"Shit."
Makailang mura ko na ba yan sa minutong 'to? Hindi ko na mabilang. Pero shit talaga! Paano ako napunta sa sitwasyong ito?
Nanlalabo na ang mga mata ko sa mga luhang kanina pa tumutulo. Mabilis ang aking mga hikbi habang nanginginig ang aking kamay, mahigpit na nakahawak sa puti kong unipormeng sira-sira na ang mga butones.
Wala akong magawa kundi tumakbo nang tumakbo, paika-ika, sa masukal na eskinitang tinatahak ko. Kagat ang aking labi at iniinda ang malalim na saksak sa aking kanang hita.
Tangina.
Sana umuwi akong maaga. Sana sa apartment ko na lang tinapos ang mga paperworks ko. Eh 'di sana hindi ako ang natyempuhan ng isang rapist sa isang madilim na eskinitang nadaanan ko.
Mukhang tama ata ang sabi-sabi nila sa mga graduating na estudyante, lapitan sa aksidente.
Sobrang sakit ng sinaksak ng hayop na 'yon sa hita ko. Hindi ko kayang bilisan pa ang aking takbo. Bawat hakbang ko, naiiwan ang patak-patak ng dugo ko sa aspalto. Nakakapanghina na loob. Wala akong maaninag na taong pwedeng mahingan ng tulog. Madilim. Ang munting ilaw ng mga lumang streetlights lang ang nagbibigay ng liwanag sakin. Masyadong liblib ang daan, wala akong mahingan ng tulong.
"Wait lang, Miss Beautiful. Hindi pa tayo tapos," sigaw ng lalake mula sa likod. Kasabay nito ang isang nakakakilabot na tawa.
Shit. Andyan na siya.
