E

226 12 0
                                    

Pilit kong nilalabanan ang pagsara ng talukap ng aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang pangunahing dahilan nito. Kung ang pagputok ba ng baril o ang pagkaubos ng aking dugo. Hindi ko alam...Basta ang alam ko, pagod na pagod na ako. Gusto ko na lamang magpahinga.

Tuluyan na akong pumikit at nilamon ng kadiliman ang aking isip. Naramdaman akong para akong dahan-dahang lumulutang.

Nakakarinig ako ng ingay, boses ng lalake. Pero masyadong na akong lutang para maintindihan ito. Pinilit kong iminulat ang aking mga mata dahil sa mahihinang tapik sa aking kanang pisngi na pawang ako ay ginigising.

Siya. Ang mukha niya ang aking pangunahing nakita.

May sinasabi siya pero mistula lamang itong mga ingay ng bubuyog sa aking pandinig.

Napapikit akong muli. Hindi ko na talaga kaya.

Run, HarrietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon