B2 CHAPTER 12

3.9K 118 1
                                    

Lumipas pa ang isang buwan!

Hirap man tanggapin ni Elaine ang lahat pero wala na siyang magagawa kundi yakapin ang mga pagbabago ngayon sa kanyang buhay!

Matagal na nakatayo at pinakatitigan ni Elaine ang kabuuan nito sa harap ng salamin!titig na titig ito sa bago niyang mukha!

"hindi ako si Elaine!!---wala na ang tanga at mahinang si Elaine!!ako na ngayon si Lucia Cervantes!ako si Lucia Cervantes!"paulit ulit na sambit ni Elaine sa sarili!

Mapait na ngumiti si Elaine sa harap ng salamin!

"kung walang nagawa si Elaine Mendez!---pwes humanda kayong lahat kay Lucia Cervantes!"si Elaine!kitang kita sa mga mata nito ang nag aapoy niyang galit at tila wala itong sasantuhin!

~~~~

•PHILIPPINES

Ninoy Aquino International Airport!

Sakay ng isang private airplane na pagmamay ari ng Cervantes Airlines si Elaine!

Puno ng kompiyansa at taas noong naglakad si Elaine suot ang red low-cut backless dress na lalong nagpakita ng magandang hubog ng kanyang katawan!

Tila isa itong modelo na naglalakad sa isang fashion show sa Paris!suot ang napakataas niyang 5 inches pointed high heeled red shoes!

Lahat ay napapatingin at napapalingon sa kanya dahil sa napakarevealing niyang suot!

Kitang kita lang naman kasi ang maputi nitong cleavage dahil sa baba ng kanyang neckline!kita din ang makinis nitong likod gayundin ang mahaba at maputi nitong mga biyas dahil sa iksi ng kanyang suot!

"and im back!---humanda kayong lahat!"matigas na sambit ni Elaine patungo sa napakagarang sasakyang naghihintay sa kanya mula sa labas ng airport!

~~~~

Habang lulan ng sasakyan si Elaine ay napansin naman nito ang mga hile-hilerang ibinebentang mga bulaklak sa daan!

"ihinto niyo po ang sasakyan mang Emilio..bibili ako ng bulaklak."si Elaine!

Itinabi naman ng driver ang sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse!

Bumaba si Elaine at bumili ng isang boquet ng mga puting rosas!

"mi dadaanan lang po muna tayo mang Emilio..lumiko po kayo jan.."si Elaine pagkasakay muli nito ng sasakyan!

"opo miss Lucia.."ang driver!agad namang sinunod nito ang sinabing direksiyon ni Elaine!

Patungo ang mga ito sa isang cementeryo!ito ang unang gustong puntahan at bisitahin ni Elaine pagbalik nito ng Pilipinas!ang puntod ng kanyang anak!

"hintayin na lamang po ninyo ako rito sa sasakyan mang Emilio.."si Lucia!

"opo Miss Lucia.."ang driver!ipinagbukas na naman muli siya nito ng pinto!

Bumaba ng sasakyan si Elaine at tinungo ang puntod ng kanyang anak!

Agad na ipinatong ni Elaine ang mga puting rosas sa puntod at sinindihan ang dala nitong dalawang kandila!

"Francine anak..ako to ang Mama...nag iba yun mukha ni Mama..pero ako pa rin to anak..pasensya na kung ngayon lang dumalaw si mama ha..hayaan mo dadalasan ni Mama ang pagdalaw rito..mahal na mahal kita anak.."napaluhang si Elaine habang kinakausap nito ang puntod ng kanyang anak!

Hinahaplos nito ang nakaengrave na pangalan ng kanyang anak!Francine Almonte!

Ilang minuto ring kinausap ni Elaine ang puntod ng kanyang anak!hanggang sa bumaling ang paningin nito sa katabing puntod!

Nabasa naman nito na naka engrave ang kanyang pangalan sa katabing puntod ng kanyang anak!Elaine Mendez Almonte!malamang ito yun babaeng napagkamalan nilang siya!

Agad na pinahid ni Elaine ang mga luha nito at nilapitan ang katabing puntod!tumigas ang anyo nito at nanumbalik sa mga mata nito ang galit!

"im sorry sa nangyari sayo...hindi ka dapat nadamay sa kawalanghiyaan at kademonyohan nila!----gayundin ang mga inosenteng taong nadamay ng dahil sa sunog!---magbabayad sila ng mahal!hindi lang sunog ang ipapatikim at ipalalasap ko sa kanila!dahil sinisiguro kong mababaliw rin sila sa mala impiyernong dala ko!"puno ng galit at paghihiganting sambit ni Elaine!

~~~~

[Notes of Love]

Refresh ko lang po ang story habang ginagawa ko yung next chapter---dagdag inspiration lang sa pagtitipa mga  bruha!pasensya sa matagal na walang update--...hehe..nabusy lang po sa trabaho----maraming salamat!

LOVE MASK "INNOCENCE" [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon