Chapter 1

999 44 2
                                    


----------------------------------------------------------------------------------------------------------

*Mary's POV*

Minsan iniisip ko kung masyado ba akong nagpakatanga? o baka naman may mali din naman ako? Halos tatlong taon. . .tatlong taon ang nasayang. Bakit nagkaganito? Anong nangyari?

"Huuuuy! MM! Tulala ka na naman." Sambit ni Kattie, ang bestfriend na kasangga ko sa lahat ng problema. Buti na lang talaga at may mga kaibigan ako na masasandalan lalo na sa panahon ngayon.

"Si Edmundo na naman ba yan?" Tanong niya at napabuntong hininga na lang ako.

Edmond James Barton.

"Girl, mag iisang taon na. Move on na, besh!" Sambit niya at napatingin na lang ako sa kanya. Hindi naman ganoon kadali yun, dahil bukod sa relasyon bilang magkasintahan pati yung ilang taon naming pagkakaibigan, nawala sa isang iglap.

"Kattie, mali ba ako? Alam ko naman na before kami magbreak, di na talaga healthy yung relationship namin. Ilang beses na kami nag-aaway, alam ko mutual yung breakup. Parehas naming ginusto. Pero bakit ang sakit?" Tumulo na lang bigla ang aking mga luha. Hindi ko na kayang pigilan.

"Bes, mutual ang break up niyo pero nakalimutan mo na ba? Pumayag lang siya kasi may rason siya para makipagbreak. Girl, hindi ikaw ang mali. Siya ang may nagawang mali sa'yo. Mabuti nga at tinapos mo na. Imagine if pinagpatuloy mo pa, eh di nagmukha kang tanga?" Paliwanag niya.

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. . .

*end of Mary's POV*

*flashback*

Pagkatapos ng shift ni Mary sa kanyang trabaho ay agad siyang nakatanggap ng text mula sa nobyo. Ilang araw na din silang di nagkakasundo dahil sa maliliit na bagay.

     Kinabahan agad si Mary, nagkaroon na siya ng kutob kung ano ang kanilang pag-uusapan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinabahan agad si Mary, nagkaroon na siya ng kutob kung ano ang kanilang pag-uusapan. Ngunit, kahit papaano ay handa na naman ang dalaga. Nasabi na rin niya sa kanyang mga kaibigan na kung man makikipagbreak na ang nobyo ay agad itong papayag. Desidido na rin siya na maghiwalay sila. Aminado siya na hindi na rin niya nabibigyan ng oras si Edmond dahil na rin sa tambak na trabaho lalo na at siya ngayon ang inaasahan ng pamilya.

Pagdating ng dalaga sa tagpuan ay agad niyang natanaw ang binata na tila malalim ang iniisip. Hindi agad napansin ng nobyo na dumating na ang kanyang hinihintay.

"Hey, nakapagorder ka na pala." Sambit ng dalaga at umupo ito sa upuan na nasa harap ng binata. Tumango lang si Edmond at binigay ang inumin kay Mary.

"MM..." Malumanay na tawag ni Edmond.

"Mukhang alam ko na ang pag-uusapan natin." Tugon ni Mary. Napatingin na lang si Edmond sa kanya.

*Ito na nga siguro.* Isip ni Mary.

In & Out of LoveWhere stories live. Discover now