Chapter 23: Someone In The Past

17 2 0
                                    

Shin's POV

Naaalala ko na ang nangyari...

Nandito ako sa lugar ni Shawn. Umalis kami sa bahay ko.

"Shawn. Bakit hindi mo ito sinabi? Bakit hindi mo ito ipinaalala?" Tanong ko kay Shawn na nakaupo sa sofa niya.

"Kutob pa lang naman kasi ang nararamdaman ko. Hindi ako sigurado na ikaw nga yan Shin. At mukhang tama nga ang kutob ko." Sabi ni Shawn.

"Naaalala mo pa ba kung sinong nagtangkang pumatay sayo? O ang nagligtas na lang sayo?" Tanong niya.

"Masyadong marami ang mga ala-alang bumalik sakin. Kailangan ko munang magpahinga para alalahanin ang pangyayaring yun." Sagot ko.

Tumango siya at nagsalita.

"Tama ka nga.. Pero malakas talaga ang kutob ko na Si Iri--"

"Hindi niya magagawa yun kung walang pumilit sa kanya o nangblackmail sa kanya. Alam mong isa siya sa mga napagkakatiwalaan kong tao sa gang natin noon." Pagputol ko sa kanya at saka tumayo.

"Aalis na ako." Sambit ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Babalik ako sa Alfheim University. Pahiramin mo muna ako ng isa sa mga kotse mo." Sabi ko saka kuha ng isang susi ng kotse na nakasabit sa dingding niya.

"Nakakalimutan mo na ba? Hindi ka nila kilala. Nagpalit ang anyo mo diba?" Sabi niya at tumayo at lumapit sakin.

"Ay shit. Nakalimutan ko pala." Sabi ko.

"Ganito na lang. Sasamahan kitang mag-enrol sa unibersidad na yun. Akin na yang susing kinuha mo" Sambit niya.

Iniiabot ko naman ung susi sa kanya at nauna siya saking maglakad at sinundan ko lang siya.

***Timeskip***

Nandito na kami sa harap ng unibersidad.

"Mabibigla ang mga tao sa pagbabalik mo, Shin" Sambit niya at tumawa siya ng kaunti at naglakad na papunta sa entrance. Napailing na lang ako at sinundan siya.

Lunch time kaya maraming estudyante ang pagala-gala dito. Napapatingin sila sa amin. May mga nagbubulungan habang naka tingin sila sa akin. May mga ilan na ang reaction nila ay parang nakakita ng multo.

Eh ikaw ba naman kala kasi nila patay na ako eh haha.

Nandito na kami sa hallway papunta sa Headmaster's office. Pero may mga taong nagkukunpulan malapit dito.

"Tignan ko lang muna yun Shawn ha?" Sabi ko sabay turo sa mga tao.

"Hmm... Sige. Puntahan mo na lang ako sa office o kung matatagalan ka at tapos ko na siyang kausapin ay tatawagan na lang kita." Sabi niya at nauna na.

Pinuntahan ko naman ung mga tao at nakipagsiksikan.

Ano kaya ang nangyayari?

Pagkakita ko sa nangyayari ay bumungad sakin ang isang kakilala ko.

Napatingin rin siya sakin.

"Kenji/Shin?!" Sabay na sambit namin.

May kaaway siya. Hindi ko kilala ung kaaway niya. Si Kenji ay isa sa mga gang mates ko sa PROJECT:S

Nabigla naman ang lahat ng mga estudyante ng makita nila ako. Agad silang lumayo sakin. Si Kenji naman ay pinuntahan ako.

"B-Buhay ka?" Tanong niya sabay nahawak sa balikat ko at nakatingin sakin ng parang nakakita ng multo.

"Malamang." Tipid na sagot ko.

"Buhay ka nga!" Sambit niya sabay yakap sakin.

Tsk tsk. Hindi parin nagbabago.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alfheim UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon