*flashback*
"Edmond, what's this? You're failing college?" Tanong ng daddy ni Edmond. Mahigpit pagdating sa academics ang mga magulang ni Edmond. Consistent honour student kasi ito simula noong bata pa.
"Dad, failing? I just got a three on one subject. You're overreacting." Sagot ni Edmond.
"What happened then? You never get a grade like this before. Remember you're gonna graduate next year. You said it yourself that you wanna graduate with latin honour. " Inis na si Edmond sa inaasta ng ama. Nasasakal na siya lalo na at pinepressure siya nito tungkol sa pagiging cum laude.
*end of flashback*
Dahil sa tawag na natanggap mula sa kanyang ama na pinapabalik siya sa Germany para sa isang mahalang meeting, di mapigilan ni Edmond na alalahanin ang college days niya, doon nagsimula na nakaramdam ng unti-unting pagbaba ng kanyang self-esteem dahil na rin sa pampepressure ng mga magulang.
"So bro? Paano na?" Tanong ni Marion sa kaibigan.
"Aminin mo nga sa akin, did you really fall out of love?" Dagdag nito at napatingin na lang si Edmond sa kisame habang minamasahe ang noo.
"To tell you the truth hindi ko alam. I'm not even sure if I really did fall out of love or i was so caught up between my parents and my relationship with MM and other stuff. Napressure ako Marion. It was too much for me and I chose not to tell MM kasi alam kong magiging pabigat lang ako." Paliwanag ni Edmond.
"Anong nangyari? Dati nagagalit ka kay Mary kapag di siya nagsasabi sa'yo ng mga problema niya. You were so worried na baka ikaw ang problema. To the point na pinag aawayan niyo na yun." Paalala ng kaibigan kay Edmond.
"I don't know Marion. Hindi ko pa rin mapoint out what happened? I mean kung ano ang mali? Bakit ako nagkaganito? Bakit kami nagkaganito?" Bahagyang sinabunutan ni Edmond ang sarili sa sobrang pagkafrustrated.
"You think masyado ka napressure sa parents mo? Di rin nakatulong na unti-unting nagiging busy at tila okay sa career noon si MM noong fresh graduate tayo. Remember, wala pang isang buwan, nagkaroon agad siya ng trabaho tapos ang bilis ng growth niya?" Ani ni Marion. Napaisip naman si Edmond. Insecure nga ba talaga siya noon? Napakunot na lang ng noo ito dahil alam niya na masaya naman siya para sa dating nobya noon. Sadyang hindi lang niya kinaya ang pressure na binigay ng magulang. Ang tanging mali niya ay di niya ito sinabi kay MM na naging dahilan ng kanilang madalas na pagtatalo.
"Just think about it bro. Ni minsan, sorry for the term, pero ni minsan ba di ka nainggit kay Mary?" Tanong ni Marion.
"Wth? Ano ba pinagsasabi mo? Bakit naman? Alam mo naman na isa ako sa mga tuwang tuwa sa mga na-achieve niya at noong mga panahon na bago kami maghiwalay, alam kong may mga pinagdaanan siya and I was there supporting her." Paliwanag ni Edmond.
"Fine. I was just asking. So you mean, pressure ka lang talaga sa parents mo? Di ka nagpadala sa mga sinabi nila tungkol sa'yo at kay MM? Yung pinagcocompare kayo tama?" Napatingin na lang si Edmond sa kaibigan at napaisip. Alalang alala niya ang mga panahon na wala siyang ibang narinig sa mga magulang niya kung di pagkukumpara sa kanila ng dating nobya. Tila pinamukha pa nila na habambuhay na lang ba itong nasa anino at likod ni Mary. Pinamukha din sa kanya kung sadyang may pangarap ba siya sa buhay. At doon napaisip si Edmond.
"See. Okay fine. I know, di ka naiinggit kay MM. I know you are very supportive. But, from what I noticed that time. You gave in Ed. Nagpadala ka sa mga salitang narinig mo sa mga magulang mo. I know our parents want the best for us but sometimes, di nila narerealise na may mga mali din sila. Na di sila laging tama. At isa pa, they don't hold our future. Di nila hawak ang buhay natin Ed. Tumatak sa'yo ang mga sinabi nila kaya bumaba ang tingin mo sa sarili mo, which caused your frustrations na di mo pa sinabi kay Mary that lead to your breakup with her." Paliwanag ni Marion at tila nabuhusan ng malamig na tubig si Edmond. Ngayon lang nagpo-process sa utak niya ang mga nangyari dati. Napatingin na lang ito sa kaibigan.
"I know that stare. Finally, you've realised it. Now go and explain yourself to Mary." Gulat naman na tinignan ni Edmond si Marion na tila nagsasabi na nababaliw na siya.
"You're crazy bro. Sa tingin mo pakikinggan pa niya ako. She doesn't want to be bothered anymore." Malumong sagot ni Edmond.
"Ano? Susuko ka na lang? Ganoon na lang un? Finish na? Edmond, ikaw na rin nagsabi noon diba? Walang mali, walang tamang decision as long as alam mo sa sarili mo na tama iyon, and just make sure na wala kang pagsisisihan sa huli. Now, kung sa tingin mo na tama na di ka na lang magexplain kay Mary then go. Basta wag mo lang pagsisisihan. Wag lang talaga ako makarinig sa'yo sa susunod ng mga sana." Payo ni Marion bago iwan ang kaibigan.

YOU ARE READING
In & Out of Love
Romance"People who are meant to be together find their way back. They may take a few detours, but they're never lost." Characters: MaryDale Entrata as Mary Danielle Enriquez/MM Edward John Barber as Edmond James Barton/Ed