B2 CHAPTER 16

4K 115 3
                                    

Panay naman ang buntong hininga ni Franco habang lulan sila ng sasakyan ng dalaga!

Hindi kasi nito maiwasang hindi tignan ang makinis at mapuputing hita ng dalaga!malakas ang aircon pero tila pinagpapawisan pa rin siya!

Halos 30 minuto nang lulan sila ng sasakyan!

"malayo pa ba?"tila inip nang si Lucia!

"malapit na tayo.."si Franco na tumingin pa sa gawi ni Lucia!

Hanggang sa mayamaya pay tumigil ang sasakyan sa harap ng isang napakagara at napakalaking bahay!

"were here..."si Franco!

Mabilis na umibis ng sasakyan si Franco!muliy pinagbuksan niyang muli ng pinto si Lucia!

Agad na bumaba si Lucia ng sasakyan at pinagmasdan ang buong kabuuan ng bahay!

"halos kompleto na rin sa loob.."si Franco!

Mayamaya pay pumasok na rin ang mga ito sa loob!Idinidetalye naman ni Franco kung gaano kalaki ang bahay at kung ano ano ang mga ginamit na muwebles rito!

Habang walang tigil sa pagdedetalye si Franco ay mi kung ano namang naisip gawin si Lucia!

Napatigil si Franco sa pagdedetalye ng biglang magsalita si Lucia!

"gusto kong makita ang mga kwarto ng bahay..particularly the masters bedroom.."si Lucia!makahulugang ngiti ang pinakawalan nito kay Franco!

"a-ah----o-okay...doon t-tayo sa itaas.."si Franco!

Nagtungo ang dalawa sa itaas ng bahay!patungo sa masters bedroom!

Inilibot ni Lucia ang paningin nito sa loob ng napakalaking silid!ang masters bedroom!

Mayamaya pay marahan itong lumapit sa kinaroroonan ng napakalaking kama ng silid!

"pwede bang mahiga dito...nakakapagod pala.."tila nan aakit namang si Lucia na nahiga sa kama!

Nakatayo lang naman si Franco sa isang sulok!hindi naman nito alam kung saan ibabaling ang paningin nito!

Napapabuntong hininga at napapalunok na lamang ito sa tuwing napapatingin ito sa dalaga!

Mayamaya pay tumayo si Lucia at bumaling ito sa hindi mapakaling si Franco!

"sa tingin mo...kung ako ang asawa mo ..magugustuhan ko kaya to?"si Lucia!

"h-ha?"napamaang namang si Franco!

Matamis na ngumiti si Lucia kay Franco!

"Mr Almonte..do you love your wife?---"walang ano anong tanong ni Lucia!

Matagal bago nakasagot si Franco!hanggang sa biglang naalala nito si Elaine!ang una nitong asawa!ang babaeng pinakamamahal nito!

"yes..i love my wife very much.."puno ng sinseredad at pagmamahal na sambit ni Franco!

Nag iba ang aura ni Lucia sa narinig!tila mi kung anong kirot siyang naramdaman sa puso nito ng harap harapang sabihin sa kanya ni Franco kung gaano niya kamahal ang kanyang asawa na si Veron!

Nahalata naman ni Franco ang pag iiba ng aura at saglit na natigilan si Lucia!

"bakit may problema ba Miss Cervantes?"kunot noong si Franco!

"ah wala----bihira kasi sa mga lalaki ang matino at mahal ang kanilang asawa!karamihan mga manloloko at mga manggagamit!good for you...hindi ka manloloko at manggagamit..tama ba ako Franco?!"tila mi ibig sabihin namang si Lucia!mababakas sa tono ng pananalita nito ang sakit at galit!

LOVE MASK "INNOCENCE" [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon