B2 CHAPTER 23

4.2K 129 1
                                    

Kasalukuyan namang may pinipirmahang mga documents si Franco ng pumasok ang secretarya nito!

"excuse me sir.."ang secretarya!

"yes ano yun?"si Franco na nakatutok sa pinipirmahan nito!

"may pulis pong gusto kayong kausapin sa labas.."ang secretarya!

Napatigil at napakunot noo si Franco sa sinabi ng secretarya nito!

"bakit daw?tungkol ba to sa nangyaring sunog sa mancion ng mga Jiminez?"kunot noong si Franco!

"hindi po sir...pero may bago daw pong development sa kaso ng sunog sa hospital 4 years ago?"ang secretarya!

Lalo namang nangunot ang noo ni Franco?

"okay sige papasukin mo.."napapaisip namang si Franco!

~~~~

"Magandang umaga Mr Almonte!"ang pulis!

Nakasunod naman dito ang isang babae na kasama nito!

"Chief!ano bang maipaglilingkod ko sa inyo!"si Franco na agad sinalubong ang mga ito!

Iginaya niya ang mga ito sa sala ng kanyang opisina!

"maupo po kayo!"si Franco!

"Mr.Almonte may mga bagong development sa nangyaring sunog four years ago.."ang pulis!

"anong development chief?"si Franco!

"hindi aksidente ang nangyaring sunog sa hospital Mr.Almonte..may sumunog sa hospital!" ang pulis!

"kilala niyo na ba ang mga sumunog nito?"

"hindi pa...pero malapit na naming matukoy..at isa pang dahilan kung bakit kami naparito ay para humingi ng permiso mula sayo Mr Almonte.."ang pulis!

"permiso?----tungkol saan chief?"si Franco!

"ito nga pala si Miss Soriano..isa ang kapatid niya sa mga pasyenteng nawawala ng gabing iyon..at dahil na rin sa paghahanap nito sa kapatid niya kaya nabuksan muli ang kaso ng sunog sa hospital.."ang pulis!

"hindi ko maintindihan chief...ano ba talagang ipinunta niyo at sinadya niyo pa ako rito?"naguguluhan at napapaisip namang si Franco!

"Mr almonte hindi na ako magpapaligoy ligoy pa..gusto sana naming humingi ng permiso mo para hukayin ang puntod ng iyong asawa.."ang pulis!

"sandali----anong pinagsasabi niyo chief?matagal nang nanahimik ang asawa ko..tsaka anong kinalaman niyan sa kaso?!"si Franco!

"malaki Mr Almonte..dahil posibleng buhay ang asawa mo----at ang nakalibing doon ay ang kapatid ko.."biglang sabat naman ng babae!

Tila nagulantang naman si Franco sa sinabi ng babae!

"a-anong ibig niyong sabihin?p-pano niyo mapapatunayan yan?"si Franco!

"may mga nakuha kaming mga kopya ng cctv bago ang sunog!"ang pulis!

"bakit ngayon niyo lang to sinasabi?!"si Franco!

"gaya nga ng sabi ko kanina Mr Almonte..dahil sa paghahanap niya sa kanyang kapatid kaya muling nabuksan ang kaso...at dahil na rin sa mga bagong ebidensyang lumabas...pasensya na Mr. Almonte..."ang pulis!

Agad naman nilang ipinanood kay Franco ang video!kung paano pumasok ang isang babae sa silid ni Elaine!pilit kinukuha ng babae ang suot na singsing ni Elaine!nag agawan ang mga ito hanggang sa makuha nga ng babae ang sing sing ni Elaine!

Napahawak si Franco sa noo nito sa napanood!

"kaya Mr Almonte payagan mo kaming ipahukay ang libingan ng iyong asawa para makakuha kami ng mga DNA  samples...para matahimik na rin ang kapatid ko.."mangiyak ngiyak namang sambit ng babae!

LOVE MASK "INNOCENCE" [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon