B2 CHAPTER 20

4.3K 123 3
                                    

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Franco bago nito pinindot ang doorbell sa condo ni Lucia!

Lingid naman kay Franco na kanina pa pala siya hinihintay at minamatyagan ni Lucia sa maliit na monitor na nasa loob ng condo nito!

Matagal na pinakatitigan ni Lucia ang mukha ni Franco sa maliit na monitor!

~~~~

Samantala hindi mapakali si Franco sa labas ng pinto!hinihintay nitong pagbuksan siya ng pinto ng dalaga!nakailang pindot na rin ito sa doorbell!

Hanggang sa mayamaya pay bumukas ang pinto at iniluwa naman nito ang nakarobang si Lucia!nakatali paitaas ang buhok nito at katatapos lang magbabad ng dalaga sa bath tub!

"Franco..."nakangiting bungad ni Lucia pagkabukas nito ng pinto!

Napansin naman ni Lucia na napalunok si Franco pagkakita nito sa kanya!

"a-about sa partnership.."agad na bungad ng hindi mapakaling si Franco!

"pwede bang pumasok ka muna----"nakangiti pa ring si Lucia!

"o-okay---"napapabuntong hiningang si Franco!

Agad namang pumasok sa loob si Franco!

Hindi naman nito maiwasang hindi mapatingin sa nakarobang si Lucia!medyo litaw kasi ang maputing cleavage ng dalaga!gayundin ang makinis at maputi nitong hita!

"alam ba ng asawa mo ang pagpunta mo rito?"nakangiting baling ni Lucia kay Franco!

"no-----hindi ko na kailangan pang sabihin sa kanya---tsaka andito ako para sa kompanya.."si Franco!

"talaga?-------andito ka lang ba talaga dahil sa kompanya Franco?"mi ibig sabihin namang pabalik na tanong ni Lucia!

Hindi naman nakasagot si Franco!isang buntong hininga lang ang pinakawalan nito!

"tell me Franco...mi iba ka pa bang gustong makuha bukod sa partnership?---"tila nan aakit ang mga ngiti at tingin ni Lucia kay Franco!

Walang ano anong napatitig si Franco sa mga mata nito!hindi malaman ni Franco kung bakit ganon na lang ang nararamdaman nito!sa tuwing tumitingin ito sa mga mata ni Lucia naaalala nito si Elaine!sa tuwing magkasama sila ni Lucia bakit parang ang pakiramdam nito kasama nito si Elaine!

Matagal ang namagitang titigan ng dalawa!nangungusap ang mga mata ng mga ito!

Mi kung ano namang naramdaman si Lucia sa mga titig sa kanya ni Franco!bakit tila naramdaman nito ang matinding pangungulila sa mga mata nito!pamilyar ang mga titig na iyon ni Franco!dahil ganito rin kung paano siya titigan noon ni Franco bilang si Elaine!

Agad na nag iwas ng tingin si Lucia!tila hindi nito kayang makipag espadahan ng tingin kay Franco!tila mi kung anong bumabalik sa kanya na hindi niya maintindihan!

"i-ill g-get you your drink.."hindi makatinging si Lucia!

Akma na itong tatalikod ng marahang hawakan ni Franco ang braso nito!

Napatingin si Lucia sa braso nito!hanggang sa salubungin na naman nito ang mga titig sa kanya ni Franco!

"F-Fran---"napatigil na si Lucia ng biglang mariing angkinin ni Franco ang mga labi nito!

Nabigla man si Lucia sa ginawang iyon ni Franco pero agad din namang remosponde ang mga labi nito at tinugon ang nag aalab at maririing halik sa kanya ni Franco!

Tinapatan ni Lucia ng maririing halik ang binata na lalo namang nagdulot ng matinding init kay Franco!

Mas lalong hinapit ni Franco si Lucia dahilan para mas lalong magdikit ang kanilang mga katawan!

LOVE MASK "INNOCENCE" [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon