Chapter 19: Cheaters

11 1 0
                                    

Darion's POV

Nandito na kami sa sports event. At syempre ako pa rin si Androxus. Pero iba ang suot ko ngayon at iba rin ang tawag nila sakin. Mahirap ng makilala nila ako lalo na't over powered ang team namin. Oh and I also changed my hair color and hairstyle... I hope they wont recognize me...

Nandito nga pala kami sa room na inassign nila samin. Naka-tambay dito sa sala.

"Ano nga pala ang unang lalaruin?" Tanong ko.

"Basketball." Tipid na sagot ni Snow.

"Kailan mag-uumpisa?" Tanong ko ulit.

"Mga 30 minutes pa." Sagot niya.

Hay. Ang tagal naman!

Lahat ng kasama namin dito ay naglalaro at nanonood.

Ayoko namang maglaro kasi baka hindi nako tumigil... kung manonood naman ako. Ayoko naman ung pinapanood nila. Kabustasan nama  kung papalitan ko ung channel.

Ay bwiset!! Author timeskip mo na nga!!

***Timeskip***

Nandito na kami sa court. Ang kalaban namin ay ang Red Ops University. At sa pagkakaalam ko ay... madudumi silang maglaro.

Hays. Hindi ba sila magaling kaya sila nandadaya?

Crowded ang court namin ngayon.

Sinenyasan na kami na malapit ng mag-start ang game kaya nag-ready kami.

At... nagstart na nga ang game. Na kay
Nightmare ang bola ngayon. Nang makita niyang papunta na sa kanya ang isang kalaban ay dali-dali niya itong pinasa kay Mirage at tumakbo na kaming lahat papunta sa ring.

Nangmalapit na kami ay biglang pinasa sa'kin ni Mirage ang bola. Nandito ako ngayon sa three point area... May nakabantay sa'kin. Nilito ko ito at ng malito siya ay dali-dali kong shinoot ang bola.

And... Boom! 3 pts!

"Nice An-- Klein!" Sambit ni Mirage.

Nakita kong mukhang nainis ang kalaban. Mukhang mandadaya na niyan sila.

Nag-start na ulit kami sa paglalaro. Ako ngayon ang nagbabantay dun sa kalaban na may hawak dun sa bola.

Harap-harapan kaming dalawa. Nakita ko siya ngumisi. Dumaan siya sa gilid ko. Kukunin ko sana ung bola sa kanya pero siniko niya ako kaya natakas siya at tumakbo malapit sa ring at shinoot ang bola.

Shit! Ang daya! Hindi ba nakita ng referee yun?!

Nakita rin yun nina Snow.

"Sabi na eh. Mandadaya sila." Sambit ni Mirage.

"Pabayaan niyo na lang sila. Basta hindi tayo mandadaya. At as if naman kung papayagan ng referee na mandaya tayo." Sabi ni Snow.

Tumango na lang kami.

***Timeskip***

Woooh! Yes! Nanalo kami!

Kasalukuyan akong umiinom ng tubig nang maramdaman kong namato ng bola ang isa dun kalaban. Papunta ito sa akin.

Hindi ko ito hinarap. Ng malapit na ang bola ay sinapo ko ito at agad na binato ito papunta sa direksyon kung saan yun nanggaling ng hindi humaharap.

Humarap ako at nakita kong sapul sa ulo ung nambato sa'kin.

"BOOM!" Sambit ng lahat ng tao  dito sa court.

Galit akong tinitigan nung binatuhan ko ng bola. I mean ung lalakeng nambato sa'kin ng bola at ibinalik ko lang ito sa kanya.

Alfheim UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon