B2 CHAPTER 11

4.4K 111 0
                                    


•EUROPE

"kamusta siya?"tanong ng bagong dating na matandang lalaki sa nurse na nagbabantay kay Elaine!

"gaya po ng inaasahan natin Mr.Cervantes..normal lang po ang naging reaction niya..sinuri na din po siya kanina ni Doctor Hill..binigyan na po namin siya kanina ng pampakalma.."ang nurse!

"mabuti kung ganoon.."si Mr Cervantes!

"Mr. Cervantes hindi po magiging madali to sa kanya...kahit sino naman po siguro ang nasa kalagayan niya ay mabibigla at magugulat kung sa paggising mo iba na ang iyong mukha..mahihirapan ka din po sigurong tanggapin ang lahat.."ang nurse!

"alam ko..pero alam ko ding matatanggap niya ang lahat ng pagbabago na nangyayari sa kanya..pag nalaman niya ang lahat lahat ng katotohanan.."si Mr.Cervantes habang pinagmamasdan nito ang natutulog na si Elaine!

"hindi ko din po talaga lubos maisip ang mga nangyari sa kanya Mr. Cervantes..mismong asawa niya at pinsan ang mi kagagawan ng lahat ng mga ito sa kanya.."ang nurse!

Napabuntong hininga si Mr.Cervantes!

"nakikita ko sa kanya ang aking anak..wala akong nagawa para mailigtas noon ang aking anak sa nangyaring sunog..kaya ng matagpuan ko siya..sinabi ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat para matulungan ko siya.."si Mr.Cervantes!

"kaya ba ipinagaya niyo ang mukha ng inyong anak...si Lucia?"ang nurse!

"nangungulila ako sa aking anak Larah..walang araw na hindi ko siya naiisip..hindi ko siya nailigtas!---kung hindi ko sana siya pinarehab noon..hindi yun mangyayari sa kanya..ako ang dahilan kung bakit namatay ang aking anak.."

"aksidente po ang nangyari sa inyong anak Mr.Cervantes..mi dahilan po kung bakit nangyari ang mga iyon.."ang nurse!

"walang nakakaalam sa nangyaring iyon sa aking anak Lara..dahil itinago ko sa mga tao ang totoong kondisyon niya..dahil ayoko ng iskandalo...hanggang ngayon sinisisi ko ang aking sarili dahil sa nangyari.."maluha luhang si Mr.Cervantes!

"sa maraming taon..kasama ang iyong ina..ay naging tapat kayo sa akin at sa aking pamilya..."si Mr.Cervantes!

"malaki po ang utang na loob namin sa inyo Mr.Cervantes..itinuring niyo po kaming pamilya..kung hindi po dahil sa inyo..hindi rin po ako makakapagtapos ng pag aaral.."si Lara!

"kagaya mo rin ang iyong ina Lara..sadyang napakabuti niyang kaibigan..maraming salamat.."si Mr Cervantes!

"maraming maraming salamat din po Mr.Cervantes..napakabuti niyo pong tao.."si Lara!

Hanggang sa bumaling ang mga ito sa tulog pa ring si Elaine!

Naalala naman ng matanda kung paano niya natagpuan si Elaine!

~~~~FLASHBACK 4 YEARS AGO~~~~

•PHILIPPINES

Pasado alas singko ng hapon!

"anong nangyari?"tanong ni Mr.Cervantes sa driver ng biglang tumigil ang sasakyan!

Kagagaling lang ng mga ito sa isang mental institusyon para bisitahin at bigyan ng financial na tulong ang hospital!

Nakagawian na kasi ni Mr.Cervantes na magbigay ng mga donasyon sa mga ito!nasa isang daang hospital institusyon ang binibigyan nito ng donasyon kada taon!

"pasensya na sir..flat po yun gulong natin.."ang driver!

"kaya mo bang ayusin yan.."si Mr.Cervantes!

"opo sir...papalitan ko lang po yung gulong!"ang driver!mabilis naman itong bumaba para palitan ang gulong!

Hanggang sa bigla na lang napababa ng sasakyan si Mr.Cervantes!napansin agad nito ang makapal na usok!

LOVE MASK "INNOCENCE" [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon