Darion's POV
"Dito ka nga!" Sigaw ko. Saan ako? Sa bahay lol jk. Sa kwarto.
Pumunta naman siya dito. Nanlilisik ung mga tingin niya.
"Ano ba?!" Sabi ni Snow. Nakamaskara kaming pareho. So hindi ko pa alam ung mukha niya. At wala na akong pake dun.
"Masaihin mo nga ako." Sabi ko habang nagsecellphone.
"Argh!" Padabog siyang pumunta dito. Sumampa siya sa kama at minasahe ung likod ko ng napakasakit!
"Ayusin mo! Yun hindi masakit!" Sabi ko. Sarap pagtripan nito eh. Kanina ko pa inuutusan. Haha pinag-pahinga ko muna ung lahat ng mga katulong dito kaya siya lang hakhak.
Sinunod na niya ung sinabi ko.
"Yan. Ganyan.... Ge tama na." Sabi ko at huminto naman siya. Aalis na sana siya kaso yinakap ko siya.
"Pero.... Dito ka muna." Sabi ko.
"Tangina naman! Bakit bigla kang kumulit ha?!" Tanong niya.
"Kasi nga.... Hindi ako ung totoong Androxus." Pasimpleng sagot ko. Pinagpapawisan na mukha dahil maskara ko amp!!
"Ano?!" Sabi niya. "S-Sino ka?!"
Umaamba siya ng suntok.
"Woah woah! Chill! Chill!" Sabi ko sa kanya.
"Sino ka nga?!" Tanong niya sa'kin.
Tinanggal ko na ang kamay ko sa kanya. Saka ko inalis ung maskara ko.
"Darion?! Kaya pala ang kulit mo kanina pa!!!" Sigaw niya sabay hawak sa damit ko.
"Sorry! Sorry! Kasalanan niya kasi to! Ayaw niya daw pumunta dun... Pero kailangan daw eh! Kaya ayan inutusan niya akong magpanggap bilang siya!" Sabi ko.
Tangna sana maniwala siya... Hindi pa naman ata niya alam na kaibigan ko si Ako.
"Bakit naman ikaw?!" Tanong niya.
"Kaibigan niya ako!" Sabi ko.
Lord sana maniwala siya. Please lord.
"Oh... Ah sabagay may mga nakakita sa inyong magkasama kayong dalawa..." Sabi niya. At binitawan na niya ako.
Hay. Salamat lord!!
Yinakap ko na lang siya ulit.
"What the." Sambit niya.
"Master mo pa rin ako no. Kahit nagpanggap ako bilang si Androxus, ako pa rin ung nagligtas sayo kagabi!" Sabi ko.
"Pero bakit mo ako yinayakap? Anong konek?" Tanong niya.
"Wala.... Magaan lang talaga ung pakiramdam ko kapag kasama kita..." Sabi ko.
Natigilan naman siya. Pero totoo naman ung sinasabi ko... Same goes as her... Kilala niyo siya kaya no need to say her name.
"Snow.... Matagal na ba kitang kilala?" Tanong ko.
"H-Hindi! Basta! Hindi mo ako kilala! Kahit nung bata pa tayo hindi mo ako kilala!" Sabi niya.
"Nice try. So... Nung bata pa tayo kilala na kita? Sayang... Nabura kasi ung mga alaala ko dahil sa elixir na yun...." Sabi ko.
"Hindi nga eh! At.. Anong elixir?" Sabi niya.
"R.A.I.D.E, Rapid Attacking Instincts of a Demon Elixir. Isang elixir na inimbento ko at ng aking ama." Sabi ko.
"Paano naman nangyari yun?" Tanong niya.

BINABASA MO ANG
Alfheim University
ActionDarion Xavier, a gangster who brings justice... He is known as Androxus The Emperor of the gangsters. He transferred on a school called Alfheim University because of a mission.... a assassination for the top 1 of the strongest person in the school k...