PROLOUGE

12.9K 211 3
                                    

Dahan dahang napamulat ng mata si Elaine!mi nakakabit na mga aparatu sa kanang kamay nito!

Inilibot ni Elaine ang paningin nito sa loob ng magarang silid!hindi ito pamilyar sa kanya!

Mayamaya pay agad natuon ang pansin nito sa isang litrato sa gilid ng kama!litrato ito ng isang babae!hindi niya ito kilala!

Unti unti itong bumangon!pinilit nitong igalaw ang mga paa nito pero hirap niya itong maigalaw!tila naninigas ang mga ito!

"F-Franco..."mahinang usal ni Elaine sa loob ng silid!

Mayamayay pay biglang bumukas ang pinto ng silid!iniluwa naman nito ang isang babae!sa itsura nito at sa pananamit ay mukha itong isang nurse!

Natuwa ang babae ng makita siya nitong gising!agad  napatawag ang babae sa teleponong nasa sulok ng silid!

"goodmorning sir!---Miss Lucia is awake!"tawag ng babae sa kabilang linya!

Agad ding ibinaba ng babae pagkatapos nitong makausap ang nasa kabilang linya ng telepono!

"m-miss asan ako?asan yung asawa ko..si Franco?"si Elaine!

"Miss Lucia hintayin na lang po natin yung Papa niyo..papunta na po siya rito"nakangiting saad ng babae!

"ang Papa ko?---miss nagkakamali ka..matagal ng patay ang papa ko..at hindi Lucia ang pangalan ko---Elaine...Elaine ang pangalan ko.."pagtatama naman ni Elaine!

"o-okay po...hintayin na lang po natin yun Papa niyo.."sambit muli ng babae!

"sabing wala na yung papa ko!naiintindahan mo ba ako ha?!asan ba ako ha?!"kinakabahan at naghihisterikal nang si Elaine!

"Miss Lucia huminahon po kayo.."pakiusap naman ng babae!

Pilit tumayo si Elaine kahit parang isa siyang batang natututo palang atang maglakad!napatimbuwal si Elaine dahil sa paninigas ng kanyang mga paa!

Agad naman siyang inalalayan at itinayo ng nurse!sa pagkakatayo nito ay nakita nito ang refleksiyon ng isang babae sa salamin na inaalalayan ng nurse!ito rin yung babae na nasa litrato!

Napatingin muli si Elaine sa litrato na nakapatong sa gilid ng kama!

"b-bitawan mo ko!"taboy ni Elaine sa nurse!

Napakapit si Elaine sa gilid ng mesang katabi ng kama nito na hindi humihiwalay ang paningin nito sa salamin!

Dahan dahan itong lumapit sa kinaroroonan ng salamin!kahit hirap siyang maglakad ay pilit pa rin nitong inihahakbang ng paunti unti ang kanyang mga paa!

Napahawak si Elaine sa kanyang mukha!gayundin ang babaeng nakikita nito sa salamin!si Elaine at ang babaeng nakikita nito sa salamin ay iisa!

"a-anong gin-ginawa niyo sakin?!--hindi ako toh!hindi ko mukha toh!!"halos mabaliw na sigaw ni Elaine sa loob ng silid!

~~~~

Paano kung sa paggising mo ay nasa katauhan ka na ng ibang tao?kaya mo kaya itong panindigan?kung ang kapalit naman nito ay ang pagkakataong gantihan at bawian ang mga taong mi malaking pagkakautang sayo?

LOVE MASK "INNOCENCE" [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon