Kinabukasan ay napagpasiyahan ni Mary na hindi muna pumasok, nagsabi na ito sa HR at sa kanilang head na magsisick leave muna siya. Hindi rin kasi maganda ang pakiramdam ng dalaga.
"Girl, may sakit ka daw?" Tanong ni Kean na agad napatawag kay Mary nang malaman na hindi ito papasok.
"Masyado lang siguro ako napagod nitong mga nakaraang araw." Sagot nito.
"Kasi naman girl, uso po ang pahinga. Alam mo bang kinamusta ka sa akin ni sir Edmond?" Ani ni Kean.
"Hayaan mo na siya." Tipid na tugon ni Mary. Naikwento ng dalaga sa kaibigan ang nangyaring sagutan nila ni Edmond.
"MM, hindi kaya. . .he wants you back?" Tanong ni Kean.
"Hindi naman siya aasta ng ganoon kung di siya nagseselos. Maybe he realised his mistakes already." Dugtong nito. Napabuntong hininga na lang si Mary. Hindi niya talaga maintindihan ang binata sa inasta nito noong gabing iyon.
"Kean, okay na ako. Nakakabangon na ako. Ayoko nang balikan ang nakaraan. Naghihilom na ang sugat." Saad ni Mary.
"Alam mo girl, napag isip isip ko lang. Paano if naghilom na ang sugat diyan sa puso mo? What if kayo naman talaga ang para sa isa't isa?" Tanong ni Kean. Ilang segundong nanahimik si Mary.
"Sa ngayon ayoko pang isipin yan. Gusto ko man isarado ang posibilidad pero ayoko naman magsalita ng tapos. Hindi sa umaasa ako. Pero for now, sarili ko muna ang pagtutuunan ko. Even si Ken, nag-usap na kami ay malinaw sa kanya ang lahat ang priority ko ngayon." Paliwanag ni Mary.
"Alam mo girl, idol talaga kita sa mga ganito. Haaay. Ang talino mo naman pero tanga ka lang talaga sa pag-ibig." Biro ng kaibigan at bahagyang natawa si Mary.
"Wow. Nagsalita ang hindi. Haay nako. Tama na nga to. Pag ikaw nahuli talaga na puro telepono ka na naman. Sige na. Bumalik ka na sa trabaho.Papasok na naman ako bukas." Paalam nito kay Kean.
Matapos ang pag-uusap nila ni Kean ay naisipan ni Mary na kumain sa labas, sakto naman ay biglang nagmessage sa kanya si Marion. Nagkita silang dalawa sa cafe na malapit sa tinutuluyan ni Marion.
"Buti naman at free ka ngayon" Pagbati ni Marion nang dumating si Mary.
"Di naman ako pumasok. Medyo masama din kasi pakiramdam ko." Sagot nito.
"Bakit di mo sinabi? Sana pala binisita na lang kita sa apartment mo." Ani ni Marion.
"No. Okay na naman ako at isa pa, balak ko din na kumain sa labas. Buti nga at minessage mo ko" saad ni Mary.
Kinamusta din ni Mary si Marion at ang kanyang fiancee, pati na rin ang kanilang wedding plans.
"Akalain mong ikakasal ka na. Maswerte ka at nahanap mo na ang the one." Komento ni Mary na bakas ang kasiyahan para sa kaibigan.
"Ikaw...malay mo nandyan na pala yung the one mo" ani ni Marion.
"MM, if you don't mind, kamusta naman kayo ni Edmond?" Tanong ni Marion kahit na alam naman ng binata na hindi ito sasagutin ng dalaga.
"Okay naman kami. Past is past, Marion. Okay na ako." Sagot ni Mary. Inobserbahan ng kaibigan ang dalaga. Alam nito na hindi nagsasabi ng totoo si Mary.
"Sure?" Tanong niya. Iwas tingin naman si Mary kay Marion. *Bakit naman kasi ang galing magbasa ng tao nitong si Marion?* Isip ni Mary.
"Alam mong di ka makapapagsekreto sa akin, right?" Binalik ng dalaga ang tingin niya sa kaibigan.
"Okay fine. Papunta na sa pagiging okay. Kaya nga hanggat maari ayoko na siyang papasukin sa buhay ko. Boss ko lang siya, empleyado ako. Yun lang. Hanggang doon lang." Paliwanag ni Mary.
"Pero hindi ba kayo nagkaroon ng pagkakataon para makapag-usap ng masinsinan after ng break-up?" Tanong ni Marion.
"Para saan pa? Para malaman ko na nagtwo-time siya? Para malaman ko na may pinopormahan siya noong kami pa?" Balik na tanong ni Mary. Nagtaka naman si Marion sa mga sinabi ng dalaga.
"He never cheated Mary. Hindi siya nag two-time." Sagot ni Marion.
"Wow Marion, pinagtatanggol mo pa siya?" Ani ni Mary.
"No. Totoo ang sinasabi ko. I guess hindi pa nga talaga kayo nakakapag-usap. Look, MM. I know malaki ang naging kasalanan ni Edmond. Nasaktan ka niya. Hindi third party ang naging problema niyo, and I guess, wala akong karapatan na sa akin pa manggaling kung ano nga talaga ang reason." Paliwanag ni Marion.
"Kung ano man yun, ayoko nang malaman. Tapos na kami Marion. Unti-unti nang naghihilom ang sugat sa puso ko, isa pa, I need time for myself. Masyadong umikot ang mundo ko sa kanya noong kami pa." Ani ni Mary.
"Ikaw bahala. Ang akin lang, siguro mas maganda na magkaroon kayo ng closure. Sinasabi mo sa sarili mo na okay na, that you're finally healing, but I know it's not Mary. Alam kong marami pang tanong ang bumabagabag sa'yo. You two need closure." Mungkahi ng kaibigan.
"But don't worry, hindi kita pinipilit. Advice ko lang naman iyon. Pero kung sa tingin mo na ang mga desisyon mo ay tama at mas makakabuti for you then I'm fine with it. Gusto ko lang na maging okay ka." Dagdag ni Marion at tipid na ngumiti ang dalaga.
"Thank you so much Marion." Pasasalamat ni Mary.
Pagkatapos ng kanilang lunch ay inihatid ni Marion si Mary sa kanyang apartment bago ito dumiretso kay Edmond. Napag-isip isip naman si Mary sa mga sinabi ng kaibigan.
"Bakit ganoon? Parang tama si Marion? Kailangan ba talaga namin ng closure? Ano yung sinabi ni Marion? Hindi nag two time si Ed? Pero, sino si Kylie? Sino yung dalawang babaeng kasama niya sa bar? Hinusgahan ko nga ba talaga agad si Edmond nang hindi ko napapakinggan ang kanyang paliwanag?" Tanong ni Mary sa sarili matapos mapag-isip isip ang mga napagusapan nila ni Marion.
*Uggghh. Marion Gonzales. Kasalanan mo tong lahat!* Inis na sabi ni Mary.
YOU ARE READING
In & Out of Love
Romance"People who are meant to be together find their way back. They may take a few detours, but they're never lost." Characters: MaryDale Entrata as Mary Danielle Enriquez/MM Edward John Barber as Edmond James Barton/Ed