Chapter 2

485 47 2
                                    


*Mary's P.O.V*

Natigil ako bigla sa aking paglalakad. Ilang minuto kaming nagtitigan ni Ed. Hindi ko inaasahang makikita ko siya ulit. Hindi pa ako handa.

"Uhhmm...dito ka pala nagtatrabaho?" tanong niya.

"Ah..." Bago pa ako makasagot ay biglang may tumawag sa akin.

"Hoy! MM! Girl! Kanina pa kita tinatawagan..." Bati ng aking kaibigan na si Kean. Napatingin si Kean kay Ed at tila kinilatis niya ito mula ulo hanggang paa.

"Ayy..girl. Mukhang kilala ko to. Siya yung ex mo?" Minsan talaga ang sarap batukan nitong taong to.

"Ahh! Kean bakit nga pala?" Tanong ko para maiwasan ang topic na yun.

"Kasi naman, alam kong kahahatid lang sa'yo pero itong manliligaw mo tumawag na kaagad at hinahanap ka kung daw ba nakapag in ka na." Ani ni Kean. Jusko! Sana hindi ko na lang tinanong. Napatingin ako kay Ed na tinititigan lang din kami.

"Ed, yung tanong mo nga pala. Oo dito ako nagtatrabaho. Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya.

"You don't know?" Tanong niya pabalik.

"Ang alin?"

"Wait... Ed?? Edmond James Barton?" Gulat na gulat na tanong ni Kean at tumango lang si Ed.

"Sheeet." Napatitig na lang sa akin ang aking kaibigan at tsaka niya ibinulong sa akin ang balitang ikinagulat ko.

"Girl, siya yung bagong boss ng department natin." Bulong niya at napatingin na lang ako kay Ed.

"Yup. Ako ang bagong boss ng sales department." Sabi niya na tila narinig ang sinabi ni Kean. Bigla akong kinabahan. Bakit? Bakit? Kung alam ko lang eh di sana di na ako nag-apply dito. Sana doon na lang ako kila Kattie or kila Ethan.

*Ang tanga mo na naman Mary. Pero, hindi kaya tadhana ang naglalapit sa amin? Ayy! Bushak! Anong tadhana? Professional lang dapat. Trabaho kung trabaho. Moved on ka na diba? Kaya umayos ka Mary! * Sita ko sa aking sarili.

"Tara na girl." Aya ni Kean.

"Ahh sir. Mauna na po kami ha. May meeting po ata mamaya diba? See you na lang po dun." Magalang na paalam niya.

"Ed...i mean sir Edmond. Mauna na kami." Sabi ko sa kanya at tumango lang ito. Pagpasok namin ng building ni Kean agad niyang hinila ang buhok ko ng bahagya.

"Kaloka ka. Di mo sa akin nabanggit buong name ng ex mo. Nasungitan ko tuloy. Sheet lang girl." Ani ni Kean. Natawa na lang ako sa reaksyon niya ngunit naiisip ko talaga magiging sitwasyon ko ngayon dito, mas lalo na kapag nalaman ni Kattie at Ken.

"Ano? Sasabihin mo ba to kay Ken?" tanong ni Kean.

"Ano sa tingin mo? Sasabihin ko ba? Alam mo naman yun kahit di niya nakilala si Ed, basta pag nababanggit sa usapan umuusok na lang bigla." Sabi ko sa kanya.

"Ay ewan. Mamaya na lang natin problemahin. Tara na at baka magpameeting na bigla."

Pagkatapos ng meeting ay ipinatawag naman ako sa HR para sa orientation. Si Kean talaga nag-alok sa akin kung interesado ba ako magtrabaho dito kaya ako nakapag-apply. Matagal tagal na din siya dito at sabi niya maganda naman ang kumpanyang ito na sa di inaasahan ay pag mamay-ari pala ng uncle ni Ed.

*end of Mary's POV*

------------

Sa loob ng anim na buwan ay naging maayos naman ang pagtatrabaho ni Mary sa kumpanya. Noong una hindi payag si Ken sa desisyon ni Mary na magstay ito noong nalaman niya na si Edmond ang boss ng dalaga. Nagkakilala na din si Ken at Ed nang minsan sinundo ni Ken si Mary.

In & Out of LoveWhere stories live. Discover now