CHAPTER 9

4K 115 5
                                    

Mag aalas onse na ng gabi ng makauwi sina Franco at Elaine!

"haist buti at nakauwi na kayo..akala ko kung napano na kayo sa lakas ng ulan!"bungad ni Rhea sa dalawa!

"oo nga eh!nasa pinyahan pa kasi kami kanina nung umulan..hinintay pa naming tumigil ang ulan kaya ngayon lang kami nakauwi.."si Elaine.nangangati ang likuran nito!

"oh napano ka jan at nangangati ka?"si Rhea napansin nito na hindi mapakali si Elaine at panay ang kamot nito sa kanyang likod!

Napatingin si Elaine sa gawi ng ngiting ngiting si Franco!inirapan na lang nito ang binata!

"e-ewan ko, b-baka sa ulan."kinabahan namang si Elaine!kung alam lang nito kung bakit nangangati ang likod niya!

"oh siya sige na maligo na nga kayo.."si Rhea!

Sabay namang umakyat ang dalawa sa taas!naiwan si Rhea na nagkakape sa sala!

"oh san ka pupunta?"tanong ni Elaine kay Franco nang sumabay ito sa kanya papunta sa kanyang silid!

"eh di maliligo."si Franco!

"hayun ang kwarto mo oh..dun ka maligo.."si Elaine

"hindi ba pwedeng dito na lang din ako maligo?hehe!"ngiting ngiting si Franco!

Tumingin naman sa baba si Elaine.tinignan nito ang nagkakapeng si Rhea!

"hindi pwede.nasa baba si Rhe."si Elaine.

"eh ano naman.sige na.."pangungulit naman ni Franco rito!

"Franco naman eh..hindi nga pwede.next time na lang okay?"

"sige na nga..pakiss na lang ako."si Franco!

"haha.okay sige."si Elaine!agad naman nitong ginawaran ng halik ang binata!

"hindi talaga pwede?"habol pa ni Franco dito.

"haha!hindi nga,ang kulit.sige na maligo ka na..."si Elaine.

~~~~
Pagkaraan ng tatlong araw nila sa probinsya sa malawak na pinyahan ng mga Mendez ay maayos namang umuwi ang mga ito ng Manila!

~~~~
Kasalukuyang nasa isang restaurant sina Franco at Elaine!

"bakit ba ganyan mo ako titigan ha Franco?haha!"ngiting ngiti na si Elaine!

Titig na titig kasi si Franco kay Elaine!tila mi gusto itong sabihin!naguguluhan din si Elaine sa nakikita nito sa mga mata ng binata!hindi nito matukoy kung ano yun!

"i love you..."puno naman ng pagmamahal na sambit ni Franco kay Elaine!

"hmmm..alam ko...at mahal na mahal din kita Franco..."buong pagmamahal ding sambit ni Elaine!

Walang ano anong bigla na lang sumulpot kung saan ang isang babae sa mesa kung saan nakaupo ang dalawa!

"E-Elaine?Franco?"tila gulat namang tanong ng isang babae!

"Veronica?!anong ginagawa mo dito?"nakangiti namang si Elaine!masaya itong makita ang pinsan nito!

"oh well...supposedly may kameeting dapat ako dito..kaya lang pagdating ko bigla namang tumawag at hindi daw makakarating..."maarte namang si Veron!

"ah ganon ba..ah oo nga pala Veronica si Franco boyfriend ko....magkakilala kayo hindi ba?"nakangiti namang si Elaine!

"wow!small world ha?!"si Veron!

"haha!oo nga eh..naging matalik pala kayong magkaibigan ni Franco?"si Elaine!

"ah oo nung nasa Canada pa ako..dun ko siya nameet...pero kasi nitong mga nakaraang taon hindi ko na siya napagkikita at nakakausap!hindi ba Franco?"si Veron na tumingin pa sa gawi ni Franco!

LOVE MASK "INNOCENCE" [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon