Chapter 8: Nighttime Visitors

23 2 2
                                    

Darion's POV

Nandito na ako sa classroom. Nakakuha ako ng uniform ko sa dorm...

Nandito na rin si Iris nung dumating ako dito. Grabe sama ng tingin niya sakin. Baka siguro dahil famous na kami... Haha.

Nakikinig lang ako sa prof namin.... Oo nga pala... Lahat rin ng mga professors alam ung nangyari kanina... Syempre Hindi nila alam ung ginawa ko kay Snow no.

"Grabe nakakatawa lang hahaha..." Bulong ko sa sarili ko.

Patuloy lang ang discussion hanggang sa nag-ring na ung bell. Nagpaalam na ang prof namin.

Nice lunch na!

"Galing mo rin no?" Rinig kong sambit ni Iris.

Napaharap naman ako sa kanya.

"What do you mean?"

"Wala. Dami mo na kasing nababangga pero Hindi ka pa patay.... Na dapat lang talaga."

"Ay. Wag kang mag-alala. Malapit na haha. Patay talaga ako nito.."

"Bakit naman? Ah. Alam mo na siguro na mamayang gabi ay pupuntahan ka nina Snow no?"

"Hindi yun. And what? Pupuntahan ako nina Snow? Paano no naman na laman? Gagawa mo lang siguro no?"

"Syempre hindi. Lahat ng mga estudyante alam yun. Bat di mo tanungin sina Danica mamaya." At tumayo na siya at umalis.

Oh fuck.

Umalis na rin ako ng classroom at nagpunta sa canteen.

----

At the canteen.

Umorder na ako ng pagkain ko at syempre kinuha yun. Nagtungo ako sa isang bakanteng table at kumain.

Nakita ko si Danica at Cait. Pumunta sila dito.

Umupo sila sa mga upuan syempre.

"Uy. Kuya, lagot ka niyan kay Snow. First time niya panamang magalit. Sinabi niya kanina sa'min na wag ka daw naming aayaan na tumakas mamayang gabi." Sabi ni Danica.

"Bakit daw siya galit?" At wow ganda ng tanong ko ha. Syempre dahil sa'kin.

"Basta sinabi niya sa'min na meron ka daw ninakaw sa kanya?" Sabi ni Cait.

Nabulunan ako dahil dun. Agad naman akong uminom ng tubig.

"Paki ulit nga please?" Sabi ko.

"Meron ka nga daw ninakaw sa kanya." Sabi ni Cait.

"Kayo lang ba ang nakakaalam non?"

"Hindi. Lahat ng mga estudyante dito alam yun. Pero hindi namin alam kung ano ung ninakaw mo."

Napahawak naman ako bigla sa labi ko.

"OMG!! Wag mong sabihin na ninakawan mo siya ng ha–hmp!" Tinakpan mo ang bibig ni Danica.

Napatingin sa'min ang mga estudyante dito sa canteen.

Inalis ni Danica ang kamay ko.

"Grabe Darion! Ninakawan mo talaga siya ng halik?!" Sigaw ni Cait.

Holy fuck.

Nagbulungan ung mga estudyante dito.

Damn! I need to save my reputation!!!

"Hoy! Hindi halik ang ninakaw ko sa kanya!!! Gamit lang!!!" Sigaw ko.

"Wushu! Palusot pa!" Sabi niya.

Alfheim UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon