MARIANNE'S POV
BREAKING: [CONFIRMED] BTS KIM TAEHYUNG AND DREAM GIRLS MARIANNE ARE OFFICIALLY DATING. CHECK FOR MORE INFO.
Damn.
Agad namang nag-init yung ulo ko nang makita ko yung balitang yun kaya agad kong initsa yung cellphone ko sa isang couch na malapit sakin.
Nilalayo nila ko sa taong mahal ko tapos nilalapit nila ko sa taong hindi ko naman mahal. Nakakagigil lang. Bagay daw kasi kami. Ts. As if naman kailangan ko yung opinyon nila. Hindi naman lahat ng bagay ay nagkakatuluyan. Psh. Ano bang akala nila sa nararamdaman ko? Na kaya nila 'tong diktahan sa kung ano yung gusto nila? Gaguhan ba? Hindi na nga kami nagkikita o nagkakausap ni Taeyong tapos i-de-date pa nila ko sa taong nginitian ko lang?! Di bale sana kung robot ako na walang pakiramdam pero hindi eh! Tao ako at nasasaktan din ako. Tahimik lang ako pero marunong din akong masaktan, noh!
Kung alam ko lang na mangyayari 'to. Sana pala hindi ko nalang nginitian yung lalaking yun. Kung bakit ba naman kasi naisipan ko pang magpunta sa park at dun mag-iiyak eh. Nakalimutan kong sikat nga pala ko at maraming fans na nagmamahal sakin. Once na mawala yung taong pinaka nakaka-appreciate sayo, pakiramdam mo mag-isa ka nalang at ang lungkot-lungkot mo at yun ang naramdaman ko nung mga oras na yun. Bigla niya kong nilapitan at bigla nalang siyang nagkwento ng kung ano-ano tungkol sa pag-aaway ng girlfriend nila kaya natawa ko then click! Nagulat nalang kami dahil bigla nalang may nagflash na camera sa likuran namin at dun na nagsimula yung letcheng balitang yan.
"So, Marianne, ano na yung gagawin mo bukas?" Tanong sakin ni Daniella kaya nilingon ko siya. Nandito kami ngayon sa JCPEnt. at kasalukuyan kaming nasa practice room dahil nagpapractice kami nung sayaw para dun sa album namin na malapit ng i-release.
"Hindi ko nga alam kung tutuloy pa ko sa letcheng interview na yun." Inis na sabi ko kaya napabuntong hininga nalang ako. Bakit kasi kailangan pa kaming interview-hin eh! As if naman mahal namin yung isa't-isa. Nakakainis. Gusto nilang kami pa mismo yung umamin sa media tungkol ng samin kahit wala naman talaga. Psh.
"Ikaw, Marianne ah! Mahilig ka pala sa mga 'T'. Yieeeee~" Biglang sabi ni Ella kaya tiningnan ko siya ng masama at natawa naman yung iba tsaka siya pinaghahampas ng mga ito.
"Pag sayo talaga galing yung words, nag-iiba ng meaning." Sabi ko tsaka ko siya inirapan pero tinawanan niya lang ako ng nakakainis.
"Knowing you, hindi ka magsasalita sa buong interview na yun. Baka nga tingnan mo lang yung mga nagtatanong sa inyo." Sabi ni Carmela tsaka siya uminom ng tubig kaya nagkibit balikat nalang ako.
Hmm. Pwede rin yung sinabi niya. Titingnan nalang ako sa kanila na para bang peste silang lahat sa paningin ko.
"Eh, paano naman kaya yung reaction ni Taeyong tungkol dun?" Bigla tanong naman ni Chrissa kaya napabuntong ako dahil iniisip ko din yung iisipin niya tungkol dun.
"Mahal niya ko kaya alam kong may tiwala siya sakin." Nasabi ko nalang tsaka ako uminom ng tubig.
"Sus. Malay mo, mag-iba yung ihip ng hangin. You don't always trust someone you love, but you can always love the person you trust." Sabi ni Ella kaya tiningnan ko siya.
"So, what are you trying to say? Na walang tiwala sakin si Taeyong?" Inis na sabi ko pero tinawanan niya lang ako na para bang sinasabi niya na tama yung sinabi ko.
"Bakit ba ganito? Pakiramdam ko iniisa-isa tayong mawalan ng boyfriend, noh?" Biglang sabi ni Carmela at sabay-sabay kaming napabuntong hiningang lahat except kay Ella.
"Dapat na ba kong matakot?" Sabi naman ni Daniella pero nagkibit-balikat lang kami kaya napabuntong hininga siya.
"Kasalanan mo 'to eh!" Sabi naman ni Chrissa habang nakaturo pa kay Ella.
YOU ARE READING
Forever Fan of Yours
FanficIn my eyes, you are my EVERYTHING. but In your eyes, I'M JUST A FAN and it f@cking hurts, you know! FOREVER FAN OF YOURS Original Story By: sassyprettyme