R

246 11 0
                                    

Isang hampas ng tubo ang tumama mismo sa hita kong may sugat. Napasigaw ako ng malakas sa tindi ng sakit na dulot nito kasabay ng aking pagkatumba sa kalsada. Sobrang tindi ng sakit na halos hindi ko na kayang igalaw ang paa ko.

"'Wag po, please! Maawa po kayo!" nanlalabo ang mga mata kong lumingon sa likod. Ngisi niya lamang ang sumukli sa akin kasabay nang paghila niya sa mga paa ko habang pinipilit kong magkaroon ng distansya sa pagitan namin at gumagapang palayo sa kanya. Sobrang pula ng kanyang mga mata at alam mong wala ito sa tamang katinuan marahil sa droga.

Sigaw lang ako ng sigaw habang pinilit makawala mula sa hawak niya sa akin. Ngunit masyado ito malakas kumpara sa akin hanggang tuluyan ko ng maramdaman ang buong bigat nitong umibabaw sa munti kong katawan.

"Huwag po!"

Isang sampal ang tumama sa pisngi ko.

"Manahimik ka!" Malakas at galit nitong sigaw na tila tapos na itong makipaglaro sa akin. Inilapit niya ang kanyang mukha. "Walang makakarinig sayo rito, Ineng. Tayong dalawa lang ang nandito kaya mag-enjoy ka na lang," nakakakilabot nitong bulong sa akin.

Nang susubukan niya 'kong halikan sa leeg ay natigil ito. Maski ako, nahigit ko ang aking paghinga. Isang tunog ng lighter ang parehong nagpalingon samin sa kanang bahagi ng kalsada. Sa madilim na parteng iyon na hindi nasisinagan ng liwanag mula sa streetlight ay isang munting apoy ang nagmutawi.

"Oops," kaswal na saad ng nagsalita. "I'm not asking for this kind of live action. Don't mind me," dugtong nito.

Lalaki. Boses ito ng isang lalaki. Kasabay non ang pagsindi niya sa kanyang sigarilyo kaya't nahagip ko ang mukha nito. Lumapit ang apoy sa sigarilyong nasa kanyang bibig at napuna ko agad ang tangos ng kanyang ilong. Dahil sa munting apoy na iyon ay pawang nagkaroon ako ng pag-asa.

"T-tulong!" agad kong sigaw sa kanya. "Tulungan mo ko, please! Pakiusap!"

"'Wag kang makialam dito, Bata!" sigaw pabalik ng rapist na nakaibabaw sa akin.

Humithit muna ito sa kanyang sigarilyo bago ito umabante mula sa madilim nitong kinaroroonan. Tumama ang liwanag sa kanyang mukha kasabay ng pagpapakawala nito ng usok sa kanyang bibig. Napatitig lamang ako sa kanya na tila nakatitig ako sa isang sining.

"Ok," simpleng sagot nito na dumurog sa pag-asang sumisibol kani-kanina lamang.

Run, HarrietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon