Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang pag uusap ni Marion at Mary. Dahil na rin sa dami ng trabaho, hindi masyadong nag-uusap si Mary at Edmond. Naisip ng dalaga na mas mabuti ang ganoong set-up lalo na at hindi pa siya handa makipag-usap sa binata.
"Girl, nagsabi na si Ken kanina ha, susunduin ka daw niya. I think he'll be here at 5pm? Tumawag kanina ako na sumagot." Ani ni Kean.
"Salamat." Matamlay na sagot ni Mary. Pinagmasdan ni Kean nang maigi ang kaibigan. Alam nitong may bumabagabag kay Mary.
"May problema ka? Medyo nag ii-space out ka girl simula nung bumalik ka sa meeting with Sir Edmond." Komento ni Kean. Napabuntong hininga na lang si Mary.
"Sabi niya kanina sa akin gusto daw niya kami mag-usap." Sagot ni Mary.
"Oh, eh di mag usap kayo. Alam mo MM sa tingin ko tama si Marion. Kailangan niyo ng closure. Kailangan niyong mag-usap ng masinsinan. Lagi mong sinasabi okay ka na, nakamove on ka na pero girl, hindi iyan ang nakikita ko, even si Ken and Kattie. Magpakatotoo ka sa sarili mo. " Payo ng kaibigan kay Mary.
Sasabihan na sana ni Mary si Ken na huwag na lang siya sunduin ngunit naunahan na ito ng binata. Nakasalubong ito ni Mary na papunta ng carpark.
"MM." Tawag ni Ken.
"Ken, sorry talaga. Alam ko nag-effort ka. Tatawagan na sana kita na wag na lang ako sunduin. Mukhang napaaga ka ata." Sabi ng dalaga.
"Why?" Tanong ni Ken. Hindi alam ni Mary kung sasabihin ba niya ang totoo sa binata nang biglang lumapit sa kanila si Edmond.
"Tara na?" Aya nito kay Mary. Kumunot ang noo ni Ken at tumingin kay Mary.
"MM? What's this?" Tanong ni Ken. Hindi makatingin si Mary sa kaibigan. Mukhang nakaramdam naman si Edmond kaya ito ang unang nagpaliwanag.
"Mag-uusap lang kami Ken. We need to settle things between us." Sagot ni Edmond. Tumingin ng masama si Ken sa kanya.
"Hindi ikaw ang kausap ko Barton and what? Settle things between you two? Para ano pa? Para saktan mo si Mary? Heck no, Edmond James Barton. Stay away from her or else..."
"Tama na Ken. Ako mismo ang pumayag para mag-usap kami. Please Ken." Hinawakan ni Mary ang kamay ni Ken habang tinignan ito na tila nakikiusap.
"Alright." Tumango tango ang binata ngunit bakas sa kanya ang pagkadismaya sa dalaga. Tinignan niya ng masama si Edmond.
"Go Barton. I-settle niyo na ang kailangan niyong i-settle. After that, leave her alone. Got it?" Pagbabanta ni Ken bago umalis.
"Are you okay?" Tanong ni Edmond kay Mary at tumango lang ang dalaga. "Let's go." Aya niya kay Mary.
--------------------------------------------------------------------------------------------
Nagpunta sila sa kanilang alma mater, kung saan sila nagkakilala, kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at sa lugar na naglalaman ng maraming memorya. Umupo sila sa isang bench at tahimik na pinapanuod ang fountain.
"Nakakamiss pala ang college life. It's been three years na rin." Ani ni Mary na unang bumasag sa katahimikan.
"Namiss ko yung magpapractice kami ng dance troupe ko dito sa Quadri Park. Namiss ko yung pagtatambay namin ni Kattie dito kapag walang class...Namiss ko..."
"Namimiss ko yung tayo." Singit ni Edmond at napatigil si Mary.
"I can still remember na dito ako nagtapat sa'yo na gusto kita. Tinulungan pa ako ni Kattie noon. Dito mo sinabi sa akin na pumapayag ka na na manligaw ako at dito mo rin ako sinagot matapos niyong manalo sa competition." Dugtong ni Edmond. Tila naluluha na ang dalaga habang inaalala ang mga nabanggit ng binata.
"MM, I'm really really sorry. I know hindi sapat ang salitang yun sa mga nagawa ko. Hindi ko sinadyang masaktan ka. Yun nga ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay. Ayokong masaktan ka lalo but I guess, I was wrong. Hindi ko naisip na mas lalo kitang nasaktan. Yung kay Kylie...okay, I admit. Three weeks after our breakup, we hanged out, nagkamabutihan kami but I just want to clear things out na noong time na tumawag siya, we're not together yet. Look, MM! I never two timed you. I was a jerk for breaking up with you but hindi third party ang dahilan." Paliwanag ni Edmond.
"Then ano? Wait, hulaan ko, babanggitin mo ba ang classic line na, "it's not you, it's me." kasi if oo, wag na lang Edmond. Sawa na ako marinig iyon. Alam kong may pagkukulang din ako. Di ako naniniwala na nakipagbreak ka dahil may issues ka sa sarili mo and wala akong kinalaman doon. Diba sabi nila, it takes two to tango? So, maging honest na lang tayo dito Ed." Ani ni Mary. Napayuko na lang si Edmond sa sinabi ng dalaga.
"Aminin ko na noong naramdaman kong makikipagbreak ka na sa akin, inunahan kita. I guess medyo ayokong maapakan mo ang ego ko pero alam mo Ed, umasa pa rin ako na maayos natin kahit alam kong before tayo maghiwalay ay medyo toxic na ang relationship. Yung ramdam ko na hindi ka na masaya, ramdam kong may pagbabago sa ating dalawa. Naisip ko tuloy ano bang problema? May mali ba sa akin? Anu-ano ba yung mga pagkukulang ko? Kahit hindi mo sabihin, alam ko Ed. Alam kong may nagbago. Ano nga ba talaga ang nangyari sa atin? Bakit tayo humantong sa ganito." Paliwanag ng dalaga.
"Honestly, iyan din ang tanong ko. I don't know what happened. I'm not sure if I got confused, scared, or what. Confused of my feelings, our relationship... I guess I got scared for our future. Things piled up that I didn't even realise na napapabayaan ko na yung tayo. One of my mistakes was hiding all my problems during that time. Ayoko nang mai-stress ka so I decided not to tell you my personal struggles na eventually nakasira sa relationship natin." Sagot ni Edmond.
"Listen, MM. I really regret all. If only I could take back the time. If only..."
"If, Ed. If. Hindi na natin maibabalik iyon. Sana nga ganoon na lang kadali pero hindi. Narealise ko lang, tama nga si Kattie, naiintindihan ko na ngayon yung mga pinagdaanan niya noon. Totoo nga yung sabi nila na falling in love is easy pero yung staying in love ang hardest part at mukhang hindi tayo nakatawid sa part na yun. Nahulog tayo Ed. We fall out of love. . .or should I say you fall out of love?" Matapos bitiwan ni Mary ang mga salita ay hindi niya napigilan ang mga luha.
"MM...I...I'm really sorry." Aakmang yayakapin na ni Edmond ang dalaga ngunit lumayo ito ng bahagya at tumayo.
"Okay na Edmond. I-iiyak ko lang to pagkatapos mawawala na. Okay na tayo. At least nakapag-usap na at malinaw na ang lahat. Makakahinga na tayo ng maluwag." Ani ng dalaga, tumalikod na ito sa binata.
"MM, please. Give me a chance at least?" Pakiusap ng binata at agad itong napatayo.
"Tapos na Ed. Okay na ang lahat. Bye." Nagsimula ng maglakad si Mary papalayo kay Edmond habang pinipigilan ang paghikbi.
"I want you back, MM." Bahagyang sigaw niya, alam niyang narinig iyon ng dalaga, ngunit hindi tumalikod si Mary at nagpatuloy sa paglalakad.
"I still love you." bulong ni Edmond habang nakatingin sa pigura ni Mary na unti-unting papalayo sa kanya.
YOU ARE READING
In & Out of Love
Romance"People who are meant to be together find their way back. They may take a few detours, but they're never lost." Characters: MaryDale Entrata as Mary Danielle Enriquez/MM Edward John Barber as Edmond James Barton/Ed