Sorry (PART 3)

17 3 26
                                    

AUTHOR'S POV

Nakaupo lang sina Chrissa at Carmela sa sala na para bang wala sila sa mga sarili nila. Si Daniella at Marianne naman ay busy sa mga cellphone nila.

Naagaw lang yung mga atensiyon nila nang makita si Ella na bihis na bihis at huminto ito sa tapat nila.

"Hey Chrissa and Carmela! Baka gusto niyong sumama sakin sa dorm ng Got7?--- opps! I forgot! Wala na nga palang dahilan para pumunta pa kayo dun." Nang-aasar na sabi ni Ella kila Chrissa at Carmela kaya tiningnan siya ng masama ng mga ito.

"Ano yung gagawin mo dun?" Tanong ni Carmela kay Ella.

"Ahm, wala naman. Don't worry, I-ki-kiss ko nalang kayo ni Chrissa kay Jinyoung at kay Jaebum, okay?" Nang-aasar na sabi ni Ella tsaka tumatawang lumabas ng dorm nila.

Agad naman silang nagkatinginan na apat tsaka napabuntong hininga.

"Damn her." Inis na sabi ni Carmela tsaka siya bumaling kay Chrissa.

Kitang-kita sa mukha ni Chrissa yung takot at kaba.

"N-natatakot a-ako..." Takot na takot na sabi ni Chrissa habang nakatingin sa pinto kung saan lumabas si Ella.

"Ano ba! Wag ka ngang praning!" Sabi ni Daniella kay Chrissa at hinampas pa siya nito sa braso.

"What if, m-mapalapit ulit si Jaebum sa kanya? What if, m-mahal parin siya ni Jaebum? What if u-umamin na si Jaebum sa kanya? What if----"

"Tumigil ka nga diyan sa kaka-'What if' mo! Kasi naman eh!" Inis na sabi ni Carmela dahil naririndi na siya sa mga sinasabi ni Chrissa.

"Eh, ano naman kung mapalapit si Jaebum sa kanya?! Ano naman sayo kung mahal parin siya ni Jaebum?! At ano namang pakialam mo kung umamin man si Jaebum sa kanya, ha?!" Sarkastikong sigaw ni Daniella kay Chrissa kaya inis niyang tiningnan yung kaibigan.

Sapol na sapol siya sa mga sinasabi ni Daniella. Ano nga ba yung pakialam niya? Eh, wala eh. Nasasaktan talaga siya sa mga isiping yun pero hindi niya maiwasang mainis dahil alam na naman niya yung pagmamakamaling nagawa niya pero paulit-ulit si Daniella tungkol sa pagchi-cheat niya.

"Nakakainis ka! Alam mo? Pag nagbreak kayo ni Baekhyun, ako yung kauna-unahang taong matutuwa! Baka nga magpaparty pa 'ko sa sobrang saya ko!" Inis na inis na sabi ni Chrissa kay Daniella pero tiningnan lang siya ni Daniella na para bang imposible yung sinasabi niya.

"ASA! Hindi kami magbe-break, noh! Dahil hindi naman ako magchi-cheat na katulad mo!" Pagmamalaki pa ni Daniella pero sinamaan lang siya ng tingin ni Chrissa.

"A-ano yung gagawin ko?!" Naguguluhan paring sabi ni Chrissa kaya napabuntong hininga naman yung mga kaibigan niya.

"Dapat ba may gawin ka? Ex ka na, hindi ka na niya girlfriend." Sarkastikong sabi ni Carmela kaya marahas naman siyang napabuntong hininga.

"You know what, Chrissa? Ikaw yung perfect definition ng 'tanga'. Pinakawalan mo tapos ngayon, nagsisisi ka. Ikaw yung gumagawa ng sarili mong problema at ikakasakit mo." Kalmadong sabi lang ni Marianne habang nakatingin lang sa phone niya.

"Damn..." Nasabi na lamang ni Chrissa tsaka siya napasandal sa couch na inuupuan niya.

Oo nga naman. Siya nga lang naman 'tong gumagawa ng dahilan para masaktan siya. Perfect na eh, pinakumplikado nga lang niya yung lahat.

"Spell 'TANGA'?" Sabi ni Daniella.

"C-H-R-I-S-S-A." Sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan niya tsaka ito nagtawanan kaya isa-isa niya itong tiningnan ng masama.

"Wow, Carmela, ha? Kung makatawa ka, akala mo, hindi ka din tanga." Inis at sarkastikong sabi ni Chrissa kay Carmela kaya tiningnan siya ng masama ni Carmela.

Forever Fan of YoursWhere stories live. Discover now