahil dito?! Ano, wala kayong balak na sabihin sakin?!" Inis na tanong ko habang tinitingnan ko sila isa-isa.
YOU ARE READING
Forever Fan of Yours
FanfictionIn my eyes, you are my EVERYTHING. but In your eyes, I'M JUST A FAN and it f@cking hurts, you know! FOREVER FAN OF YOURS Original Story By: sassyprettyme