Darion's POV
Ano gawa ko? Heto nasa gym ng mag-isa.... Bilang si Androxus ha. Sabado ngayon.
Hmm? Anong sagot ni Iris nung isang araw?
Eto kasi yun...
***Flashback***
"Will you be my girlfriend?" Tanong ko.
"Hindi naman sa hindi pwede pero..." Sabi niya.
"Pero?" Tanong ko.
"Ligawan mo muna ako gago!" Sigaw niya sa'kin.
"Ayt. Yo ko manligaw no! Kung liligawan kita eh edi sana hindi na kita makikita! Bakit? Kasi nga naliligaw ka na eh!" Sabi ko.
Binatukan niya ako.
"Bobo! Hindi ganun yun! Wag na nga maging tayo!" Sabi niya.
"Naman?! Sabi mo nahulog ka sakin?!" Tanong ko.
"Wag mo ng isipin ung sinabi ko! Gago! Makaalis na nga! Ugh!" Tapos padabog siyang umalis ng dorm....
***End of Flashback***
Yan. Ganyan nangyari. Kaya single pa rin ako.
Wala naman masyadong nangyari nung huwebes... Kahapon? Wala naman. Kahit nagkarandom picks. Kasali si Iris. Panalo naman. Hindi man umabot sa 5 seconds ng ang laban nila. Galing kaya niyang umasinta.
Grabe dilim dito sa gym. Wala sinara ko kasi ung pinto eh. Tapos ung mga ilaw di ko binuksan. Wala trip ko lang.
Nakaupo ako syempre sa isang upuan.
Biglang bumukas ung pinto dito sa gym. Nasilaw ako kaya tinapat ko sa mukha ung isang braso ko para hindi ako masyadong masilaw.
"Woah! Bampira ka pala Androxus!" Sigaw ng isang babae.
"Hindi ako bampira." Pasimpleng sagot ko.
Nung medyo makarecover nako ay syempre binaba ko na ung braso ko at tinignan sila.
"What a op team." Sambit ko.
Bakit? Nandito lang din naman si Snow. Ung iba hindi ko kilala. Plus nakamaskara sila. Bali dalawa kaming lalake at tatlong babae..
"Yun na nga eh." Sabi nung lalake at napakamot sa ulo. Sky blue ung buhok nito.
"Grabe walang thrill itong team natin ha." Sabi nung isang babae. Black buhok.
"Magpakilala nga kayo please! Yo ko manghula ng pangalan!" Sabi nung isang babae. Red buhok niya
"Ge! Tawagin niyo na lang ako sa codename ko na Nightmare." Sabi nung lalake. Nightmare ha.
"Nice name." Sabi ko.
"Woah. Thanks." Sabi niya.
"Mirage." Simpleng sabi nung babaeng may black na buhok. Nice.
"Midnight. Akin." Sabi nung babaeng may red na buhok.
"Seryoso niyo naman! Knightwalker codename ko." Sabi nung isang babaeng may yellow na buhok.
"Kilala niyo na naman siguro ako no?" Sabi ni Snow habang nakacrossarms.
Tumango sila except sa'kin.
"Hindi kita kilala. Edi sana alam ko kung sino ka. Mukha mo. Mga ganun." Sabi ko.
"Tss." Mukhang nainis siya.
Haha.
"Ge ano ba lahat ng mga sports nalalaruin?" Tanong ko.
"Basketball, Volleyball at Soccer. Dyan sa tatlo. Magkakasama tayong lahat. Archery, Badminton, Table Tenis, Taekwondo at Swimming. Tig isang lalake at babae. Athletics.... Basta magkakateam din dun basta kayo na lang bahala dun. At meron ring Car Racing sa pang finale. Pili ns kayo. Una ka na Nightmare." Sabi ni Snow.

BINABASA MO ANG
Alfheim University
ActionDarion Xavier, a gangster who brings justice... He is known as Androxus The Emperor of the gangsters. He transferred on a school called Alfheim University because of a mission.... a assassination for the top 1 of the strongest person in the school k...