B2 CHAPTER 21

4.1K 109 1
                                    

"minahal ko siya----mahal na mahal ko siya...araw araw kong pinagsisisihan kung bakit hinayaan ko siyang mawala sa akin----na sana hindi ko siya hinayaang mapunta sa lintik na hospital na iyon!na sana andun ako nung kailangan niya ako!-------sana inalagaan ko siya...hindi sana siya nawala sa akin..yes i love her!i love her more than my life!"puno ng sinseredad at pagsisisi ng umiiyak na si Franco habang nakatingin ito sa puntod ni Elaine!

Tila hindi naman makahinga si Lucia sa mga narinig nito!bigla bigla rin umagos ang mga luha nito!ramdam na ramdam ni Lucia ang bawat katagang sinabi ni Franco!ang pag sisisi nito!ang pagmamahal!hindi na nito alam kung ano ang paniniwalaan at iisipin sa mga narinig nito!

Agad na pinahid ni Franco ang mga luha nito!pilit nitong pinipigilan ang sarili sa sakit na nararamdaman nito ng maalala ang lahat!na wala siyang nagawa para mailigtas ang babaeng pinakamamahal nito!si Elaine!

Hanggang sa unti unti itong bumaling kay Lucia nang mapansin nitong hindi umiimik ang dalaga sa kinatatayuan nito!

"Lucia.."baling ni Franco sa dalaga!

Nananatiling nakatayo si Lucia sa kinatatayuan nito habang walang tigil ang pag agos ng mga luha nito!

Akma na sana itong tatakbo ng agad naman siyang napigilan ni Franco!

"Lucia sandali----san ka pupun------"napatigil na si Franco ng makita ang mga luha sa mga mata ni Lucia!

"b-bitawan mo ko!!"matigas at galit na baling ng umiiyak na si Lucia sabay bawi sa braso nito!

Mabilis na tumakbo si Lucia!eksakto namang may tumigil na isang taxi at ibinaba nito ang kanyang pasehero!mabilis na sumakay si Lucia sa loob ng taxi!

"umalis na tayo kuya!"agad na sambit ni Lucia pagkasakay nito sa taxi!

Agad namang pinatakbo ng driver ang taxi!

"Lucia sandali!"habol ni Franco kay Lucia!

Mabilis na umalis ang taxi!napabuntong hininga na lamang na sinundan ng tingin ni Franco ang papalayong taxi!

Napapaisip rin ito kung para saan ang mga luha na iyon ni Lucia!ang lungkot at sakit na nakita nito sa mga mata ng dalaga!

~~~~

Samantala wala namang tigil ang pagbuhos ng mga luha ni Lucia sa loob ng sasakyan!totoo ba lahat ng mga narinig nito?sa mga sinabi ni Franco?!

Pero hindi ba plinano nila ni Veron at Franco ang lahat?ang pa-ibigin siya at pakasalan?!ang pagsunog sa hospital?!ang ipapatay siya?!

Hindi na alam ni Lucia ang iisipin nito!naguguluhan  na siya sa mga nangyayari!

~~~~

Susundan na sana ni Franco si Lucia ng biglang tumunog ang phone nito!si Veron ang tumatawag!agad na lamang din sinagot ni Franco ang tawag!

Pero hindi pa man naibubuka ni Franco ang bibig nito ay ang umiiyak at naghihisterikal na tinig ni Veron ang agad nitong narinig!

"Veron?!anong nangyari -----"si Franco!

"kailangan kita ngayon Franco!tumawag ang Papa!nasunog ang Mancion!!!"umiiyak at naghihisterikal na si Veron!

"ano?!papanong nangyari yun?!"gulat namang si Franco!

"hindi ko alam!!iniimbestigahan pa nila kung anong dahilan ng sunog!pano na ngayon Franco?!----ito na lang ang nasa pangalan ng Papa!pano natin mababayaran ang lahat ng mga utang natin sa bangko ha?!ang kompanya?!ayokong maghirap Franco!!!"umiiyak na si Veron sa kabilang linya!

"pupunta na ako...mamaya na tayo mag usap!"si Franco!agad nitong pinatay ang phone nito at pinaandar ang sasakyan nito!

~~~~

LOVE MASK "INNOCENCE" [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon