Chapter 3

528 42 9
                                    


Hindi alam ni Mary kung paano siya napunta sa sitwasyon niya ngayon. Kasalukuyang nasa apartment niya si Ken at Edmond.

"Anong kailangan niyong dalawa?" Tanong ni Mary.

"MM, diba sabi ko sa'yo dadalaw ako ngayon dahil hindi kita naihatid kaninang umaga?" Paliwanag ni Ken at binalik ang masamang tingin kay Edmond.

"Uhhmmm MM..i mean Mary, i just want to talk. Yung nangyari kanina..." Nabitin si Edmond ng akmang susuntukin siya ni Ken.

"What did you do?" Hinawakan na ni Ken si Edmond sa kuwelyo na agad namang inawat ni Mary.

"Ken, tama na. Walang nangyari." Pigil ni Mary. Gustuhin man ni Edmond na labanan si Ken dahil naiinis na rin ito pero minabuti niyang wag na lang patulan. Hindi rin naman niya alam ang tunay na namamagitan kay Mary at Ken.

"Edmond, sa ibang araw na lang tayo mag-usap." Pakiusap ni Mary at matamlay na tumango ang binata. Inihatid ni Mary si Edmond sa labas.

"I'm sorry MM. I'm sorry." sambit ni Edmond bago ito sumakay sa kanyang kotse. Tinignan muna ni Edmond si Mary na ngayon ay papasok na sa loob ng apartment bago ito tuluyang umalis.

Pagbalik ni Mary sa loob ay naabutan niya si Ken na komportableng nakahiga sa sofa.

"Hoy Ken. Wag mo nang uulitin yung kanina. Wala naman ginawa yung tao." sabi ni Mary.

" He's still your jerk ex, MM. Malamang gusto ka niyang makuha ulit. And sa tingin mo papayag ako? No way." Paliwanag ni Ken.

"Pinakawalan ka na niya. Sinayang niya ang chance niya. I won't let him get near you again." Dugtong ni Ken. Minsan ay naiinis na si Mary sa sobrang possessive ni Ken kahit hindi pa sila, alam niya na pinoprotektahan lang siya nito ngunit hindi niya maiwasang mainis sa binata.

"Ken pleaseee. Ayan ka na naman." Napamasahe si Mary sa kanyang ulo. Alam naman niya na gusto lang din ni Ken na makamove-on na siya ngunit gusto ni Mary na sarili niya ang gumawa ng paraan at ng walang tulong mula sa iba.

Lumapit si Ken sa dalaga at yinakap ito.

"Sorry. Natatakot lang ako na baka mahal mo pa siya." Sabi ng binata. Kumalas si Mary sa pagkakayakap.

"Ken, aware ako sa feelings mo. Hindi naman sa pinapaasa kita. Alam mo naman na hindi pa ako buo. Hindi pa kaya ng puso ko na magmahal ulit." Paliwanag ng dalaga.

"I know MM. I know." Malungkot na tugon ni Ken.

"Sige. Alis na ako para makapagpahinga ka na. Sunduin ba kita bukas?" Tanong ng binata.

"No need. Off ko tomorrow and nagyaya kasi si Kean and Kattie na maglunch." Sagot ni Mary. Hinatid ni Mary si Ken sa labas at hinintay itong makaalis bago pumasok sa kanyang apartment.


----------------------------------------

*Mary's P.O.V*

Kinabukasan ay sinundo ako nila Kean and Kattie. Pare-parehas kasi na off namin ngayon at naisipan namin na magbonding. Habang kumakain kami ng lunch ay biglang napag-usapan namin ang nangyari kagabi sa karaoke.

"Nako Kattie, kung nakita mo lang si sir Edmond. I mean yung pagbreak down niya." Ani ni Kean at hinampas ko siya bigla.

"Sising sisi ang mokong. Hayaan mo siya. Dapat lang sa kanya yun." Tugon ni Kattie at napabuntong hininga na lang ako.

"Girl, hindi mo pa ba sasagutin si Ken? Naaawa na ako sa tao." Komento ni Kean.

"Bes, alam mo naman na hindi pa ako handa diba? Mahal ko naman siya pero bilang kaibigan tulad niyo." Paliwanag ko.

"Hindi nga ba handa o sadyang laman pa ng puso mo yung ex mo?" Tanong ni Kattie.

"Kattie, please, ilang beses ko na ba sinabi na wala na. Wala na akong nararamdaman kay Edmond." sagot ko sa kanya. Wala na naman talaga. Teka, wala nga ba? Bushak ka. Mary Danielle, umayos ka ha.

"Teka. Mga besh. si Sir Edmond ba yun?" Sambit ni Kean at itinuro niya ito. Lumingon naman kami ni Kattie at nakita si Edmond na may kasamang babae. Naka angkla ang kamay ng babae sa braso ni Ed. Hindi namin makita ang itsura ng babaeng kasama niya dahil nakatalikod ito sa amin.

"Girlfriend niya? Yun ba yung pinalit sa'yo? Wow. Tumagal din sila pala." Ani ni Kattie.

"Tara sundan natin." Sabi naman ni Kean. Siguro nagsisisi siya sa ginawa niya pero mukhang masaya naman sila ngayon.

"Tumigil ka nga. Hayaan na natin sila. Wag natin sila istorbohin. Isa pa, anong oras na. Malapit na magsimula yung movie. Tara na nga." Aya ko sa kanilang dalawa.

Pagkatapos manuod ng sine ay nag-aya naman si Kean ng night out since weekend kinabukasan. Sumunod din si Ken at Ethan.

"Wow. Ano ako fifth wheel? Mga walang hiya kayo." Sambit ni Kean habang nakatingin sa aming apat at natawa na lang kami dito. Nilibot ko ang aking mga mata sa aming paligid, sa di kalayuan ay may nakita akong familiar na tao.

Si Edmond.

"Hey." Tawag sa akin ni Ken. Tumingin ako sa kanya saglit habang tumingin naman siya sa direksyon kung saan ako nakatitig kanina.

"That jerk." Inis na sabi nito. Napansin na din nila Kattie, Ethan and Kean si Edmond na ngayon ay may kasamang babae na hinalikan pa ito sa pisngi. Naupo ang babae sa tabi niya. Hindi namin makita dahil nakatalikod ulit to sa amin pero mukhang siya nga yung kanina na kasama sa mall. Maya maya ay biglang may lumapit na babae kay Edmond at agad itong hinalikan sa labi.

"What the?! Aba! Matindi! dalawa." Komento ni Kean. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Bigla na lang tinulak ng unang babae na kasama ni Edmond ang kararating na babae. Inawat ito ni Edmond hanggang sa lumabas na lang silang dalawa sa bar. Tulala pa rin ako sa aking nasaksihan. Hindi ko inaakala na ganito pala siya. Posible kaya na noong kami pa ay ganito din siya? Na niloloko lang niya ako?

"Are you okay?" Tanong ni Ken at tumango na lang ako. Tinignan ako ni Kattie na may pag alala.

"Punta lang ako sa restroom." Paalam ko sa kanila. Sumama naman sa akin si Kattie. Pagpasok namin, hindi ko napigilan ang maluha at agad naman akong niyakap ni Kattie.

"Hindi ka pa talaga nakakamove on sa kanya. Akala ko ba okay na?" Tanong niya.

"Kate, di ko alam. Naguguluhan ako. Di ko alam bakit may epekto pa rin siya." Sagot ko sa kanya.

Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari sa akin. May mga times na okay na naman ako ngunit meron din na hindi. Na akala ko okay na ako pero hindi pa pala.


Akala ko lang pala.

In & Out of LoveWhere stories live. Discover now