Darion's POV
*RIIINNGGG!*
Napabalikwas ako at pinatay ung alarm clock.
12:00 am...
Tumayo na ako at kinuha ung maskara at gangster suit ko dun sa bag at sinuot ang mga yun. Kinuha ko na rin ung mga throwing knives at ung katana. Nilagay ko ang mga ito sa belt. Kinuha ko ung boots at syempre sinuot ang mga ito.
Anong gagawin ko? Mageespiya lang naman dun sa loob ng unibersidad. Sa pagkakaalam ko kasi mula 10 pm hanggang 2 am ay nagpapatrolya ang mga top 5. Ung mga miyembro nito ay ung malalakas na nanggaling dun sa mga year lvl. Hindi naman iba-iba ung year nila. May dalawang second year sa kanila kasi tie ung mga yun. Paano nagkaganun? Sinusubok kung gaano kalakas ang mga ito kaya sila napili. Ganun yun.
Kinuha ko ung metal na logo ng unibersidad. May mga konting kinalikot ako dun.
And... Success.
Kung may makikipaglaban sa akin ay ganito lamang ang lilitaw na impormasyon.
Name: Androxus
Gender: Male
Title/Top: Unknown
Year level: Unknown
Course: UnknownYan lang. Hacker to eh.
Kinuha ko ung relo ko at nagtungo dun sa bintana. Dito kasi ako lalabas.
Binuksan ko ang bintana. Pagkalabas ko dito ay sinara ito. Ginamit ko ang puno para makababa.
Nangmakababa na ako. Nagtago ako sa mga anino para kung may estudyante pang nasa labas ay hindi nila ako makikita. Nandito na ako ngayon sa harap ng school syempre hindi ako dadaan sa mismong entrance nito. Umakyat ako papuntang 2nd floor at pumasok ako dun sa bintana. Nandito ako ngayon sa isang corridor. Nagtago ako ulit sa mga anino nung nakarinig ako ng yapak ng paa.
I blend with darkness.
Lumayo ako dun sa bintana.
"Hmm? Bakit nakabukas ung bintana?" Boses ng isang babae.
Papalapit ang mga yapak. Dalawa sila.
"Baka kanina pa yan nakabukas hindi lang natin napansin." Boses ng isang lalake. "Isasara ko na lang."
Nagtungo ung isang lalake dun sa bintana kung sa ako pumasok at isinara niya ito. Hindi ko makita ang mukha niya kasi mga nakamaskara. Pati rin ung babae nakamaskara.
Oo nga pala... Kapag kasali ka sa mga top 5 hindi ka kilala ng mga tao. Halimbawa kung may nakikipagduelo sa 'yo ng umaga basta ung may pasok pa. Hindi nila makikita kung ano ang rank mo. Pero para walang makahalata.... Meron ng nakalagay na mababang rank para sa 'yo kapag may pasok. Kung wala naman. Automatic magiiba ang impormasyon mo. Codename mo na lang makikita sa pangalan mo.
Nangmakaraan na ung dalawa ay umalis na ako dito. Pumunta ako dun sa hagdan at umakyat pataas syempre. Nandito ako ngayon sa 3rd floor madilim dito at....
"You are now cornered. Sino ka?!" Sigaw ng isang lalake. Halatang maotoridad ito.
Napapalibutan nila ako. 4 lang sila?
Biglang bumakas ung ilaw at nakita ko... Si Snow. Siya nagbukas ng ilaw. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Lima na sila.
"Androxus?" Sambit nung lalake kanina.
Nakamaskara ito. Kulay red buhok at brown ung mga mata. Galing ko mag describe no?
"Ay lodi! Pa autograph naman o!" Sabi pa nung isang lalake. Nakamaskara, kulay dark brown buhoy at ung mga mata niya ay kulay yellow.
Ung lalakeng kulay red ung buhok at ung dalawa pangbabae ay tinignan siya ng masama.
Tinignan ko lang ito.

BINABASA MO ANG
Alfheim University
ActionDarion Xavier, a gangster who brings justice... He is known as Androxus The Emperor of the gangsters. He transferred on a school called Alfheim University because of a mission.... a assassination for the top 1 of the strongest person in the school k...